Hi diary, I'm back hohohoho lol Andito na ulet ako sa so called bahay namin, bahay na literal hindi yung tahanan na iba ang meaning. Bakit ganon yung title? Kasi diba kapag katapos mong umiyak ang sarap sa pakiramdam na naibuhos mo lahat ng hinanakit at pasakit mo sa buhay. May mga panahon din namang umiiyak tayo ng walang dahilan, yung tipong parang nireready mo na yung sarili mo sa sakit na mararanasan mo. Ewan ko ba bakit ganoon yung feeling ko ngayon.
May time na kinukuwestyon ko na ang sarili ko. Tinatanong ko lagi kung ano ba talagang purpose ko dito sa mundo, hindi ko pa kasi talaga lubos na maintindihan. Wala pa nga akong naiisip na kurso para sa kolehiyo at kung ano ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay. Bilang isang kabataan, madami akong gustong gawin pero wala talaga yung parang pinakabest na gusto kong gawin. Para bang pantay-pantay lang sila lahat.
By the way, unang entry ko tong matino xD
Fukumi