CONTINUATION

8 1 0
                                    

Bumaba ang halik niya sa leeg nito ngunit nang maramdaman at mapansin niyang hindi na ito umiimik at gumagalaw manlang ay binalikan niya ng tingin ang dalaga, imbis na mainis sa pagkabitin ay napangiti siya dahil nakatulugan siya nito.  Tumayo siya at inayos ang suot ni Mia, binuhat niya ito at inihiga sa kama.

“Tss.  Sabi sa'yo 'di ako mapanamantala e.” ani niya sa lasing na si Mia, kinumutan niya ito at sandali pang pinagmasdan bago bumalik sa sala upang ligpitin ang mga kalat.

Naisipan niyang sa sofa nalang sa sala matulog sa gabing iyon kaya bumalik siya sa kuwarto para kumuha ng unan at kumot, ngunit nahabag siya nang marinig ang pag ungot ng natutulog na si Mia, umiiyak ito.  Marahil ay napanaginipan nito ang pagpapalayas sa kaniya ng ina.

Humiga siya sa tabi ng dalaga at niyakap si Mia, inalo-alo na parang bata kahit na tiyak wala itong alam sa ginagawa niya.  At hindi siya sigurado kung kinabukasan pag gising nito ay may maaalala ba, panay pag hagod lang siya sa buhok ni Mia hanggang sa makatulugan niya ang ganoong posisyon nila.

-To Be Continued.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WRITTEN PLANS (REPUBLISHED) R18Where stories live. Discover now