Naging estatwa na si Kyla sa pagkakaupo sa kanyang kama, napalunok siya nang sa kanya na bumaling ang werewolf; duguan pa ang nguso nito. Animo'y nagliliyab ang dilaw na mga mata. Nilundag na siya nito.
Napapikit na lang si Kyla at inihanda ang sarili. What a way to die? Nakaligtas siya sa aswang para lapain naman ng werewolf!
Tsug!
Naramdaman ni Kyla ang makakapal na hibla ng balahibo nito sa kanyang balat. Napangiwi siya sa bigat ni Michael pero hanggang doon na lang. Walang kagalaw-galaw ito nang itulak niya ito palayo sa kanya.
Sa gawing pinto ng kanyang silid ay nakatayo ang pinsan - pinamimilugan ang mga mata habang nakatutok pa ang isang rifle sa werewolf.
"Napatay mo ba siya?" Sa kabila ng takot, nakadama ng panghihinayang si Kyla kay Michael. Kaibigan na rin niya ito.
Umiling si Bon. "Elephant tranquilizer. Sorry."
-------
Ows? Di nga?
- Maylen
BINABASA MO ANG
Dilaw na Buwan (Published by Lifebooks)
Horror'May lahing werewolf ang mga de Luna'. Ito ang ideyang dinala ni Kyla sa puso't isipan mula pagkabata. Nasaksihan kasi niya ang pagbabago sa ugali ng namayapang ama na si Fausto de Luna. Ang pag-aasal hayop nitong naging dahilan ng sandaling pag-i...