Chapter 4

0 0 0
                                    

Suz6's POV

Nakarating na kami sa dorm namin at hindi ko namalayang hapon na pala. Napansin kong nag hahanda rin si Clint at si Callisto kasi nakita kong kakaligo lang nila.

"Callisto, nasan ung iba?" Binaba na ni Paris ang mga gamit na binili namin sa mall kanina at dumiretso sa kusina upang uminom ng tubig.

"Si Rei lumabas may aasikasuhin lang, si Grevor nasa kwarto nya naka kulong, at si Mat may inaasikaso daw" Sumagot si Clint habang pinapatuyo nya ang buhok nya gamit ang kanyang twalya.

"Callisto ka?" Nag simula nanamang mag bangyaan si Gem at Clint kaya lumapit nalang ako kay Callisto at  tinanong ko nalang kung saan ba iyong kwarto ko para makapag handa narin ako.

"Jaan sa may Dark purple na Pintuan yan ang room mo. By the way, get ready by 7." Tumango nalang ako sakanya at dumiretso sa kwarto ko.

Pinihit ko nag doornob ng kwarto ko at tumambad saakin ang kwartong kulay lavander ang kulay ng mga walls at mga furniture. Nakita korin ang bagahe ko sa tabi ng kama.

Ang kwarto ko ay hindi masyadong maluwang hindi masyadong maisikip kundi sakto lang. Medyo maayos nato para saakin dahil mas maluwang naman na uto kumpara sa kwarto ko sa bahay namin.

Umupo nalang muna ako sa kama at pinag masdan ang itsura ng kwarto ko at iniisip kung ano ba ang mangyayari saakin dito. Napansin koring may sari sariling maliit na cr ang rooms namin kaya alam kong malawak talaga to parang bahay nanga sa sobrabg lawak eh.

Nag muni muni muna ako saglit nang makita ko kung anong oras na kaya nag handa nalang ako kaso baka tawagin nalang ako bigla ni Kylyn.

Kakatapos kolang ngayon maligo at mag ayos, sinuot konarin ang dress kong binili namin kanina at tama nga sila na bagay ko ang dress. Pinag masdan ko nalang ang sarili ko sa salamin at napansin ko ang mata kong kumikinang at nag babago ang kulay sa Lila at pula. Hinayaan konalang iyon at baka namamalikmata lang ako.

Maka lipas ang ilang minuto may kumatok na sa kwarto ko at nag badali na akong pumunta para pag buksan ng pinto.

Pag kabukas ko ng pinto ay nakita ko ang lalaking nakilala ko kanina kung saan kumuha ako ng id ko. Sya ang nag picture saakin, at kung sa pagkaka alala ko ay ang pangalan nya ay Matteo?

"Uh Sylvia no? Tinatawag na tayo sa hall, ung iba nauna na." Napa kamot nalang sya ng ulo nang makita nya ang itsura ko, nag aayos pa kasi ako ng mukha ko at ang akala ko ay si Kylyn ang susundo saakin.

"Ah sige wait lang." Sinarado ko ang pintuan sa harap nya at dali daling kinuha ang locket necklace ko sa ibabaw ng table ko. Hindi ko alam kung kailan napunta doon ang pendant ko kasi sa pagkaka alala ko sa bag kolang un nilagay.

Sinuot kona ang pendant ko at binuksan na amg pinto, nakita ko si Matteo na nag aantay sa may sofa ng living room namin.

"Let's go?" Tumayo nasya nang makita nya akong lumabas na ng kwarto, nakita ko naman ang mata nyang tumingin sa pendant ko. "You have a mice locket necklace, san mo nakuha yan?"

Nagtaka naman ako sakanya dahil un agad ang kanyang nakita.

"Ah Bigay daw to ng Ate ko, diko alam kung nasan nasya." Hinawak hawakan ko ang pendant ko habang naka tuon ang tingin dito.

"Oooh, seems familiar but nevermind." May sinabi pasya ngunit hindi ko ito masyadong naintindihan kaya binaliwala ko nalang.

"Tara na nag aantay na sila don." Nauna na syang pumunta at sumunod nalang ako sakanya. Tahimik ang buong lakad namin papunta sa Hall.

Unknown Jinx Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon