I'm inlove with your girlfriend 2

8 0 0
                                    

Naeun's side:
Mag isa lang ako pumasok sa school, sabi kasi ni auntie sumabay daw si Jungkook sa tropa niya, kaya hayun mag isa ako nagpunta sa school.

Naglalakad ako sa hallway papunta sa classroom ko ng harangan ako ng isang makulit kong stalker. Stalker na kasi lagi niya ako sinasalubong o kaya sinusundan!

"Ano ang kailangan mo?" Tanong ko sabay nagtaas kilay.

"Naeun gusto ko sana na ibigay to sayo" inabot ni Jin ang kahon ng cupcakes.

"Thanks ha, sakto di ako nag agahan at binigyan mo ako nito" sabi ko sabay fake smile.

"Ganoon ba, nag bake ako para sayo alam ko naman kasi na di ka mag aagahan" napapangiting sinabi ni Jin.

"Talaga? O sige mauna na ako baka kasi ma late pa ako sa klase ko" sabi ko sabay naglakad palayo.

"See you around Naeun Park" pahabol niya na sinabi

Napalingon lang ako at ningitian niya lang ako, para di magtampo nag fake smile na lang ako.

Si Kim Seok Jin, kabarkada ni Jungkook at ni V. 7 sila sa grupo nila, at si Jungkook ang pinaka bunso, alam niyo mabait si Jin at gwapo kaso si Jungkook ang type ko.

"Kanino ba galing ang box na yan?" Tanong ni Innah.

"Kay Jin, binigyan niya ako ng cupcake" sagot ko sabay kamot ng batok.

"Si Jin? OMG! Alam mo Naeun ang swerte mo?! Habul habulin ka pa naman ng isa sa pinaka gwapo na boy sa school, and member ng BTS" sabi ni Innah habang napapangiti.

"Di naman siya ang type ko,alam mo naman na si - - " pinutol ni Innah ang sasabihin ko.

"Alam ko si Jungkook ang gusto mo, yang bestfriend mo. Alam mo umaasa ka parin sa kanya" dagdag ni Innah sa sasabihin ko.

"Fine, oo umaasa ako kay Jungkook kahit 1% lang ang chance na magugustuhan niya ako" sinabi ko habang nakatingin sa mga kamay ko.

"Alam mo katangahan yan eh, yang umaasa kayo sa tao at 1% lang na SURE at 99% HINDI" sermon ni Innah

"Hinaan mo nga ang boses mo, mabulgar pa ang mga lihim ko dahil sayo" bulong ko sa tenga ni Innah.

"Oh sorry, basta ha kung ako sayo si Jin na lang sigurado ka pang secure ka doon. Kasi kay Jin 1% hindi and 99% ang sure" sabi ni Innah sa mahina na boses.

Tama siya kay Jin alam ko na di ako paasa, kaso si Jungkook ang isinisigaw eh. Wala na akong magagawa.

-------------------------
Jungkook's side:
Nasa banyo ako para sana jumingle ng biglang pagulat na pumasok si Suga sa banyo.

"Bwish*t" gulat ko na reaction noong bigla buksan ni Suga ang pintuan ng banyo

"Tol, pag pasensyahan mo na kung sinagabal ko ang pag jijingle mo, hinihintay na kasi tayo nila V" hinihingal na sinabi ni Suga.

"Asan sila? Sabihan mo sila susunod lang ako" sabi ko sabay ibinaba ang zipper ng pantalon ko.

"Nasa rooftop sila, may pag uusapan daw tayo yun ang sabi ni V sa amin" sagot ni Suga

"O sige, susunod na lang ako" sabi ko sabay buntong hininga.

"Sige, kita kits na lang tayo doon at jumingle ka lang diyan" agad ni Suga isinira ang pinto ng banyo at lumakad paalis

Ano na naman kaya ang pag uusapan na gusto ni V? Sigurado ako patungkol na naman ito kay Elle.

Nang makarating ako sa rooftop ay nadatnan ko sila na naghihintay sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm inlove with your girlfriend (BTS fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon