Prologue

28 1 0
                                    

Nasa bar kami ngayon dahil birthday ni Tasha. It's my 7th glass of alcohol and I'm really dizzy right now. We're playing truth or dare. Ang hirap ng mga utos nila at ang mga tanong ay masyadong mahalay. Kaya heto ako lasing na. Pinili ko na lang uminom dahil diko kaya gawin ang gusto nila.

"Bon! I dare you to go home!". Humalakhak si Jude sa dare niya. Tumayo agad si Vaughn at kating kati na umuwi. Parang iyon lang ang hinihintay niya, kanina pa din namin siyang nakitang hindi mapakali.

"Uy gagi ka Jude pinauwi mo, sinong maghahatid kay Raven?".Lumingon silang lahat sa akin matapos marinig ang sinabi ni Rodel.

Kaya ko naman umuwing mag-isa at naiintindihan ko rin kung bakit siya umuwi agad. Matanda na ang mama niya at may kapatid pa na kailangan bantayan.

"Come on, Im not a child anymore. I can go home by myself ". Nagkantyawan naman sila at pinagpatuloy ang laro. Masakit sa mata ang iba't-ibang kulay ng ilaw at medyo madilim na paligid. People are wasted kaya it's better this way.

Ayokong umuwi ng lasing kaya kumain na lang ako at uminom ng malamig na tubig. I excused myself at them para pumunta sa cr.

"CR daw eh may dalang bag, tatakas ka lang eh."

"Sige balik ka agad Rav ah."

Umo-o nalang ako kahit gusto ko nang umuwi. Ihing-ihi na rin ako kaya nag madali akong maglakad kahit siksikan. Everything I see is spinning and I wanted to vomit. Hindi ako sanay malasing, pinagbigyan ko lang ang sarili ko ngayon dahil birthday ni Tasha.

Nahimasmasan ako ng kaunti pagkatapos kong sumuka. Lumabas ako sa cubicle at inayos ang sarili. Nag retouch ako at nagpabango. I sprayed mint into my mouth pagkatapos ko mag gargle. Bumalik na ako sa pwesto namin kanina. Parang walang kwenta ang retouch kanina dahil sa siksikan ng tao. At dahil na sa bar kami, bawat siksikan ay may humahawak sa puwit ko, tiniis ko lang iyon kasi ayoko ng gulo.

Nakarating na ako sa table namin. Hindi na ako uminom para makauwi ako ng maayos. Sumabay lang ako sa usapan ng kasama namin at nakikitawa kahit wala naman akong naiitindihan.

"Rav kahit isang dare lang ang gawin mo, please? Birthday ko naman eh?". Gusto kong pagbigyan si Tasha dahil mabait siya sa'kin tapos parati siyang nanlilibre. Ang hirap tanggihan!

"Sige basta madali lang yan ah"

"Diba sabi mo virgin ang lips mo...kaya I dare you to kiss someone! Your choice of course". Sumang ayon agad sila na parang sisiw lang ang pinapagawa.

I was contemplating about my decision. Kiss lang naman, okay lang siguro iyon. Nilingon ko si Carl, siya na lang kaya? Si Carl ay close friend namin na gay, kaya ayos lang siguro. Diko naman itutuloy, tutuksohin ko lang.

Tumayo ako at lumapit kay Carl, nang makita niya ako ay nanlaki ang mata niya at mukhang kinakabahan. Nginisihan ko lang siya at ngakantyawan naman ang kasamahan namin.

"Hoy Rav, subukan mong ituloy ang plano at sasabunotan talaga kita!". Despite his warning ay nagpatuloy pa rin ako palapit sa kanya dahil nasa harap ko siya at malaki ang bilog na lamesa na nakapagitan sa'min. Kinindatan ko si Carl at kitang kita ko ang pandidiri sa mukha niya. Gusto kong humagalpak dahil mukha na siyang natatae.

Nang tuluyan akong makalapit at nakita niya akong nakanguso ay tinulak niya ako sa pandidiri. Diko namalayan na may tao sa likod kaya nabunggo ko ito at agad naman akong nag-sorry.

"Aray ko naman Carl! Joke lang naman!"

"Kasingpanget ni Jude iyong joke mo!". Tumawa ang kasamahan namin. Nagsorry din ako kay Carl kahit alam namin na biruan lang iyon. Ayokong sumama ang loob niya sa akin dahil doon.

Wall of Thorns Where stories live. Discover now