#38

263 19 7
                                    

3rd person's POV

"Sir nandito na po tayo" inihinto ng driver ang taxi sa isang madalim na lugar.

Nasa passenger seat naman si Sehun na agad namang nagising dahil sa boses ng driver.Pagmulat ng kanyang mata nagtaka siya kung bakit dito sila huminto.

"Manong,tama ba 'tong lugar na 'to?" sinusuri ni Sehun ang paligid.

Malayo ito sa mismong siyudad..

"Sir,ito po kasi ang nakalagay sa address na binigay mo e.Ito po yun.Nagtataka nga rin po ako eh" paliwanag ng driver.

Napabuga nalang ng hangin si Sehun.Wala na siyang oras para makipag-usap pa sa driver kaya dali-dali siyang kumuha ng pera at ibinayad ito.

Hindi alam ni Sehun kung bakit sinunod niya yung nagtext sa kanya at pumunta siya sa address na natanggap niya.

Tangina,pinaglalaruan lang ata ako ah! saad nito sa isip niya.

Sa lugar kung nasaan siya ngayon,may isang bakanteng lote na napapaligiran ng mga damo,madilim din sa lugar.Tanging ilaw lang ng cellphone niya ang gumagabay sa kanya.

"Puta!Naliligaw na ata ako..." inis na sambit ni Sehun.

"Hindi ka naliligaw Sehun"

Napaatras si Sehun ng makarinig siya ng boses.

"Sino yan-----AAAARGHHH!"

Napasigaw si Sehun sa sakit ng bigla siyang makaramdam ng tama ng kung ano man sa kanyang paa

"Nakakaawa ka tignan Sehun,akalain mo...yung Sehun na siga,bad boy,gangster na kilala ko nasa harapan ko ngayon...namimilipit sa sakit....but anyway,I want to say thank you kasi hinayaan mong magkita tayo..Kahit lagi tayong nagkikita"

Naliwanagan si Sehun sa mga nangyayari...nakilala niya kung sino ang bumaril sakanya..

"C-Chen...."


Pinilit niyang tumayo kahit nanghihina siya.Sa isip ni Sehun,parang matutuyo na siya dahil sa maraming dugo na nawala sakanya.Pero kailangan niyang malaman kung ano ang ibig sabihin ng text na yun..

"Matalino ka nga,kahit madilim nakilala mo pa rin ako" tumawa ang lalake at lumapit kay Sehun

Lumapit si Chen kay Sehun..

"Ngayon,gusto kong malaman mo ang lahat lahat!"

"Ack---Ack----" sambit ni Sehun.

"Kawawa si Luhan----"

"Ackk-----Ackk---"

"Bakit ba kasi siya napunta sayo-----"

"Ack-----Ackkk"

Napapikit nalang si Sehun habang iniinda ang sakit ng kanyang kamay...

"Kaya,panahon na siguro para bawiin ko si------"

"Aackkk---"

"BAKIT BA?! ACKK-- KA NG ACKKK DYAN?! MAY SINASABI PA AKO! BASTOS KA AH!"

Hindi alam ni Chen na natatapakan na niya ang kamay ni Sehun kaya panay ang pag-ungol nito

"P-putangina m-mo...t-tinatapakan m-mo paa k-ko"

Napa-ismid nalang si Chen at umatras ng konti dahil nga natatapakan niya ang kamay ni Sehun.


Nang maramdaman naman ni Sehun na wala na yung paa ni Chen ay nakahinga na siya ng maluwag..

"Asan na ako?Oh yeah,Sehun...kilala mo ba si HanLu?"

Nanlaki ang mata ni Sehun sa tanong ni Chen..


"S-saan mo nalaman yan?"

"Alam mo Sehun,Walang sikreto ang nabubunyag.I know you are hoping to see this HanLu,good for you kasi nakipagkita ka sakin.."


Pilit na binabalanse ni Sehun ang kanyang sarili,kahit alam niyang kahit ano mang oras ay pwede na siyang himatayin..Kahit na galit ang nararamdaman ni Sehun sa pag-iwan ni HanLu sa kanya ay,gusto niya pa rin itong makita.

"Alam mo kung nasaan siya? Alam mo kung sino siya?"

"Hindi lang yun Sehun,marami pa akong alam...mga sikretong tinago ng mga magulang mo, at yung sikreto mo...meron pa ata pero,yun lang siguro yung kailangan mong malaman"


Nabigla si Sehun sa kanyang mga narinig..


"A-anong k-kinalaman ng mga magulang ko dito?"


"Hindi mo alam na may kinalaman ang mga magulang mo sa paghihirap mo ngayon? Oh,hindi ba nila sinabi na...sila ang dahilan kung bakit nawala si HanLu bigla? Oh....I guess masyado atang detailed"


Napatigil si Sehun sa kanyang mga narinig....

"H-Hindi yan totoo.WALANG KINALAMAN ANG MGA MAGULANG KO!.."

"Yun ang totoo Sehun!"


"At isa pa,masyado ka naman atang bilib sa sarili mo para hindi malaman ng kahit sino yang panlolokong ginagawa mo.Sinasaktan mo si Luhan,masama ka Sehun! WALA KANG KASING SAMA!"

"WALANG KINALAMAN SI LUHAN DITO! WAG MO SIYANG ISALI SA WALANG KWENTANG KWENTO MO!"

"SIGURADO KA BA SEHUN?! NGAYON PAANO PAG SINABI KONG SI LUHAN AT SI HANLU AY IISA?! ANO?! MAGMAMATIGAS KA PA RIN?!"


Unti-unting nabuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata..

Si Luhan at si Hanlu ay iisa?


"H-hindi..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Clash of Gangs [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon