Maganda ba talagang mabuhay sa mundo
Kung buhay kong sinimulan kulang na lang maging impyerno
Bunganga dito Bunganga doon ang naririnig mo
Tapon dito tapon doon mga gamit sa ere makikita mo
Bakit ba ganito ang buhay ko?
Wala naman akong ginagawa anong ikinagagalit mo?
Ina ba kita kung ganyan ugali mo?
O sadyang di mo ko tinuring bilang isang anak mo.
Di naman ako magagalit sayo kung wala kang ginawa
Binura mo lang naman mga files kong pinagpuyatan ko pa
Dissapointed ako, oo, sobra, higit pa
Ina ka nga bang matatawag tanong ko sa tuwina
Panginoong Jesus ako'y patawarin mo
Galit sa aking puso umusbong at lumaki dito
Hindi ko nag iisip ng ikakabuti ko
Kundi pansarili lang at pagkamuhi dito sa aking puso
Patawarin mo ako mahal ko ang aking ina
Sobra sobra kaya ko ito nagawa
Patawad patawad mahal na mahal ko siya
Higit pa sa iba pati ang aking pamilya
BINABASA MO ANG
Poems in Every day
PoezieLetting my emotions out hope you like it Di kasi ako makagawa ng story kaya tula na lang muna Mas kaya ko tong gawin ee ^^ ---dark'