Chapter 1 - Destiny Faith Villegas

41 1 5
                                    

Destiny's POV

Wow. Bakit parang nasa swimming pool ako? Ang lamig tapos parang umuulan? Ang sarap naman sa pakiramdam. Kaso bakit parang pataas nang pataas yung tubig?? Hala, nalulunod ako?! Kailangan ko lumangoy! Langoy.. langoy... langoy hanggang sa---

*BLAAAAAG*

"Aray naman" pagkabukas na pagkabukas ng mga mata ko, una kong nakita ay yung bestfriend kong nakangiting tagumpay at may hawak siyang.. Yung pangdilig ng halaman? Basta yun. At ako naman, nasa sahig, basang-basa. Teka parang alam ko na ang nangyari.

"Catherine Reyes... Paki-explain kung bakit may hawak kang pandilig ng halaman at ako nasa sahig basang-basa??" Mahinahon kong sabi pero nakatingin ng masama sa bestfriend kong nakangiti at nagpipigil ng tawa.

"Ah eh kase destiny, ah ganto kase yan... HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA omayghad tignan mo yung itsura mo hahahahahaha teka, ganto kase yan, sabi ni tita happy, dalhin ko daw tong pandilig at may halaman na kailangan na daw bumangon at ikaw yun hahahahaha kaya diniligan kita!!"

Walanghiyaaaaaa..

"Lumayas ka sa kwarto ko catherine, layas!!!"

"Oo eto na po madam hahahahaha" at lumabas na siya ng kwarto ko habang tawa nang tawa huhu basang basa na ako! Sasapakin ko talaga yung babaeng yun mamaya.

"Ay destiny!" Biglang bumukas ang pintuan ko

"Ano na naman?!"

"For your information, 20 minutes na lang ang natitira para makapagprepare ka at pumasok sa bago nating school nang hindi nalelate. Nasa baba lang ako. Bye!"

Pagtingin ko sa orasan, 7:10 na at sa pagkakaalam ko 7:30 ang pasok namin. Napasigaw na lang ako, kumuha ng twalya at dumiretso sa banyo. Ugh

Pagkababa ko, nakita ko sila mommy at daddy sa kusina naglalambingan. Ano ba yan sila daddy talaga. Tapos si catherine nasa living room nanonood ng tv.

"Oh faith anak, kain ka muna, naghanda si daddy ng super mega ultimate pandesal of the day!" Sabi ni daddy habang pinapakita yung ginawa niyang special pandesal with matching toothpick na nakatusok na may hotdog na may cheese na may basta. Chef kase si daddy and si mommy, so alam ko masarap yun kaso wala na akong time para kumain!! Malelate na talaga ako!

"Ah daddy, aalis na po ako malelate na ako eh"

"Faith anak, hindi mo man lang ba titikman ang ginawa ng daddy mo? Sabi ni mommy habang nakapout

"O sige na po kukuha lang ako ng isa ha! Bye mommy, daddy! Thank you sa pandesal hehe"

"Anak kiss!!" Sabi ni mommy

"Oo nga anak, kiss namin"

"Eto na nga po" huhu kiniss ko na sa cheeks silang dalawa tas nagpaalam na ako

"Bye anak ingat!" Mommy & daddy

Hinila ko si catherine palabas ng bahay namin at sumakay ng bus. Magkapit-bahay lang naman kase kami ni cath so sabay na kami pumuntang school. Tsaka bestfriend na kami niyan since 1st year highschool and hanggang ngayon. Dati nga hatid-sundo yan eh pero iniyakan niya parents niya para lang payagan siyang magcommute mag-isa kase mag-cocollege naman na daw kami, gusto daw niya maging independent so yun naawa, pinayagan.

Wala pang 5 minutes at huminto na ang bus sa tapat ng school namin. Pangmayaman tong school na to. Mga estudyante palang mukhang sosyalin na eh. Pero di rin naman kami mahirap ni cath, medyo mayaman na rin ganon.

Naglalakad kami ni cath nang biglang..

*booogsh*

"Aray! Ano ba yan ang laki laki ng daanan hindi tumabi" sabi ko habang nakayuko at nakahawak sa ulo ko.

"Eh bakit hindi ikaw ang tumabi, di kase tumitingin sa dinadaanan tss" sabi nung lalaki malamang panglalaki boses eh

"So kasalanan ko pa?!" pag-angat ko ng ulo ko, okay ang gwapo netong isang to. Maputi, matangos ilong, matangkad, mukhang mayaman, gwapo nga kaso masama yung ugali so no. Tumayo na ako at inayos ang uniform ko.

"Next time kase, tumingin ka sa dinadaanan mo ha, lalo na kapag may gwapong dadaan tulad ko"
At umalis na siya habang nakangisi.

"Wow ang hangin niya! Makaalis na nga dito. Tara na nga cath!! Cath??"

Umalis na ako dun, letsheng lalaki yun ugh -____- pero teka asan na ba si cath? Naglakad lakad pa ako.. at ayun nakita ko siya!! Lumabas siya galing cr hay nako lagi na lang talaga tong babaeng to. Kaya siguro Catherine Reyes pangalan niya kase laging nagsi-CR -_____-

"Oy cath nagcr ka na naman. Iniwan mo ko dun, kanina pa kita hinahanap, tara na nga malelate na tayo!"

"Eh kase ihing-ihi na ako tsaka kausap mo naman yung poging lalaki kaya okay lang yan!"

"Anong po---"

"KRIIIIIIING*

Hala huhu nagbell na ibig sabihin late na kami ugh tumakbo na kami papunta sa classroom namin. Jusko naman first day na first day late kami, sana naman mabait yung adviser namin... Speaking of our adviser, ayan lumabas siya sa room, napansin niya ata kami and lalaki yung adviser namin.

"Oh mga hija, dito ba yung klase niyo? Pumasok na kayo at magsisimula na tayo"

"Ah opo opo, sorry po late kami" sabi ko

"Oo nga po sorry po sir?" Sabi rin ni cath

"Anong sorry?? Pumunta kayo sa detention room. Now!"

*gulp* nagkatinginan kami ni cath, huhu unang araw pa lang namin sa school na 'to ganto na agad.

"Pero joke lang yun ano ba kayo hahahahaha" tas tumawa siya

Lumaki mata ko, langhiyang teacher to kinabahan ako dun ha pero okay na rin to

"Hahahaha Its okay girls, first day pa lang naman ng klase but ngayon lang to okay? Btw I'm your adviser, you can call me Sir Niven, so come in"

Infairness naman ha, yung teacher namin kalog. Magkakasundo kami nito. Tsaka mukha siyang mabait and nakakatawa siya, siguro mga nasa 30's na yung age niya. Medyo mataba rin siya hehe v^_____^v

Pumasok na kami ni cath sa classroom and kung minamalas ka nga naman oh, nandun siya!! Yung lalaking mahangin! Napalingon siya sa direksiyon namin at nakita niya ako. Ngumisi siya at umiling-iling. Ugh kumukulo dugo ko sa kanya!! Bakit kase kaklase ko siya?!

_________________________

Yayyy chapter 1 updated! :) first ever tagalog story ko po ito, sana po suportahan niyo lol? So, read, comment, share and have fun! Thank you mwa :*

Lol,
Chelsyxx

Destiny's FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon