Kinikilig pa den ako hanggang ngayon, kahit na alam kong panaginip lang yun, para kasi sa akin parang totoong totoo eh. Hayyyyyyssst hirap umasa xD
Napaniginipan ko kasi na graduation daw ng kapatid ko sa may gymnasium dun sa school niya, kasama ko daw nun si mama. Napagdesisyunan namin na pumunta sa may open field at doon nakita ko si crush na nagsosoccer with his friends May ginagawa siyang kung ano dun sa soccer ball at cool yun para sa akin xD Nagulat ako nang biglang napatigil siya yun pala napunta yung bola sa may harapan ko. Tumingin ako sa kanya tapos nakatingin lang siya na para bang nag-aabang lang ng gagawin ko. Eh ako eng-eng eh sinipa ko lang, ang hina nga ng pagkasipa ko eh kaya ayun ang kinalabasan eh kailangan pa din niya na maglakad at kuhanin xD Nakita ko pa nga na medyo tumawa siya nang mahina pero pasikreto. Haahahahahahahaha, umalis na kami ni mama nun tas dumiretso na kami sa graduation ng kapatid ko.
Di ko na alam nangyari nun kasi nagising na ako, nagising ako kasi nakita ko kapatid kong may ginagawa sa cellphone ko, pinagsabihan ko siya na huwag galawin tas nakatulog na ako.
Sa araw naman na to naging masaya and malungkot ako. Masaya dahil sa panaginip ko at malungkot dahil sa feeling ko na hapet ako sa pinapagawa sa amin na kinakailangan na sa pagpasok namin. Err I feel the school activities.
Fukumi
