CHAPTER TWO

11 1 0
                                    

"MALIGO KANA para makapagpahinga.  Ako na muna ang bahala sa mga hugasin,” inagaw ni Anthony ang pinagkainang pinggan kay Mia at itinulak na ito papasok ng kuwarto,

“Pero okay lang naman--” umiling si Anthony at dumeretso na sa lababo upang urungan ang mga pinagkainan.  Walang nagawa si Mia at naghanap nalang ng pantulog sa kaniyang bitbit na backback at handcarry bag, hindi naman sa hindi normal ang skinny dress na hawak niya ngunit hindi iyon magiging maganda gayong bago palang silang magkakasama.

“Anong gagawin ko?” aniya sa kaniyang sarili, sinusuri ang dress na hawak at kahit saang angulo niya pa tignan ay hindi ito magandang ideya isuot dahil sa sobrang daring nito.
Naghulughog pa siya sa kaniyang bag ngunit wala talaga, wala siyang choice kundi kunin ang twalyang dala at kumuha ng underwear pati na ang dress saka dumeretso sa palikuran upang maligo.

Sa loob ng banyo nakita niya ang body soap at shampoo na nakalagay sa corner rack, isinabit niya sa adhesive wood hooks ang kaniyang pamalit ganoon din ang kaniyang hinubad.  Mabilisan ang kaniyang pagligo, hindi paman nakalalabas ay hiyang hiya na siya sa kaniyang suot.  Mula sa bilog na salamin sa banyo ay pinagmasdan niya ang sarili, kita ang guhit ng kaniyang dibdib at ang ilang bahagi nito, inayos niya ang tuwalya sa ulo at itinabing ang ilang hibla ng buhok sa kaniyang dibdib.  Ilang ulit niya pa iyong ginawa hanggang sa tanggalin na lang niya ang tuwalya't ilugay ang basa at magulong buhok saka isinabit ang tuwalya sa balikat.  Lumabas siya ng ganoon ang ayos, wala na si Anthony sa sala at kusina na kitang kita lang mula sa pinto ng banyo.

Dahan-dahan siyang pumasok ng silid kung saan naabutan niya si Anthony na nakaupo sa gilid ng kama hawak ang cellphone nito.  Napalunok siya nang magtama ang kanilang paningin, agad siyang nag iwas at lalapitan na sana ang kaniyang mga bag ngunit wala na ito roon, na tila nahulaan ni Anthony na nais niya itong tanungin ukol sa gamit.

“Inilagay ko na sa cabinet ang mga gamit mo, sa kaliwang side ang iyo sa akin naman sa kanan.” tumango siya at nagpasalamat,

“Iyon naman ang lagayan ng labahin doon mo na rin ilagay ang iyo,” nahihiya man ay sinunod niya nalang, dahan-dahan siyang lumapit sa puting basket at inilagay ang kaniyang marumi roon, sinigurado niyang nakabalumbon itong maigi at hindi makikita ang hinubad niyang mga panloob.

Lumapit siya sa cabinet at kinuha ang pouch niya sa babang bahagi upang kunin ang toothbrush at hair brush.

“Uhmm...magsisipilyo lang ako,” paalam nito kay Anthony at pansamantalang iniwan ang hair brush sa higaan.

Dumeretso siya sa kusina at doon nagsipilyo, pumasok siyang nagpupunas ng bibig gamit ang tuwalya sa balikat at muli niyang ibinalik ang sipilyo sa pouch sa loob ng cabinet.  Umupo siya sa kabilang bahagi ng kama saka nagsuklay ng tumutulo niya pang buhok, nang matapos ay napag pasyahan niya na rin humiga.

“Uhmm matutulog na ako ha? G-goodnight...” Kinuha niya ang kumot na tingin niya ay para sa kaniya at ikinumot hanggang sa kaniyang bewang.

“Okay, goodnight.” Naramdaman niya ang pagtitig ni Anthony kaya naman minaigi niyang tumalikod at ipikit ang mga mata, ngunit hindi siya dalawin ng antok lalo na nang humiga na si Anthony sa kaniyang tabi.

Ilang minuto ang lumipas at hindi rin mapakali si Anthony, hindi niya mapigilang makaramdam ng pag iinit kahit patay na ang ilaw at nakatutok naman sa kanila ang bentilador dahil sa presensya ng babaeng katabi niya.  Hindi siya sanay na may kasamang babae at kung mayroon man paniguradong kasintahan niya iyon, pero iba si Mia, matagal at ilang ulit na niya itong inaaya makipagkita at na maging sila and somehow maka-live in.

Nagkakilala sila sa isang writing platform group sa Facebook kung saan nagbabasa-basa at nagsusulat si Anthony at ganoon din naman si Mia, minsan sa kaniya ito nagpapa-edit ng story nito at madalas nagtatanong sa kaniya ng mga writing tips, dahil si Anthony ay professional sa larangang ito.

“Hindi kaba makatulog?” wika nito sa kaniya nang hindi ito makatiis, hinarap naman niya ito at tinanguan.  Nananatili silang nakahiga at nakaharap sa isa't isa, ang init ng hininga ng bawat isa ay mas lalong nagdudulot ng init at kakaibang tulak ng demonyo sa kanilang katawan.

“Gusto mong uminom? May beer ako sa ref, teka, umiinom kaba?” biglang wika ni Anthony at iwas ng mukha nang halos ilang pulgada nalang ang layo nila sa isa't isa.

“Oo naman, blacksheep ako e!” sinubukan niyang pasiglahin ang boses para alisin ang pagka-awkward na pakiramdam, tumango si Anthony at nauna na sa kaniya para kumuha ng beer sa ref.

Panandalian pa siyang tumingala sa puting kisame, bumuntong hininga dala ng tensyon sa pagitan nila kanina---bago umupo para isuot ang tsinelas at sumunod sa binata.

“Are you okay now? Sigurado kaba na gusto mong gawin natin ito?” napalunok siya, hindi pa nangangalahati ang bote ng san mig beer na kanilang iniinom nang magtanong si Anthony.

“I mean, puwede ka naman mag stay ng hanggat gusto mo at umuwi kapag gusto mo na rin, hindi kita pipigilan at pupuwersahin na sumama sa akin,” mas napalunok siya, binalikan sa isip kung ilang beses na nga ba siyang inalok nito ng live in ngunit heto ito ngayon, sa kaniyang harap at kinukwestyon ang biglaan niyang pagsama rito.

Pinalayas ako, sawang sawa na akong matapakan kaya bakit ako uuwi para ano? Magpaapak muli? Bakit ako ang magpapakumbaba at hihingi ng tawad? Saka ayoko naman isipin niya na ginagamit ko lang siya para may matuluyan ako, kahit ganoon naman talaga halos...so, sigurado na ako.  Hindi ako uuwi at pipilitin ko na mag work out kami as I believe that we can do it naman.

“Matagal ko na rin pinag-iisipan ang pagsama sa iyo, sa tuwing inaalok mo ako ay napapaisip ako,” pagpapakatotoo niya sa binata.

“Saka nagtitiwala naman ako na wala kang ibang motibo sa akin, at puwede naman natin i-work out 'yung relasyon natin kapag handa na tayo o komportable na sa isa't isa...” ngumiti siya at tinungga ang beer.  Napangiti rin si Anthony,

“To be true, physically attracted talaga ako sa idea na makasama kita sa bahay, and we're both writers.  Anong feeling na pareho tayong malikot ang utak...anong feeling na nagse-sex tayo, releasing our wild imagination?” natawa naman ng kaunti si Mia dahil sa pagpapaka-totoo ni Anthony.

“Well alam ko namang pantasya mo talaga ako hahaha!” parehas silang natawa at mas natawa pa nang magbiro si Anthony na baka ipa-tulfo siya ng magulang ni Mia oras na malamang nakipag live in siya sa isang tao na matanda sa kaniya ng pitong taon.

They talked about what happened bakit siya pinalayas then everytime na nagda-down na 'yung mood between them laging sisingitan ni Anthony ng biro kaya nagse-set ulit sa tawanan ang mood nila.

NAKA-TATLONG bote na sila ng San mig at may kalasingan na rin pareho, pero mas lasing si Mia, mapula na ito dala ng pagiging mistisa, hindi naman maiwasan mapatingin ni Anthony sa guhit ng dibdib nitong kanina pa sa kaniya nagpapapansin at dahilan para tumindig ng tayo ang kaniyang alagang sundalo na ano mang oras ay nanaisin ng lumabas sa lungga para sumabak sa gyera.

“Lasing kana, ihahatid na kita sa kuwarto,” nilapitan niya si Mia sa upuan nito at inalalayang tumayo ngunit dala ng kalasingan ay hindi na nito mabuhat ang sarili, parehas silang natumba sa sofa na kinauupuan ng dalaga, dahil doon ay napa-ungol ang dalaga sa bahagyang pag alog ng kaniyang ulo.

Nakapa-ibabaw siya kay Mia habang si Mia naman ay mapupungay ang matang nakatingin sa kaniya.  Dala ng kalasingan ay tuluyan na siyang nagpa-udyok sa demonyo, inangkin niya ang labi ni Mia na hindi naman nito tinanggihan.

-To be continued

WRITTEN PLANS (REPUBLISHED) R18Where stories live. Discover now