𝗣𝘂𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗶𝗹𝗶𝘁, 𝘀𝗮 𝘀𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗽𝘂𝗺𝗶𝗽𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝘁.

1 1 0
                                    

d e c e m b e r 1 4; 2 0 2 2

huli kong makita,
ang irog kong sinta,
nung pinaghiwalay kaming dalawa,
ng mga taong akala ko'y sumusuporta.

pinilit mang lumimot ng isipan,
tila sa puso'y dala ang nararamdaman,
kaya't matapos ang ilang taon,
pagmamahal ko'y sa kan'ya parin naka-tuon.

may nakilala, nakasal man sa bago,
ngunit siya ang hinahanap-hanap ng mga labi ko,
sa altar sumumpa, sa harap ng maraming iba;
ngunit sa isipan ay akong ikinakasal sa kan'ya.

makalipas ang pakipapaglaban sa udyok ng nakaraan,
tila nakaukit at tinadhanang paglaruan,
nakita siyang muli sa araw ng kasal,
at doon nalimot kong may bago na 'kong minamahal.

buo kong damdamin na kinalimutan ang kasalukuyan,
at tinanggap kong siya parin ang nilalaman,
ng puso kong sabik sa tunay na pagmamahal,
na kahit pinaramdam ng iba, sa kan'ya ko lamang magugustuhan.

━━━━━

—Duae, Penmanship.

[•]: lowercase intended.

𝗣𝗲𝗻𝗺𝗮𝗻𝘀𝗵𝗶𝗽 [𝗰𝗶𝗮𝗻'𝘀 𝗽𝗼𝗲𝗺𝘀 𝘀𝗲𝘁 𝗲𝗶𝗴𝗵𝘁]Where stories live. Discover now