I'm inlove with your girlfriend 1

19 0 0
                                    

Jungkook's side:
Kahit ano ang gawin mo kapag ang puso mo na ang nagsabi at tumibok, wala ka ng magagawa kahit tumibok ito sa bawal na paraan.

Totoo nga, na walang pinipili ang puso kahit ang tao na kailanman ay di ko pwede mahalin ay siyang itinitibok ng puso ko.
Ba't siya pa? Ba't si Elle Lee pa?

Ang malalim na dahilan bakit di ko pwede mahalin si Elle dahil sa nobya siya ni Kim Taehyung o si V. Bago pa nabuo ang pagkakaibigan namin ni V, ay may relasyon na sila ni Elle. Bestfriend ko si V kaya ayaw ko siya masaktan, di ko alam pano ako nagkagusto kay Elle, pero isang bagay lang ang siguradong alam ko.. Nasa kanya na ang lahat ng ideal ko sa isang babae, sa madaling salita si Elle Lee perfect.
*********

Nandito ako sa labas ng Seoul University nakaupo sa isang shed sa harapan ng eskwelahan, 7:00 pm na at ngayon lang natapos ang practice ni Elle sa badminton. Tinawagan niya ako napuntahan ko siya, sigurado ako di na naman siya masusundo ni V.

"Jungkook!" Natanaw ko na siya mula sa malayo na kumakaway sa akin.

"Elle" napapangiti kong sinabi, naririnig ko na malakas na naman ang kabog ng puso ko.

"Salamat at sinundo mo ako, nag text kasi si V na di niya ako masusundo, kasi busy sila ni Rap Monster sa isang school project" sinabi niya habang tumatakbo papunta sa akin.

"Kaya pala pinapunta mo ako dito, para saluhin ang trabaho na hindi magawa ni V" parinig ko na sinabi at sinabayan ko na lang din ito ng sweet smile ko para di niya mahalata.

"Di naman, alam ko kasi na di mo ako matitiis! Kasi love mo ako, diba love mo ako?" Makulit niya na tanong sabay sandal sa balikat ko.

Napatingin ako sa kanya, kung alam mo lang Elle kung gaano ko na katagal kinikimkim ang feelings ko sayo. At sa tuwing nakikita kita at nakakasama mas lumalalim ang pagtingin ko sayo Elle.

"O bakit wala kang kibo diyan? May problema ba sa sinabi ko?" Tanong niya habang hinihimas ang likod ko.

"Ah.. Wala namang problema Elle, may naalala lang" napakamot ulo kong palusot.

"Ganoon ba, alam mo Jungkook, love na love kita as a friend. Ang buti mong kaibigan, pag kailangan kita andyan ka. Ang swerte ko may kaibigan akong tulad mo" sambit niya habang napapatingin sa mga paa niya.

"Oo nga, kaibigan mo nga pala ako" malumay ko na sinabi, habang buhay na lang ako kaibigan mo Elle at di na hihigit doon.

"Alam mo Jungkook ang swerte ng babae na gusto mo, kasi ang bait mo at gwapo" tugon niya habang nakatingin sa akin.

Di ko alam ang isasagot ko sa sinabi ni Elle, maswerte ba siya pag ako ang nobyo niya kesa kay V?

"Di ko alam, ayaw ko naman kasi pangunahan ang lahat" simple kong sagot.

"Ang humble mo naman! O sige ikaw na Jungkook, ikaw na ang down to earth" pabiro niyang sinabi sabay sapak sa braso ko.

"Di naman ako humble, nagpapakatotoo lang" sagot ko sabay kindat.

"Lokohin mo na lahat wag lang ako! Kaya nga pala mag babarkada kayo, kasi ang galing niyo mambola! Pero, Jungkook kung sino man yang babae na nasa puso mo, ma swerte siya promise. At kung mas kilala ka lang niya, sigurado ako maiinlove yun sayo!" Sambit niya sabay akbay sa akin.

Napatingin lang ako sa kanya, habang siya ay nakatingin sa mga bituin sa langit. Ang gaan niya talangang kasama, kaya pala nahulog si V sa kanya.

"Jungkook umuwi na tayo, gumagabi na kasi at malayo pa ang station dito" sabi niya sa akin.

"O sige, akin na ang bag mo ako na ang magdadala" paanyaya ko sa kanya.

I'm inlove with your girlfriend (BTS fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon