"Hazel! Dito dali!" Tawag sakin ni Kiera habang hinahatak ako papuntang backstage.
"Sandali lang Kiera! Bawal ata dito uy!" Pagsusuway ko sakanya
"Sandali lang to mag gu-goodluck lang naman tayo kay Ace."
"Eh kung mahuli pa tayo, nakakahiya kaya."
"Minsan lang tong opportunity Haze. Kailangan na nating ipakilala kay Ace Fuentes and kanyang future wife na si Kiera Roa Vergara." Sincere at harap-harapang sabi sakin ni Kiera.
At ako naman tong si dakilang kaibigan na susunod din naman pala, papalag pa. Hay nako, the ever famous charm of Kiera.
Infairness marami palang tao dito sa backstage. Ipagsiksikan ba naman ang 13 na dance groups dito ng iba't-ibang school.
Kaso nga lang pati amoy nagkahalo-halo na. HAHAHA.
Sobrang lapit lang pero sobrang tagal namin nilakbay ni Kiera ang landas patungo sa kinanaroroonan ni Ace. Mukha kaming mga penguin na naglalakad.
"Ace! Ace!" Sigaw ni Kiera
Hindi manlang mahiya.
"Uh, yes?" Ngiting ngiti na tanong ni Ace.
Pero bakit parang may mali?
Sakin nakatingin si Ace! O_O
No! No! No! Akala niya siguro ako yung tumawag sakanya.
"What can I do for you pretty lady?" At nagsmirk pa siya ah.
Infairness gwapo. Kaso talagang mapapatay ako ni Kiera kapag hindi ko pa pinutol itong titigan namin ni Ace.
"Uh, ano. Hi-hindi ako yun! Haha nagkakamali ka Ace! Ah-ahaha." Awkward kong tawa sabay kamot sa batok
"Huh?" Pagtataka ni Ace
"Umm, bestfriend ko, si Kiera, Kiera Roa Vergara. Magusap kayo." Tinulak ko nalang si Kiera palapit kay Ace. "Uh, Kiera! Una na ko baka may kumuha pa nung seat natin sa front row. Bye!"
Iniwan ko na nga silang dalawa doon. Ibang klase magalit, magselos, at magduda itong si Kiera, mahirap nga siya kaibigan actually. Madali kasi niyang nakikita ang peke sa totoo at madali niyang nababasa ang mga utak ng tao.
O_O
On my way pabalik sa seats, may nakita akong kakaiba.
Ibang-iba siya sa mga gusgusing hambas lupa na makikita mo rito.
Masyadong masikip ang lugar kaya kalingon ko sa kanan, tumunghay sakin ang nakakabighaning pagmumuka ng isang nilalang na perpektong ginawa ng Diyos.
Napakalapit nito saakin.
Hindi siya Tisoy,
Hindi siya Macho,
Hindi siya matangkad,
At lalong hindi siya mukhang mayaman.
Itim na itim ang kulay ng mga mata niya na parang may eye-liner kahit na wala.
May pagka-moreno ang kulay ng kanyang balat kaya't kitang kita ang pagkalalaki nito.
Mapula ang kanyang labi kahit halatang wala itong ginamit na pangkulay.
Matangos ang ilong, at mahaba ang pilik-mata.
Siguro mga 5 inches lang ang tangkad nito sakin.
Itim na itim ang kanyang buhok na naka dragon cut.
Agaw pansin ang hikaw sa kaliwang tenga na kulay itim
Nakasuot siya ng pula at itim na costume katulad sa mga kasamahan niya.
Nakakadagdag sakanyang kagwapuhan ang panyo na nakatali sakanyang noo.
Ngunit ang pinakapumugaw ng aking atensyon ay ang kanyang ngiting abot langit.
Saktong nakangiti siya nang magtagpo ang mga paningin namin kaya kitang kita ko ang kislap sakanyang mga mata.
Sa ibang anggulo nga ay maihahawig pa siya sa sikat na mang-aawit na si Zayn Malik.
Sa loob lamang ng walang isang sigundo, nakita ko ang lahat ng iyan.
Hindi man lang akong nag-atubili na titigan siya, hindi rin nagbago ang ang ekspresyon ng aking mukha nang madaanan ang kanyang kagwapuhan ng aking paningin.
Rule #1 : Babae ka, bawal ipahalata sa lalaki na gusto mo na siya sa una niyong pagkikita.
Diyan ako magaling, sa pagtatago ng aking mga nadarama.
Pinilit ko ang sarili ko na huwag lingunin ang kaakit-akit na nilalang banda saakin likuran hanggang sa makarating ako saaming kinauupuan
Naroon na rin ang kambal sa sina Blade at Sharpey kasama si Von.
-
A/n: Will update po as frequent as possible this summer. Yay! Hihi sa pasukan po baka once a week nalang. Sadlyf. Anyways, Hope you like it!
PS: Marereveal na si Mr. Random Guy next chapter. Muah! ❤
BINABASA MO ANG
Operation: Us
Teen FictionLovelife is one of the many challenges teenagers has to face. Some may say you're too young, but as teenagers, we should worry less and enjoy our youth. Tips and Advices to make a guy fall inlove with you included. - Teen-Fiction/Humor