⚠️BITTEN SERIES⚠️#1🎊
(By Parts)
Title: The Vampire who Stole my Napkin {Part 1}
Genre: Comedy, Vampire
Author: Mikayiieehh_wp✍️
*🚫NO TO PLAGIARISM!🚫*Napabalikwas ako ng bangon ng may marinig akong kaluskos mula sa kung saan. Agad akong bumaba mula sa kama ko at hinanap kung saan ito nanggagaling. Madilim ang salas ng bumaba ako sa first floor pero may naaaninag parin ako, nalaman kong sa kusina nagmumula ang mga naririnig kong kaluskos. Walang ingay akong nagtungo sa kusina para alamin kung ano yung kumakaluskos.
Pagkarating ko doon ay sumalubong sa akin ang mas madilim na kapaligiran at halos wala na akong maaninag pero sa tulong ng liwanag ng buwan sa labas ay may konti akong naaaninag, Isa na doon ang selopin na nakapatong sa may trashcan, Doon nakalagay ang pagkaingat ingatan kong mga MADUDUGONG NAPKIN na akala mo nakipag-gera sa sobrang dami ng laman!
Pero kapansin-pansin ang malaking butas na nandoon sa selopin. Lumapit pa ako doon at nagulat ng makitang halos LAHAT ng madudugong napkin ko ay WALA NA!
'Asan na yung mga yun!?’
Napatalon pa ako sa gulat ng biglang mga kumalabog sa itaas! ‘Sa may kwarto ko!’
Dali-dali akong tumakbo papunta sa hagdan, hinihingal pa ako ng marating ko ang second floor!
‘Ano bang nangyayari?! May magnanakaw ba?! Pero bakit yung mga napkin ko yung nawawala?!’ WEIRD!
Dahan dahan akong naglakad papunta sa pinto ng kwarto ko at dahan dahan ring sumilip. May nakita akong bulto ng tao! Nasa may paanan siya ng kama! Hindi siya gumagalaw at parang may tinititigan. Napatingin naman ako sa tinititigan niya at halos lumuwa ang mata ko ng makita ang mga madudugong napkin ko na nandoon sa kama ko!
'Huhuhu… Alisin mo yang mga yan diyan! Kita mo ng kulay puti yang kama ko—tapos diyan mo ilalagay yang mga ninakaw mo?! Diko alam kung anong trip mo pero sinasabi ko sayo! Pag iyan namantsahan, malalagot ka sakin!’ Inis kong sabi sa isip.
“Salamat sa mga napki'ng ito ha? Grabe! Ang lakas mo namang umihi ng dugo? Ikaw tuloy yung supplyer ko hehehe.” Nakakalokong sabi niya at kinuha ang isa sa mga napkin at ginunting gunting ito!
Nagtaka naman ako. ‘Ako ba yung kinakausap niya? Malamang!’ Nakatingin siya sa kama ko, akala niya siguro nandoon ako, ang dilim kasi e. Sa sobrang dilim 'di ko naaninag na may hawak siyang gunting!'Pero ano daw?! Supplyer?! AKO?! Supplyer ako ng madugong napkin?! Ano namang trip neto at nagnanakaw ng napkin?! Napkin ko pa talaga ah?! Mukha pa siyang tanga diyan! Idemanda ko kaya 'to ng Napkin robbery?’
“Tss. Pagtatawanan ka lang ng mga pulis pag ganyan yung dahilan mo para magdemanda.” Biglang sabi nito at lumingon sakin!
Napa-atras naman ako mula sa pagkakasilip! ‘Ba’t ganyan yang mga mata niyan!?! Bakit ang pula?! Nagdra-drugs kaya 'to?! Lagot! Baka patayin ako nito! Waaaahhh!’ Sabi ko sa isip pagkakita ko sa mga mata niya.
“What the hell?! Drugs?! Really?!” Inis nitong tanong at nakarinig ako ng mga yapak na papunta sa pinto! Papalapit sa pwesto ko!!
'Waaaahhhh!!!!! Takbo Ally! TAKBO!!! Sasaksakin ka niyan ng gunting waaahhhhh!!’
Ayun nga! Mabilis akong tumakbo pababa sa hagdan at dali daling tumungo sa pinto ng apartment ko. Pero bago ko pa mabuksan ang pinto ay may humigit na sa braso ko! Napapikit nalang ako at inantay ang saksak na inaasahan kong papatay sakin on the spot mismo sa kinatatayuan ko! Ilang segundo pa ang nagdaan ay wala parin akong maramdamang sakit! 'Patay na ba ako?! Ba't hindi ako nakaramdam ng sakit ng saksakin ako? Bakit ganon?! Ganito ba talaga 'pag namatay na? ‘di na nakakaramdam?!’ Tanong ko sa isip habang nakapikit parin, takot akong makita ang kapaligiran! Baka mamaya pagmulat ko eh impyerno yung sumalubong sakin! ‘Pero bakit may isip pa ako?! Diba dapat wala na kasi patay na ako?’ Takang tanong ko ulit.
BINABASA MO ANG
The Vampire Who Stole My Napkin
UmorWhat if a Handsome vampire stole your napkin? What will you do? Written by: Mikay_Ella05 Credits to the rightful owner of the cover photo...