Prologue

8 1 0
                                    

Melanie's POV

"Ma kailangan koba talagang lumipat ng school? I mean maganda naman records ko sa school ko and wala naman akong problema don? So bakit pako lilipat?" Tinanong ko ang Nanay ko habang nag papack ng aking mga gamit sa aking kwarto.Narinig ko syang nag buntong hininga.

"Para sa ikabubuti mo yan anak, pasasalamatan moko sa huli." Nginitian nyalang ako at nag patuloy sa pag tulong saking mag ayos ng aking mga gamit.

"Anong ibig mong sabihin Ma?" Nag tataka kong tanong sa kanyang sinabi dahil may kutob akong may bagay na masama na hindi ko nalalaman.

"Wala iyon anak, bilisan mo nang mag ayos ng gamit mo dadating na iyong sundo mo mamaya." Tinigil nya ang pag tulong saakin at niyakap nyako ng mahigpit bago pasya ay pumunta sa labas ng kwarto.

• • •

"Oh nak! Meron na pala ung sundo mo, bilisan mona jan!!" Tawag sakin ni Nanay galing sala kaya't minadali konang mag dala ng mga gamit at muntik konang maka limutan ang gintong kwintas na bigay ni papa saakin.

"Opo ma! Papunta napo!" habang nag mamadali may nakita akong isang maliit na kahon sa aking kama at sa pag mamadali ko ay hinablot kona ito at ipinasok sa aking bag.

"Ano nak? nadala monaba lahat ng kailangan mo? Ung toothbrush mo? Headband?" Pag aalala saakin ni Nanay tungkol sa mga gamit ko.

"Opo ma nadala kona po lahat wag po kayong mag alala." Malambot kong ngiti sakanya at Niyakap kosya ng mahigpit na mahigpit dahil sa pag kaka alam ko ay posibleng isang linggo lang kaming umuwi sa aming mga bahay sa isang taon.

"Mag iingat kadon nak ha? Basta tandaan mo andito lang ako lagi para sayo at susupportahan kita lagi. Love you nak." Yakap nya pabalik sakin at hinaplos haplos nya ang aking likod. Ako na mismo ang kumawala sa yakap ni nanay.

"Opo Ma, wag po kayong mag aalala, gagawin kopo ang best ko para maging proud kayo sakin. Love you ma." Paghalik ko sa kanyang pisngi.

"Oh sige nak mukhang tinatawag kana ng sundo mo, ingat ka ha." Niyakap nyako ulit at niyakap kosya ng mahigpitna mahigpit.

"Bye Ma, I'll Miss you!" Pag bibigay paalam ko sakanya at dumiretso na sa kotse kung san ako sasakay papunta sa aking school.

After kong pumasok ng Kotse ay tinanong ko ang driver.

"Kuya mga ilang oras po ung byahe?"

"Mga nasa 8 hours po, kaya ini rerekomenda kopong matulog po muna kayo dahil sa mahaba haba po ang ating byahe." tingin ng driver saakin sa salamin.Tumango lang ako at inilagay ang aking headset at plinay ang aking playlist sa Spotify.

• • •


After ko maka tulog ng mga ilang oras napansin kong malamig na ang panahon kaya isinuot ko ang aking jacket na nakapatong sa aking backpack.

Buti nalang nag dala ako ng jacket ko,ni hindi ko naman alam na ganito na pala kalamig ang pupuntahan namin.

Nang maisuot ko ang aking jacket nakaramdam ako ng gutom kaya kinuha ko ang mga snacks na dinala ko sa byahe. Kinuha ko nalang ang chocolates na dala ko kasi iyon lang ang nagpapakalma saakin kung ako'y kinakabahan.

Habang kumakain pinag mamasdan ko ang magandang view na dinadaanan namin. Ni hindi konga alam na may ganito palang kagandang lugar dito sa pilipinas.

Iniligpit kona ang mga kinain kong chocolates dahil naka ramdam ulit ako ng tulog.

• • •

Nang naramdaman ko ang sasakyang huminto, tumingin ako sa bintana at tumambad saakin ang matayog na gate na gawa sa ginto at halatang hindi galing sa panahong ito

Matayog, Kulay ginto, at may naka ukit sa itaas na Xavier Academy

Xavier Academy huh? Well let's see.

May mga nakita akong mga estyudyanteng papasok ng gate at nasagip ng aking paningin ang isang lalakeng nag lalakad ng naka plain white polo at nakapatong sakanya ang isang blazer na nag mumukhang isa ito sa mga uniform ng school na ito.

"Miss mauna napo kayo sa Principals office, idadala ko nalang po itong mga gamit nyo sa assigned room mo." Hindi ko namalayang kanina pa pala ako naka tulala sa kawalan mukhang nakalimutan konarinang driver na kanina pa pala ako tinatawag.

"Ah sige po kuya, Thank you po sa pag hatid sakin." Ngumiti ako sakanya at nag pasalamat.

hmm principals office? san kaya yon? Hindi ko manlang naitanong kay kuya.

Kinuha ko ang papel na ibinigay ng Academy sa aking bag at tinignan kung meron ba itong mapa ng Academy. Ngunit nabigo lamang ako, kaya, ibinalik kona agad ng maayos ang papel sa bag ko at nag lakad lakad sa halls.

Habang naglalakad, may biglaang lumutang na asul na apoy sa aking harapan, kinapa kapa kopa ang aking mg mata upang siguraduhing hindi ako nananaginip.

Sinubukan ko itong hawakan kung ako ngaba ay mapapaso, ngunit lumayo lamang ito.

Sinundan ko na lamang ang kulay asul na apoy hanggang sa maglaho nalang ito, doon ko napag tantong naka rating na pala ako sa principals office.

Huminga muna ako bago kumatok sa pintuan. Pagkatapos kong kumatok ay narinig ko ang isang boses sa loob ng silid.

"Pasok."

Pinihit ko ang doornob at tumambad sakin ang napakalawak na silid na puno ng libro at mga ubra na mukhang lumang luma na. Nakita ko ang painting ni Van Gogh na Sunflower na naka display sa bandang gitna ng mga silid ng libro.

"Good morning, you must be Ms.Amos, the transferee." Tumayo sya sa kanyang kina uupuan at inabot ang kanyang kamay at binati ako ng malambot na ngiti. Pinag masdan ko ang kanyang mga mata at nakita ko kung paano ito umiba ng kulay sa asul, berde, lila, at kahel.

"Welcome to Xavier Academy."

Unknown Jinx Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon