Final Part

0 0 0
                                    

⚠️BITTEN SERIES⚠️ #1🎉
(By Parts)
Title: The Vampire who Stole my Napkin {Part 3}
Genre: Comedy,Vampire
Author: Mikayiieehh_wp✍️
*🚫NO TO PLAGIARISM!🚫*

NAKAUPO ako ngayon sa sofa, Hinihintay ko ang pesteng bampirang pakakasalan ko. Ewan ko ba dun!? Sabi niya may kukunin daw siya sa mansiyon nila! Wow mansiyon! Sana all! As if maniniwala ako! Nagnanakaw nga siya ng napkin diba?

Napatayo ako ng biglang may kumalabog sa taas ng apartment ko!

“Anak ng teteng! Hindi niya ba alam dumaan sa pintuan at talagang kung saan saan nalang siya dumadaan?!” Nasabi ko habang umaakyat sa hagdan.

Nadatnan ko siya sa kwarto ko na may hawak hawak na maliit na pulang box. Sumaya naman ako bigla. Buti naisipan niyang magpropose?

Patalon talon pa akong lumapit sa kaniya. Nang makalapit ako, agad niyang inabot sakin ang box.

“Oh!” Sabi niya sabay abot.

Inabot ko naman ito ng may ngiti sa labi. “Ano to?” tanong ko.

“Basta. Lumuhod ka.”  Utos nito.

Nagtataka man ay lumuhod padin ako. Hinawakan niya ang mga kamay kong nakahawak sa box at saka itinaas sa ere na parang inihahandog ko sa kaniya ang kahon.

“Anong kaek ekan ba na naman ba to bampira ha?!” diko mapigilang itanong. Naweweirdohan na ako eh!

“Basta nga. Wag kang magalaw.” Sabi lang niya.

Nanahimik nalang ako. Nang siguro ay okay na ang pwesto ng kamay ko ay binitawan na niya ito. Tumayo siya sa harap ko. Tumaas lang kilay ko.

“Buksan mo na ang kahon.” Utos niya. Tss demanding!

Binuksan ko naman ito. Napangiti naman siya at kinuha ang kung ano man ang nasa loob ng box.

Isang singsing na kulay gold, ang design nito ay bungo,sa mga mata ng bungo ay dalawang kulay pula na diamonds. Kumikinang ito.

Natigil ako sa pagtitig sa singsing nang magsalita ang bampira.

“I, Vampize Vougue, Son of Dracula and Amanda Vougue. The Crown Prince of the Vampire Kingdom and the most Handsome in the world is now marrying a nobody named Allyson. I promised to love her with all my might, protect her from danger, and cherish her. In the will of my grandparents, I promise to have 15 children with Allyso—” hindi na nito natuloy ang kabaliwang speech niya ng sipain ko ang binti niya at ibato sa kaniya ang hawak kong kahon! Kaya ayan lupasay sa sahig!

“Aray naman!” daing niya.

“Sira! At ako pa talaga ang pinagpropose mo imbes na ikaw! Hanep ka din eh no? Anong crown prince?! Pinagsasasabi mo! Ulol! Pinakagwapo?! Baka Pinakabaliw sa buong mundo!! At ano?! Labing limang anak?!!! SERIOUSLY?!! Ginawa mo pa akong baboy! Punyemas kang pinakabaliw na pesteng bampira ka!!!!!” Grabeng grabeng sigaw ko! Halos maputol ang mga litid ko sa leeg sa lakas ng pagsigaw ko! Pulang pula na ang mukha ko at kahit anong oras ay makakapatay ako ng bampira!! Nagtatadyak ako sa sobrang galit sa bampirang nanlalaki ang mga matang nakatingin sakin. Nakalupasay parin ito sa sahig at nakahawak sa panga niya. Mukhang doon tumama ang kahon na ibinato ko. Buti nga!

Magwawalk out na sana ako pero mabilis siyang bumangon at hinigit ang braso ko. Napayakap ako sa kaniya. Pinihit niya ako at ibinagsak sa kama, kasama ko siyang bumagsak.

“Napaka sadista mo talagang babae ka. Nakailan kana ngayon araw ha!” Reklamo niya.

“Tss.” Nasabi ko nalang at itinulak siya.

Akmang babangon nako pero pinigilan niya ulit ako sabay ibinagsak ulit sa kama!

Wtf?!

“Ano ba!” sigaw ko sa mukha niya.

The Vampire Who Stole My NapkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon