Pebrero bente tres sinagot kita
Ng katuwaan ng dahil sa tropa
Una trip lang lumaon minahal kita
Ang sarap sa pakiramdam, umaapaw ang ligayaNoong unang araw nagkita tayo
Kinaon mo ako sa intayan kung nasaan ako
Gamit ang motorsiklo kasama ang pinsan mo
Katabi kita kahit nahihiya pa akoKina isang linggohan nag effort ka
Nagpapiknik ka sa buo mong tropa
Syempre mawawala ba ako ? hindi nagkakamali ka
Sumama ako kasama ang classmate kong baklitaUmabot ng isang buwan pagsasama natin
Nag date tayo kasi monthsary natin
Tayo lang dalawa sa isang pasyalan
Magkahawak kamay, titigan todamax, kinikilig ako sheet! sobraLumipas and dalawang buwan mahal na mahal kita
Kaso may di inaasahang balitang masama
Magkadugo pala tayo, pinsan kita
Ang sakit sobra dulog ko kay inaSinabi ko sayo ang tungkol dito
Ang sabi mo sa akin ipagpapatuloy natin ito
Ngunit bakit lumipas isang linggo wala na kong balita sayo
Nawala na parang bula ang presensya moIsang araw tumawag ang bestfriend mo
At sinabi sa akin na break na tayo
Ang sakit sobra tagos hanggang buto
Pagmamahal na ipinangako bigla na lang naglaho
BINABASA MO ANG
Poems in Every day
PoetryLetting my emotions out hope you like it Di kasi ako makagawa ng story kaya tula na lang muna Mas kaya ko tong gawin ee ^^ ---dark'