Destiny's POV
Nakatingin siya. Nakatingin din ako sa kanya, nang masama. Habang siya nakangisi lang. Umiwas na ako ng tingin at humanap ng mauupuan.
"You can sit wherever you want. Mamaya na tayo mag-aassign ng permanent seats niyo." Sabi ni sir niven
Umupo kami ni cath doon sa dalawang bakanteng upuan sa may bandang likod.
"Okay class, I'll introduce myself. I am Niven Rofuli, your adviser. You can call me sir niven."
"Sir, pwedeng daddy niven??" Tanong ng isang lalaki naming classmates, maputi na may salamin.
Nagtawanan naman ang klase dahil sa cute na tawag nito kay sir. Ngumiti lang siya at sinabing "You can call me that since you are all my sons and daughters."
"As we all know, first day ng klase ngayon. Ano ba ginagawa pag first day? Nagpapakilala right? So, i want you to stand infront, one by one kayong magpapakilala. Walang mahihiya because 4th year na kayo at you're all graduating. Let's start infront."
"Hi, my name's Carl Joshua Tolentino. I'm 16. Keep calm and just call me CJ!" Sabi nung maputing nakasalamin kanina hahaha mukha siyang puto. Because medyo chubby and maputi siya.
"Hello! I am Marie Santos. 18 na ako but di naman halata diba?? So hey classmates! Hihi." Sabi naman nung cute na maliit, di nga halatang 18 na siya. Mukhang siyang 12 sa totoo lang kase baby face ang mukha niya.
"I'm Daz Diaz. 16 and hello sa inyo!!" Sabi naman nung super tangkad kong classmate. 6 footer ata to eh. Mukha siyang bully pero jolly pala. Buti na lang.
"As you all know, I am Ashley. Not Tisdale but Ashley Viceral. 16 and a Queenbee" as usual, sa bawat eskwelahan may meangirls ka talagang makikilala. Isa na dun si ashley. Maganda siya and mukha nga siyang queenbee.
At ayun nagpakilala na rin ang iba pero eto na ang pinaka-aabangan ko. No, wait di ko inaaabangan, nacucurious lang talaga ako sa mayabang na to.
Tumayo na siya at mukha siyang bored at di interesadong magpakilala. Tss banas. Narining ko pa nga yung mga bulungan ng mga kaklase kong babae."Siya na magpapakilala omg"
"Oo nga ugh ang pogi talaga niya"
"Yayyy fafabells"
"As usual the 'Suplado but Sobrang Gwapo' kyaaah"
Ano ba tong mga to. Ang sama sama kaya ng ugaling ng taong yan.
"I am--"
"THUNDER DREW WIND!" sabay sabay na sigaw ng mga kaklase namin, especially yung mga babae.
"I am Thunder Drew Wind, 16. 1/4 american, 1/4 korean, half filipino, pure gwapo." Sabay ngisi.
"Omg the infamous Thunder Smirk!"
"Patay na ata aketch ahuhuhu"
"The thunder effect kyaaaah"
So sikat pala siya sa school. But ano ulit? Thunder Drew Wind?? Wind? As in hangin? HAHAHAHAHAHAHAHA tamang tama para sa kanya, mahangin kase siya hahahaha.
"Is there anything funny Ms?" Tanong nung thunder, kase ba naman tawa na ako nang tawa dito.
Umiling ako at ngumiti na lang nang mapang-asar.
"My name's Catherine Reyes. I am 16. Transferee from Middlewest Academy. Nice to meet you all!" sabi naman ni cath, so ako na? Ako na pala, ang bilis naman.
Tumayo na ako. Well, hindi naman ako mahiyain. Sanay rin naman ako makipagsocialize sa ibang tao. Student council president kase ako sa dating school namin ni cath.
"Hi everyone! My name is Destiny Faith Villegas. I'm 16. Same with catherine, I'm from Middlewest Academy." sabi ko at ngumiti. May narinig pa nga akong nasabi na "ang unique naman ng name niya".
Bumalik na ulit ako sa upuan ko.
"Class, ngayon ay mag-aayos na tayo ng inyong sitting arrangement. Anong gusto niyo, alphabetically or bunutan?"
"Bunutan na lang! Lagi na lang alphabetically eh" sabi ng isa
"Oo nga sawang sawa na ko kay april, lagi na lang siya yung katabi ko" sabi ni june sa kakambal nito.
"Sawang sawa na rin kaya ako sa pagmumukha mo june!!" Inis na sabi naman ni april. Ang cute nilang dalawa, parang boy and girl version lang nila ang isa't isa. Kambal nga sila.
"Sir bunutan na nga lang po!"
"Yes, good idea"
Sumang-ayon na rin naman ang lahat. Halatang puro alphabetically yung sitting arrangement nila dati.
"Okay class keep quiet! Bunutan it is."
Nagsimula na si sir na bumunot ng mga papel mula dun sa fishbowl and ina-announce na rin kung sino ang magkakatabi.
"Thunder and... Mmmh sino kaya ang makakatabi ni thunder" sabi ni sir
"Ako na lang sana"
"Please ako na lang po"
"Echoserang mga froglet, ako makakatabi ni fafa thunder"
"Di ka pwede, boy and girl lang ang magkatabi. Wag na you umasa bakla"
"Thunder and.. Destiny!" Ang malas naman ni destiny. Wait, ako yun ah! Ako nga! Malas ko, bakit?? Huhuhu good lord bakit ako pa po diba good lord ka huhu. Ughhhh
__________________________________________________
Chapter 2 done!
Sorry for the super slow update :(( babawi ako, wait niyo lang!
Lol,
Chelsy
BINABASA MO ANG
Destiny's Fate
FanfictionDESTINY? Tadhana. FATE? Kapalaran. Paano kung ang isang babaeng hindi naniniwala sa pag-ibig ay mainlove? Ako si Destiny Faith Villegas, hindi ako naniniwala sa destiny, love, at kung ano ano pa until I met him.