Chapter 31

289 23 2
                                    

Pagkatapos ng mga pangyayaring yun, Agad nang naka move on si Sehun at ayaw na niyang ma-alala ang nangyari kay Kris.

Si Luhan naman ay di pa rin nagsisink in sa kanya na isa na siyang Darkus.

Kinabukasan ...

Luhan's

"Magandang umaga!" rinig kong pagbati ni Kyungsoo sakin at nilapag yung pagkain sa lamesa na katabi ng kama ko.

"Eh, anong nakain mo at naghatid ka ng breakfast dito?" sabi ko saka umayos ng pagkaka-upo.

"Isa na kasi tayo sa Darkus, wala namang masama kung magbago ng konti Hehe" nakangiti niyang sagot.

Sabagay.

Wala naman siguro akong dapat baguhin ._. Siguro kailangan ko lang ihanda yung sarili ko sa mga susunod na mangyayari.

Lumabas na ako ng kwarto at naiwan si Kyungsoo.

"Si Baekhyun?" tanong ko kay Kyungsoo.

"Sinundo ni Chanyeol.Kaya sabi niyang sabay nalang daw tayo"

Wow naman. Sosyal ni Baek, pasundo-sundo epeks pa. Eh si Sehun kaya, saan na nilagay yun ?

Bumalik ako sa kwarto para kunin yung pagkaing dinala ni Kyungsoo kanina para dalhin sa kusina. Dun ko nalang kakainin.

"Luhan, bihis lang ako ah?" sabi ni Kyungsoo saka pumasok sa kwarto niya.

Ako naman, busy na sa pag-aayos.

Haaaay.Sana okay na ang lahat :3 at okay na rin si Sehun :3

"Luhan, be mature! isa ka na sa Darkus!" sabi ko habang nakatingin sa salamin at gumagawa ng iba't ibang ma-aangas na pose

Lumabas na ako sa kwarto ko at nadatnan si Kyungsoo na halatang patapos na.

Serious ata si Kyungie ngayon. Hehe, baka naman dinibdib niya yung pagkaDarkus niya HAHA

"Tara  na, Male-late na tayo" sabi niya at sumunod naman ako.

Pagkadating namin sa school, lahat ng students nakatingin sakin. Yung iba hine-head to foot pa ako.Yung iba naman may kasamang comments pa.

"May dumi ba ako sa mukha Kyung?" tanong ko.

Hinawakan niya yung magkabila kong pisnge at hinarap sa kaliwa't kanan para tingnan kung may dumi.

"Wala."

"Eh ba't sila ganyan kung makatingin?"

"Di ko alam -.-"

Hanggang sa hallway yung nga students sakin pa rrin nakatingin. May iba nagbubulungan na nga pero naririnig ko pa rrin.

"Pumatol si Sehun jan?"

"Eew"

"Anong gayuma kaya gamit niya?"

"Hahaha.Witch"

At thank you kase kung di dahil sa mga bunganga nila, di ko siguro malalaman.

Di na ako nag-aksaya ng oras at dali-dali-dali kaming naglakad papuntang classroom.

"Uy! Luhan, totoo ba?" tanong ni BamBam na agad humarang samin ni Kyungsoo

"H-Huh? Ang alin?"

Clash of Gangs [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon