Kabanata 31

4K 62 1
                                    

Kabanata 31

Stalker

Matapos ang nangyari kagabi, naisipan kong pumunta sa condo ni Luniñia. Kagabi, pagkatapos ng tawag at text ng unknown number na yun ay hindi na naulit pang tumawag. Hindi ko na sinagot ang mga tawag niya kasi iba parin ang pakiramdam ko. I feel uneasy and my body still shriving because of the text he send to me. It was very familiar to me, the baritone voice and the familiar hallow inside me. Kakaiba talaga ang epekto nun sa akin, na halos mahirapan akong makatulog kagabi. Hind na rin ako nakapag luto ng pagkain dahil sa kaba at takot ko.

Hindi rin naman umuwi kagabi si Godofredo, saan kaya pumunta yun? Nakapag hapunan kaya siya? Tinignan ko ang kabuohan sa salamin na nasa harap ko, I put light make-up and my favorite matte lipstick na kulay dark. It's really suits on my lips, para akong mataray na babae na dapat katakutan. Sa lumipas na panahon, nakita ko kung paano mag matured ang mukha ko, nakita ko kung ano ang pinagbago nito.

Kung dati ay malambing lang ang nakikita sa mukha ko, ngayon ay iba na. It was matured enough, my puberty become older. Saktong sakto ang edad ko sa mukha ko ngayon. Isang backless white dress ang suot ko na may mga tulips design sa ibaba nito, flat sandals lang din ang suot ko, medyo masakit pa ang aking paa dahil sa stilleto na sinuot ko kahapon.

Nang makitang okay na ang lahat ay lumabas na ako ng kwarto. Alas otso palang ng umaga, siguradong tulog pa ang bruhang iyon ngayon. I just want to talk to her, bumibigat na naman kasi ang dibdib ko dahil sa unknown person na tumawag at nagtext sa akin.

It has something to do with it, I need to take it away from me, hindi mabuti sa akin ang sama ng loob or even takot. My doctor doesn't want me to feel the same fear I have years ago. As long as possible, I should avoid it. Ni-lock ko ang pinto ng bahay at tinahak na ang gold Vios ko, pinatunog ko ito at sumakay na. Pagkatapos ko ay biglang tumunog ang tiyan ko, shit I didn't take my breakfast. Tanging kape lang at slice bread ang kinain ko. Doon nalang ako sa condo ni Luniñia kakain, for sure magluluto iyon para sa akin.

Noong nagpatayo ako ng bahay, palagi kong pinipilit si Luniñia na magpagawa narin siya ng sariling pamamahay para hindi nalang siya mag condo, pero palagi din niyang tinatanggihan ang alok ko, she always rejects building her own house. Sino naman daw ang titira doon? She's really fine with her condo kaya wala na akong nagawa.

Sampung minuto ang naging biyahe ko papuntang condo niya, actually nasa pito o anim lang talaga kung hindi traffic. Nang makarating ako sa parking lot ay pinatay ko ang kotse at lumabas na. Tinahak ko ang main entrance ng building para makasakay sa elevator, mga nakangiting bell boy ang sumalubong sa akin, pati ang sekyu ay nakangiti din pero dahil wala akong pakealam sa mga ngiti na nasa labi nila ay hindi ako ngumiti pabalik.

I hate seeing people smile, it shows to me that they are happy while I? Still in sorrow…for my son! Walang lingon-lingon akong sumakay ng elevator at pri-ness ang thirty-eight floor. Habang umaandar paitaas ang elevator, bigla na namang pumasok sa isip ko ang tumawag kagabi. Sobra talaga akong nagtataka kung sino iyon at kung ano ang kailangan niya. I want to ask where did he get my number and why did he call me? It frustrates me big time.

Nang lumapag na sa floor kung nasaan ang room ni Luniñia ay bumukas na ang pinto ng elevator kaya lumabas na ako. Tahimik ang hallway sa floor niya, nasa pang apat na kwarto siya kaya medyo malayo ang lalakarin ko. Ingay ng takong ko ang bumabalot sa buong hallway, may mga cctv ding nagkalat sa mga sulok kaya binilisan ko nalang ang paglalakad. Sumasabay ang sakit ng tiyan ko kaya kailangan ko nang kumain.

Nang tumapat ako sa pinto ng room ni Luniñia, nilagay ko ang thumb mark ko sa press code para mabuksan iyon. Ako lang ang binigyan niya ng access dito sa condo niya, hindi kasi di-susi at tanging thumb mark ko lang at ng kanya ang makakabukas at makakapasok dito. So much technology.
Nang tanggapin iyon ng press code ay bumukas na nang kusa ang pinto, hinawakan ko ang doorknob at pinihit ng tuluyan pabukas ang pinto. Pumasok ko sa loob pero ganun nalang ang laking gulat ko ng bumungad sa akin si Godofredo na palabas ng kwarto ni Luniñia habang walang saplot pang itaas at tanging boxer lang ang suot.

Costiño Series 1: The Brother's Property (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon