Naging estatwa na si Kyla sa pagkakaupo sa kanyang kama, napalunok siya nang sa kanya na bumaling ang werewolf; duguan pa ang nguso nito. Animo'y nagliliyab ang dilaw na mga mata. Nilundag na siya nito.
Napapikit na lang si Kyla at inihanda ang sarili. What a way to die? Nakaligtas siya sa aswang para lapain naman ng werewolf -?
"Kayyllla..." Paos, malagong ang boses, tila nag-aagaw angil ng hayop at magaralgal na bulong ng taong kilala niya. Lalo niyang ipinikit ang mga mata sa pagkalanghap sa mabigat na samyo nitong, pinaghalong amoy ng lupa at kalawang.
"Kyla." Unti-unti, na-recognize niya ang baritonong boses ni Michael. At dumantay ang maiinit na palad nito sa mga kamay niya. "Okay na. Imulat mo na ang mga mata mo."
"Michael?"
May bahid ng dugo ang mukha at mga braso ng binata. Sa pagkaalaala na wala itong damit ay kaagad na binitawan siya nito at ibinalabal sa sarili ang kumot ni Kyla.
"Isa kang werewolf?"
"Oo, pero kontrolado ko na ang pagbabago ko," tugon nito saktong pasok ni Bon na namilog ang mga mata sa pagkatunghay sa duguang katawan ng ina ni Lee. "Tinulungan ako ni Bon."
Tiningnan sila ng pinsan. "OMG, anong nangyari rito?"
~ The End ~
_____
The end na po ba talaga? Sa muli :)
Thank you for all your support guys <3
- Maylen
BINABASA MO ANG
Dilaw na Buwan (Published by Lifebooks)
Kinh dị'May lahing werewolf ang mga de Luna'. Ito ang ideyang dinala ni Kyla sa puso't isipan mula pagkabata. Nasaksihan kasi niya ang pagbabago sa ugali ng namayapang ama na si Fausto de Luna. Ang pag-aasal hayop nitong naging dahilan ng sandaling pag-i...