Chapter two

8 1 0
                                    

A/n: #WesaofficialPH

Chapter two

Ang lalaki ang kasalukuyang pinakamaganda at mabilis kumilos sa lahat ng sandatahang kapulisan ng buong Zodivar. Siya ay mahigpit na isinailalim sa training, IQ testing at pati na sa field combat. Sharpshooter din ang lalaki at madaling makaisip ng plano.

Kapag may training, umiiwas ang lahat na makalaban siya hindi dahil sa taglay na kakayahang mayroon siya kundi dahil natatakot ang lahat na mabugbog niya. Isang kasamahan niyang pulis ang sinubukang makipag-sparring sa kanya pero isang buwan na ito sa ospital at magpahanggang ngayon, nasa comatose stage pa din ito.

Tuloy ay halos siya na ang namamahala sa buong kapulisan na sakop ang bawat police department sa kahit na saang bayan sa buong mundo. Lahat ng mga hepe ay sumasangguni muna kay Jovik bago magsagawa ng kilos para  sa kabutihan ng buong mamamayan ng Zodivar. Iyon nga lang, hindi naman ito nagmukhang mabuti sa mga mata ni Allison.

Para sa kanya, wala nang ibang ginawa ang lalaki kundi purong kasamaan. Basta na lang darating sa isang bayan at maghahasik ng lagim. Sapilitang kinukuha ang mga batang walang kamuwang-muwang na hindi naman kayang makipaglaban sa kahit kanino.

Sa totoo lang, gigil na gigil ang dalaga kay Jovik kaya ginagawa niya ang lahat para mapasakit ang ulo nito. Kung ano-anong krimen na ang inilatag niya para katakutan sila ng mga pulis.

Bilang isang pinuno ng Blue Kn*fe Kill*rs, obligasyon niyang protektahan ang mga taong nasa paligid niya. Minsan na niyang sinabi sa Ate Meryl niya na hindi lang kasamaan ang kayang gawin ng mga gangsters. Minsan, may ipinaglalaban sila para sa kapayapaan at katahimikan ng mga buhay nila. Si Jovik ang numero unong kandidato ng mga pulis na gusto niyang patahimikin na sa buhay na walang hanggan.

Ilang tauhan na nga ba nito ang p*natay niya? Sabagay, walang emosyon ang lalaki. Mahigpit itong ipinagbabawal sa batas ng sandatahan. Ito kasi ang magiging kahinaan nila.

Pero kailangan niyang manggulo sa misyon nito. Sa pamamagitan niyon, magagawa pa niyang iligtas ang ilang nagtatagong mga magulang na may bagong isinilang na mga sanggol. Minsan na siyang naging biktima ng ganitong pagkakataon, naging mitsa pa ito ng buhay ng kanilang mga magulang.

Hindi na namamalayan ni Allison na napapakuyom na niya pala ang sariling mga kamay. Gustong-gusto niyang daluhungin si Jovik pero pinakapipigilan niya ang gumawa ng kahit na anong puwede niyang ikapahamak.

Hinintay niyang makaalis ang mga pulis saka siya lumabas mula sa pinagtataguan. Nakita niyang nakahandusay sa sahig ang kanyang bayaw, naghihingalo at may bumubulwak na d*go sa dibdib.

“Kuya Brent!” nanginginig niyang wika at dali-daling dinaluhan ang lalaki. Kahit sugatan, nagawa pa nitong ngumiti sa kanya. Pilit na lang nitong tinatakpan gamit ng kaliwang kamay ang sugat mula sa pagkakasaksak sa kanya.

“A-Ally . . . ” hirap nitong wika at mapait ang ngiting iginawad sa kanya. Hindi malaman ni Allison ang kanyang gagawin. Sanay na siyang makakita ng taong naghihingalo dahil pumapatay siya ng tao.

Ilang pulis na ang pinatay niya na nagmamakaawa pa nga sa kanya. Pero ibang usapan na kapag ang nagmamakaawa ay ang mga taong mahalaga sa buhay niya.

“Kuya Brent, huwag kang matutulog. Tandaan mo, naghihintay sa’yo si Ate Meryl at ang baby n’yo,” pumiyok ang kanyang boses habang sinasabi iyon.

Umiling si Brent at hirap na naghabol ng hininga. Ni hindi na nito nagawang makapagsalita pa. Bago pa man pumikit ang lalaki, hinablot nito ang suot na kuwintas at iniabot sa kanya.

“A-Ano ’to, Kuya Brent?” nagtataka niyang tanong nang tanggapin niya ang kuwintas.

“Iyan ang solusyon sa lahat ng mga nangyayari sa ating bansa. Pakiusap, huwag kang magagalit kay Jovik. Kahit masama siya, hindi niya alam ang ginagawa niya. Malalaman mo ang lahat oras na mapanood mo ang nilalaman ng microchip na iyan,” nanghihina nitong paliwanag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Gangster In Me: Jovik Sebastian CalderonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon