Part 02

0 0 0
                                    

⚠️BITTEN SERIES⚠️ #1🎉
(By Parts)
Title: The Vampire who Stole my Napkin {Part 2}
Genre: Comedy,Vampire
Author: Mikayiieehh_wp✍️
*🚫NO TO PLAGIARISM!🚫*

Tanghali na noong nagising ako. Ikaw ba naman ang magdamag na maglinis ng kalat na ginawa ng isang bampirang magnanakaw!

Grabe! Nandidilim talaga paningin ko kapag naaalala ko ang kababuyang ginawa niya sa pinakamamahal kong kusina!

Ganito kasi yun….

*FLASHBACK*

“Uwaaaaahhhh!!!! Hayop kang bampira ka! Bakiiiiiittttt?!!!??!” Sigaw ko habang nakatingin sa ginawa ng bampirang iyon sa kusina ko!

Nagkalat ang mga pinaggupitan ng mga madudugong napkin ko! Meron sa lamesa! Sa sahig! Sa lababo! Maski sa Ref meron!! Mukhang pinakialaman rin ng bampirang iyon ang pampainit ko ng tubig!! Ang mga lutuan ko ay wala sa ayos!!! At ang mga pampalasa kooooo!!!! Ang mga pampalasa kooo!!!! Ay nagkalat sa mga sahiiiggg!!! Nagsama sama ang mga pampalasa ko at ang mga madudugong napkin!! Wooooo!!!! Mahihimatay yata akoo!!!

“Grrrrrrrr!!!! Nandidilim talaga ang paningin ko! Bwiset na bampira! Nagnakaw na nga—Nakuha niya pang guluhin ang mga gamit ko! Grrrrrrrrr talaga! Makakapatay yata ako ng bampira ng wala sa oras!!” Gigil kong sambit at napasabubot sa buhok kong buhaghag.

Wala na akong magagawa kung hindi ang linisin ang mga kalat na ito! Tinatamad pa naman ako at inaantok! Hays!

Kakamot kamot akong nag umpisang maglinis…..

*END OF FLASHBACK*

At….yun nga ang nangyari. Sa awa ng diyos ay mabilis ko namang nalinis ang kalat ng bwisit na bampira!

Tatayo na sana ako mula sa kama ko nang biglang may kumalabog na naman sa baba!

“Lintek na bampira yun! Lakas ng loob ha!?” Sabi ko at dali daling lumabas sa kwarto at pumunta sa baba.

Pagkarating ko sa sala nakita ko ang pesteng bampira na prenteng nakaupo sa sofa at binabasa ang literature book ko!

Agad nitong naramdaman ang presensiya ko. Nag angat siya ng tingin sakin. “Oh! Hi Ally!” Masiglang bati nito sakin at ibinaba ang libro sa coffee table.

Tumayo ito at lumapit sakin. Nang makalapit ay agad ko itong binatukan ng pagkalakas lakas na dahilan ng pagkabalibag nito sa sahig!

‘Yan ang bagay sayo! Pesteng bampira!’ sabi ko sa isip

“Ouucch!” Daing nito. Nakacross arms lang ako habang tinitingnan siyang dahan dahan na tumayo. “Bakit mo ginawa yun?!” Reklamo nito habang nakahawak sa ulo niyang binatukan ko.

Sa sobrang pagkairita ko ay piningot ko ang tenga nito kaya naman napasigaw ito sa sakit.

“Wag kang magmalinis bampira na parang wala kang ginawang kagaguhan sa kusina ko!” bulyaw ko dito.

“A-aray!! Sorry na Ally! Hindi na mauulit promise! Peksman! Pakasalan mo pa'ko!” Daing nito.

Dahil sa huling sinabi niya ay mas lalo ko pa itong piningot! Kaya naman hinawakan niya ang kamay kong pumipingot sa tainga niya at sapilitang aalisin sana pero nagmatigas ako at mas lalo ko pang hinigpitan ang kapit ko sa tainga niya!

'Kala mo ha! Tss!’

“Arrraaaayyyyy kooo poooo!!!!” Malakas na sigaw nito dahil sa sakit. Natawa naman ako. Ito Ang bagay sa bampirang pasaway!

Binitawan ko na ang tainga nito kaya ang loko ay napahiga sa sahig at namaluktot habang hawak hawak nito ang namamagang tainga.

Bigla kong naalala ang ginawa niya sa kusina ko kaya uminit na naman ang ulo ko! Arrrggg!! Nandidilim talaga ang paningin ko! Tatadyakan ko na sana ang bampira pero nakarinig ako ng katok sa pinto. Kaya naman umirap nalang ako sa bampirang nasa sahig at tinungo ang pintuan.

The Vampire Who Stole My NapkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon