MAINIT ang hipan ng hangin mula sa diipit na bentilador na noo’y nakaipit sa shelves na may lamang maraming burger at hotdog buns.
Alas tres na ng hapon at marami pa rin ang umo-order ng buy one take one burger sa halagang bente kuwatro at paisa-isang order ng single neto sa halagang dose pesos.
"Miss, dalawang nga ng buy one take one burger," agad na niluto ni Mia ang order na iyon, ngunit nang kaniya ng ibibigay ay nagulat ang customer.
"Miss sabi ko dalawa lang hindi ko sinabing apat na piraso!" Iritable at may mataas na tinig na wika ng babaeng umorder, naka-suot ito ng uniporme ng isang sikat na unibersidad sa lugar.
"Sabi niyo po ay dalawang buy one take one," pilit pa rin pinagagalang ang sarili.
"Oo nga!" pasigaw na sabi ng customer na noo'y kahit hindi nito sabihin ay halata sa mukha nito ang kasabihang, 'Customer is always right' ngunit kay Mia walang kasabi-kasabihan basta siya ay nasa tama ay kaniyang ipaglalaban.
"Magkaiba po ang dalawang buy one take one sa dalawang piraso." May diing wika niya't pinipigil pa rin ang sariling sungay na lumabas.
"Parehas lang naman ’yon a! Twenty four pesos for two!" aniya nito na halos kaniya ng ikatawa.
"Kapag sinabi mong dalawang buy one take one apat iyon, kapag sinabi mong isang buy one take one dalawa lang iyon, at kapag sinabi mong dalawang piraso pasok iyon sa isang order ng buy one take one." Pagpapaintindi niya sa hindi pa rin makaunawang customer kaya naman pumagitna na ang kasama nito at binayaran nalang ang forty eigth pesos.
"Hays! Naturingang sa isang kilala at tinitingalang unibersidad nag aaral jusko!" reklamo niya sa kasama na anak ng kaniyang boss na noo’y nanunuod lang sa kanila kanina. Humupa na rin ang mga orders dahil halos alas kuwatro na't balik trabaho na ang lahat at aral naman ang ilan na madalas nilang customers.
"Hahaha! Hayaan mo nalang," tumango siya at muling umupo sa kulay puting bilog na upuan. Maliit lang ang puwestong iyon, hindi rin kilala ang kaniyang pinapasukan. Sa tapat lang iyon ng resort at malapit sa eskuwelahan kaya maraming customer.
Dose oras ang kaniyang duty araw araw nagsisimula sa alas-syete ng umaga hanggang alas-syete ng gabi kung minsan overtime hanggang alas nuwebe o alas dyes. Kapag walang bumibili ay kung minsan umiidlip siya, kung minsan naman ay nakikipag kuwentuhan sa lalaking anak ng kaniyang amo.
UMUWI SIYANG pagod sa kanilang inuupahang apartment, kasama niya rito ang ina at mga kapatid. Mula sa mainit na trabahong minu-minutong pagluluto ay kumain siya at naghugas ng tambak na hugasin. Kasama ang pinagkainan ng kaniyang pamilya, mayroon kasi silang duty sa bahay. Araw-araw ay may palitan sa pag huhugas at linggo-linggo naman sa paglalaba. Byernes nang gabing iyon pagkatapos ng isang plangganang hugasin ay naglaba naman siya.
Mayroong washing ngunit ayaw gumana ng dryer. Alas dos ng madaling araw na siyang natapos at agad nang natulog.
KINABUKASAN ay nagising siyang masakit ang katawan, halos ayaw ng tumayo mula sa pagkakaratay ng likod sa higaan. Pero pinilit niyang bumangon kung hindi wala siyang makukuhang suweldo. One hundred fifty ang kaniyang araw-araw na bayad at linggohan iyon ibibibigay upang maipon. Madalas pang may kaltas dahil sa uniporme.
Araw ng sabado at nakakapagod pa rin ang araw na iyon sa dami ng bumibili ay halos hindi na siya nakakaupo, maging ang pagkain ay kinakailangan niyang bilisan upang huwag madistorbo kapag may biglaang customer.
"Kunin mo na raw ’yong sinampay mo sa itaas!" sigaw ng nag uutos ng nakababatang kapatid na babae ang bumungad sa kaniya, bahagya siyang nainis dahil sa pagod pagkatapos ay ganoon ang ibubungad sa kaniya.
"Bat hindi mo pa kinuha?" ani niya na kinakalma ang sarili't pinipilit na huwag maging pasigaw ang pagsasalita.
"Puro damit mo iyon bat ko kukunin?!" mataray at naninindak na wika ng kaniyang nakababatang kapatid.
"Mia, walang baon ang kapatid mo sa lunes," singit ng kaniyang ina sa away nilang magkapatid.
"Lunes pa naman iyon ma, wala po akong maibibigay ngayon, kaunti lang ang sinahod ko dahil sa bale noong nakaraan, ipambabayad ko muna ito kay Jean." Ani niya sa nagpapaintinding boses, halos pumikit na ang mata sa sobrang pagod mula sa mahabang oras na pagtratrabaho at nais niya nalang mahiga ngunit hindi yata puwede.
Maliit lang ang kaniyang sinahod at sapat lang iyon para bayaran ang kaibigang inutangan upang siya’y makapasok sa trabaho. Bukas nga’y may kaunti silang salo-salo at mangungutang lamang siya sa isa pang kaibigan upang makasama at sa gabi’y papasok naman sa trabaho. Bawat lunes kasi ay nagbabago ang kaniyang duty, pang umaga at napapalitan ng pang gabi.
Hindi siya pinansin ng ina at halata ang pagkairita nito, sumama ang kaniyang loob lalo. Naghalo-halo ang sakit ng katawan, stress at pagod pati na ang sama ng loob na kaniyang sabay-sabay na nadarama.
"Puwede mo pa rin namang kunin!" hindi na nakapagpigil niyang sigaw sa kapatid na noo'y nag make face lamang upang siya'y asarin at sabihan na hindi talaga nito iyon kukunin.
"Bahala ka riyan!" asik niya sa sobrang prustrasyon. Tinalikuran niya ang ina at ang kapatid saka pumasok sa sariling silid.
Padabog niyang hinagis ang dala-dalang peach na mini backpack sa kaniyang higaan at tatalon na sana sa kama, ngunit biglang bukas ng pintuan at sa lakas no'n ay nagugulat siyang napatingin sa ina na siyang gumawa no'n.
"Sinong dinadabogan mo ha?! Anong ipinagmamalaki mo sa akin? Iyang trabaho mo? Hindi porket may trabaho kana ay pagmamalakihan mo ako!" namumula sa galit ang ina at halata rito ang pagpipigil na hablutin siya't sabunutan.
Wala siyang nagawa kundi tignan ito ng may pagtataka at pagtatanong. Marami pang sinabi ang ina na hindi niya na maintindihan dahil sarado na ang kaniyang isip sa mga bagay. Tinalikuran siya ng ina at doon niya pa lamang nagawang maupo at huminga ng tama. Naglandas ang luhang kanina pa niya pinipigilang pumatak. "Anong nagawa ko?" ani niya sa sarili nang dahil sa hindi niya maintindihang biglaang pangyayari.
KINABUKASAN ay kinuha niya ang sinampay at inilagay sa sala para tupiin ng kapatid, kumuha na rin siya ng susuotin para sa pag alis ngunit pinigilan siya ng ina at sinabing lumayas na siya at dalhin ang kaniyang mga gamit.
Masama ang loob na kinuha niya ang cellphone, pumasok sa kuwarto at chinat si Anthony. Ang matagal na niyang kakilala sa facebook.
Matagal na siyang nililigawan nito at matagal na rin siya inaayang ibabahay, ngunit hindi siya pumapayag. Madalas niya itong iniignora, ngunit ngayon. Naisipan na niyang sumama. Dahil si Anthony lang naman ang talagang makakapaglayo sa kaniya sa lugar na ito, dahil kung lalayas siya't sa malalapit na kaibigan lang pupunta, para saan pa't lumayas siya kung magkikita-kita rin sila.
Nagreply itong magkita sila sa Cubao, agad niyang inimpake ang isang backpack na may lamang importanteng gamit at damit na sapat na pansamantala. Sobra ang hinanakit na kaniyang dinaramdam na siyang nagtulak sa kaniya para piliin sumama sa lalaking sa facebook niya lamang nakilala.
Sixteen pa lamang siya ngunit nagtratrabaho na, pineke niya ang kaniyang edad upang makapasok ng trabaho dahil sa kagustuhan ng ina at para makatulong na rin dito. Pero heto ang kaniyang natamo, pinalalayas siya ng sariling ina na hindi manlang yata naiisip ang puwedeng mangyare sa kaniya. Ngunit sanay na siya, hindi naman ito ang unang beses na siya’y pinalayas nang dahil lamang sa simpleng bagay.
"Aalis na ako, salamat na lang sa lahat." aniya hinabol pa siya ng ina para sabunutan ngunit hindi na umabot kahit pa hindi naman siya tumatakbo o mabilis lumakad. Hindi na siya umiiyak, pilit niyang tinatatagan ang sarili at hinahayaang kainin siya ng galit.
Kinakabahan ma’y pilit niyang isinasaulo na dapat niyang pagtiwalaan si Anthony...
TO BE CONTINUED.
YOU ARE READING
WRITTEN PLANS (REPUBLISHED) R18
RomanceAng istoryang ito ay hango sa minsang plano ng dalawang manunulat--sa totoong buhay. Kuwentong hindi naisabuhay ngunit naitago sa alaala't bibigyang buhay sa pamamagitan ng pagsulat at pagbahagi sa inyo. Samahan si Mia at Anthony sa kanilang drawing...