37

193 18 3
                                    

"Luhan,okay ka lang?" dali-dali akong nilapitan ni Sehun at inalalayan pa-upo sa sofa.

"Okay na ako." nang mapatingin si Sehun sa hawak kong litrato at marahas naman niya itong inagaw

Para bang nag-iba ang mukha niya..


"BAKIT NASAYO 'TO?!"

Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses ni Sehun.

"N-Nakita k-ko l-lang y-yan" bigla nalang tumulo yung luha ko.

Nakikita ko sa mga mata ni Sehun ang sobrang galit.

Sino ba kasi yang bata na yan?!

Anong meron?!

"SA SUSUNOD WAG MONG PAKELAMAN MGA GAMIT KO!"

Padabog niyang sinara ang pinto.

Wala akong nagawa kundi ang humagulhol at maupo nalang..

Iyon ang unang beses na sinigawan ako ng pinakamamahal ko.

Sino ba kasi yun?

Ex niya ba yun?!

Ang sakit sa pakiramdam na sinigawan niya ako.

Kailangan kong magsorry...

Ayokong magalit si Sehun sa akin,hindi ko kakayanin...

Kailangan ko siyang habulin.. hindi ko sinasadya....

Seh---

----
Pagmulat ko wala na akong ibang nakita kundi ang maputing kisame

Nasaan ako?

"Luhan thanks God gising ka na!" biglang lumapit si Baekhyun at niyakap niya ako.

Nandito din si Kyungsoo Chanyeol at Jongin...

Pero,wala si Sehun...

Galit pa siya sakin..

"Nasaan ako?"

"Nasa hospital ka.Natagpuan ka naming walang malay.Ano bang nangyare?"

Nang maalala ko kung ano ang nangyare,hindi ko naman maiwasang hindi maiyak.

"Shh.Luhan,ano ba nangyare?"

Pinahiran ko muna ang luha ko at seryosong tumingin sa kanila "Baek,Soo..Gusto ko muna makausap si Jongin at Chanyeol.Pwede bang lumayas muna kayo"

Napasimangot naman si Baekhyun "Ang harsh mo pa din" tapos lumabas na sila.

"May problema ba Luhan?"

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot "Si Sehun.."

Lumapit naman silang dalawa sa akin. "Bakit?"

"Habang nagliligpit kasi ako,nakita ko wallet niya.Tinignan ko,may picture ng bata tapos may nakasulat na HanLu.Nadatnan naman ako ni Sehun na hawak yun.Tapos nagalit siya at sinigaw-sigawan niya ako."

Naiiyak na naman ako pucha"

"Sino ba yung Hanlu na yan? Bakit ganun nalang yung galit ni Sehun nang hawakan ko yung picture na yun?"

Hindi agad nakasagot si Jongin at Chanyeol.

Nagtinginan lang sila.

"B-Baka naman kapatid niya" sagot ni Jongin.

Clash of Gangs [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon