Dos

2 1 0
                                    

*She got a body like an hourglass but I can give it to you all the time
She got a booty like a Cadillac, but I can send you into overdrive*

Tumunog na ang tanginang alarm ko. Lakas ng impact kasi naka-saksak pa iyong earbuds sa tenga ko. Hudyat na alas sais na ng umaga at kelangan ko na maghanda para sa client meeting namin at 9:00am. Tumayo ako at bahadyang kumirot yung ulo ko at yung tenga ko. Shit, nakatulugan ko na pala ang pakikinig sa music at lowbat na ang cellphone ko. Chinarge ko muna yun. Dumiretso ako sa kusina at naghanap ng Advil sa medicine cabinet ko.

Pagkatapos, dumiretso na ako sa banyo at naghilamos. Pupuntahan ko muna si Mj sa unit niya, baka tulog pa ang mokong na yun dahil napagod ni monggo kagabi.

*tok tok tok*
*tok tok tok*
*tok tok tok tok tok tok tok tok*
Haaaaay, tulog pa nga ata yun. Bababa na lang muna ako para kunin yung susi ko. Naglakad ako papuntang elevator habang sapo yung ulo ko at paminsan minsang pinipikit ang mata ko. Buti na lang at di ako masyadong na-splak kagabi. Kagabi, kagabi napukaw ulit yung sakit na kinikimkim ko na nang kaytagal. Ba't ba kasi unfair ang buhay? Or bakit ba kasi masyadong pa-fall yung mga lalaki? Ang sweet sweet sa'yo, tapos tangina kaibigan ka lang? Dapat na siguro talaga ako mag move on.

*blag*
May nabangga akong medyo matigas, kinapa ko iyon at kinilabutan akong isang lalaki ang aking nabangga. Napatingin ako sa mukha ng lalaki, nanlaki ang nga mata nyang nakatitig sa akin. Anong problema nito? Mukha ba akong multo?

"Sorry."
"Sorry."
Sabay naming sambit na dalawa.
"Okay lang." Kaming dalawa ulit. Tumawa na ako.
"Ano ba yan. Hehe. Sorry ha. Medyo di ako tumitingin sa dinaraanan ko. Sorry talaga. Una na ako." Sabi ko sa kanya sabay ngiti ng pagkatamis-tamis. Aalis na sana ako nang hinawakan niya ang kamay ko.

Napatitig ako sa kanya. Ang gwapo pala ng mokong. May dimple pa! Plus points!

"Ahm, miss, taga rito ka ba?" Tanong niya habang nakahawak pa rin sa braso ko. I shrugged his hand away, kahit pa gwapo to ano, maraming masasamang tao ang nagkalat ngayon.

"Oo, bakit? Taga-rito ka rin ba?" Kinakabahan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

"Oo eh, kakalipat ko lang kahapon. Ako nga pala si Dwight, ikaw?

"Noemie, I'm Noemie. Saan ang unit mo?"

"Sa 456 ako Noemie, ang cute naman ng name mo." Sabi niya sabay ngiti, oh those dimples again. :) tadhana ba ito? Hehe, loko lang. Solid Marcus to.

"Really? Nasa 457 ako! Ikaw pala yung nakabili sa unit ni Leslie. Noemie Marie Castillo." I offered my hand sa kanya at tinanggap niya naman.

"Kilala mo pala pinsan ko? A very beautiful name for a very gorgeous lady."

"Well, your tongue's just too flowery, Marcus. But then thank you. Ah, I better get going. May kukunin pa ako sa sasakyan ko. Nice meeting you Marcus." I extended my hand again and di naman ako napahiya kasi tinaggap niya uli yun.

"My tongue's not just flowery, Marie." Sabat kindat sa akin, tangina, manyakis pa ata to. "We'll just bump into each other again, Marie. And you're really beautiful. Good morning."

I felt my cheeks heat up, am I blushing? Oh jeez. I nodded hurriedly and went to the elevator. I pushed the button, after some seconds, it slowly opened. And right before my eyes, I saw MJ kissing Monggo while his hand ay nasa loob ng panty ng babae. The girl was holding his neck. I stood there for some seconds, di ako makagalaw. The girl saw me and winked. So I did them a favor, I closed the elevator door. The moment it closed, tumakas din ang luha sa mga mata ko. I sat on the floor for some moment, nanlalambot ang tuhod ko. Naramdaman ko na lang na may umakbay sa akin.

"Iiyak mo lang yan, Marie."

Nang marinig ko ang sinabi niya, mas lumakas yung iyak ko.

"I want to move on. I badly want to."

"I don't know the story between you and the guy, Marie. But I suggest you do move on."

I just cried and cried in his arms. Until I can feel na wala na akong luhang mailabas. Marcus just held me there for I don't know how long.

Biglang tumunog ang elevator, I couldn't move. May mga yabag akong narinig na lumabas sa elevator. Di ko pinansin.

"NOEMIE?!" Kinalabit ako nung lumabas. Alam kong si Marcus yun. Niyugyog na rin ako ni Dwight.

"Sino ka?" Tanong niya kay Dwight. Hindi sumagot si Dwight.

"Noemie, ano ginawa sayo ng lalaking to? Bakit ka umiiyak?" Tinulak niya si Dwight palayo sa akin. Pinilit nya akong humarap sa kanya. Nakita ko na nasa likuran lang pala niya si Darlene. May bitbit na supot ng pagkain.

"Gago ka ba? Ako pa may ginawa? Eh ikaw nga dahilan bat umiiyak tong girlfriend mo eh! Makita ba naman niyang may ka chukchak ka sa elevator!" Halos sumigaw na si Dwight. Oh my god, sana kainin ako ng lupa. Gusto kong batukan ang lalaking Dwight ang pangalan. Ayoko ng confrontation ng ganito kaaga. Pero dahil sa silly reaction ko, dito ata hahantong ang umagang ito.

"Anong ako? Anong ginawa ko? Anong girlfriend? Noemie? Noemie? Kausapin mo nga ako. Ako ba ang dahilan?"

Dahan-dahan hinarap ko siya. Mas mabuti siguro na malaman na niya, baka pag nalaman niya, makaka-move on na ako. Nakikita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Nakita ko rin ang naguguluhang mukha ni Dwight at monggong naka-smirk.

"Hindi ko na kaya MJ eh. Pagod na pagod na akong masaktan." Pagkasabi ko nun tumayo na ako at naglakad papunta sa unit ko. Narinig kong tinawag ako ni MJ. Binuksan ko ang unit ko, susundan niya sana ako pero pinigilan siya ni Darlene, bago ako pumasok narinig ko pa si Darlene na nagsalita

"Hayaan mo na nga yung papansing yun Hon. Obvious naman na gusto ka niya."

Hindi ko pinakinggan ang isasagot ni MJ. Tuluyan na akong pumasok sa unit ko at umiyak na naman. Narinig kong may kumakatok sa pinto ko.

"Noemie! Tangina! Sisirain ko tong pinto mo!" Alam kong mabubuksan niya ang unit ko kahit di niya sirain kasi may duplicate siya. Kaya binara ko yung cabinet ko sa pintuan at ilang mga upuan para di siya makapasok. Pumasok na ako sa kwarto ko, dito wala na siyang duplicate, ni-lock ko iyong pinto. Humiga, at umiyak. Umiyak ng umiyak. Wala na akong mukhang ihaharap sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Partners in CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon