Kabanata 32

3.9K 60 0
                                    

Kabanata 32

Unknown Number

Gaya nga ng sinabi ko, pagka uwi ko ng bahay ay dumiretso muna ako sa isang telecom para bumili ng panibago kong digits. Agad ko itong nilagay sa cellphone ko at yung luma kong sim card ay binasura na. Iniwan ko silang dalawa sa condo pagkatapos kong kumain, hindi naman na ako umimik pa tungkol sa namamagitan sa kanila, I should be happy for the both on them. Ni-register ko ang bagong sim card sa network na available dito sa Amsterdam at pagkatapos ay nilagay ko ang mga numero ng kaibigan ko pati ng secretary ko.

Sana lang hindi na siya magtext o tumawag dito sa bago kong number, sana lang wala nang manggulo. Guminhawa naman ang dibdib ko at parang nawala ang kaba na nararamdaman. Bago umakyat sa taas ay ni-lock ko muna ako pinto para maging safe ang pagtulog ko, wala pa namab planong umuwi ni Godofredo kaya dapat maingat ako kahit alam ko namang walang mangyayari. Dinoble check ko ang lahat, ang ilaw sa kusina at ang mga pinto sa likod ng bahay ko.

Pagkatapos ay umakyat na ako para makapag pahinga na, medyo pagod din ang katawan ko dahil sa ginawa namin nila Luniñia at Godofredo kanina. Nag bake kami ng cake at iyon ang ginawa naming meryenda nung hapon. Halos buong araw pala ako sa condo ni Luniñia, kung hindi ko pa nakita ang wall clock niya na hapon na ay baka hindi na ako nakauwi.

Pinagmamasdan ko lang silang dalawa, I can see how my best friend happy while she was with Godofredo. Iba ang kislap ng mga mata niya habang nakatingin kay Godofredo, it's like he was her love of her life. Sana maging totoo na sila, sana hindi nalang init sa kama ang hanap at habol ni Luniñia, sana ay hindi na siya matakot na ipakita at iparamdam ang tunay niyang nararamdaman. She deserved love, love from someone who can give it to her.

I locked my door, sinirado ko rin ang mga bintana at tanging ang terasa ko lang ang hindi. The air given by nature is calming and relaxing, nagiging leisure ko ang kama ko at ang kwarto ko, like there is something on my room that it can take all my tiredness. Naghubad ako ng damit, at pinalitan iyon ng night dress ko. Bumalik na naman sa alaala ko ang nangyari kanina, bakit ko ba kasi kailangan sundin ang nagtext? Hindi ko alam pero yung katawan at isip ko ay takot sa banta ng hindi ko kilalang tao. Like my body and mind know that person.

Humiga ako sa kama at dahang dahang nilanghap ang simoy ng hangin na galing sa labas, pinatay ko ang lampshade, ang ilaw ng buwan ang nagsisilbing liwanag ko. Nagising ako sa ingay mula sa labas, pinikit ko muna ng mariin ang mga mata bago bumangon. Alas nuwebe na nang umaga base sa orasan na nasa gilid ng kama ko. Pagod nga talaga ako, inisip ko kung ano ang mga gagawin ko sa araw na ito.

Kailangan ko palang pumunta sa kompanya ko, kailangan kong pirmahan ang cheke na gagamitin sa pagbili ng mga materyales sa gagawin kong branch. Nagsipilyo lang ako at maghilamos pagkatapos ay lumabas na ng CR. Maingay si Godofredo ng datnan ko siya sa salas na naghahanap ng mga tape na isasalang sa DVD player. Nagpapa tugtog pala siya kaya maingay at nagising ako. Ayaw niya talaga ang automatic music ko, gusto niya parin ang dati.

Nang hindi niya malaman ang presensya ko, pumunta nalang ako ng kusina para magtimpla ng kape ko. I get my tulips style mug then a sachet of coffee. Kumuha din ako ng kutsara para ipanghukay sa kape ko. Pumasok sa amoy ko ang aroma ng kape, kumuha din ako ng slice bread sa cupboard at bumalik sa sala para doon nalang kumain. Nasa parehong posisyon parin si Godofredo nang makabalik ako, umupo ako sa sofa at nilagay ko sa maliit na lamesa ang kape ko.

Nagsimula na akong kumain ng napabaling ang atensyon sa akin ni Godofredo. Halos mapatawa ako ng makita ang noo niya na may agiw, may hawak na siyang tape.

"Nagkape ka na?" Tanong ko.

He nodded while holding the tape, sinarado niya ang aparador at pinagpag ang katawan. Isang old music album ng The Carpenters ang napili niya, nanonood lang ako habang sinasalang niya ang tape sa bunganga ng DVD. Nagpatuloy ako sa pagkain ng tinapay, sinawsaw ko ang slice bread sa kape at kinain. Nang magsimula ng kumanta ay umupo siya sa harap ko at kumuha ng tinapay.

Costiño Series 1: The Brother's Property (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon