Chapter 7: My Chance

14 0 0
                                    

Nagkaroon kami ng long quiz sa Science and I can't believe it na nagkamali pa ko ng isa. Nagreview ako ng maigi dun. Kaya imbes na highest ako, ayun, si Xavier yung pinakamataas.

"Yan kasi wrong spelling" sabi ni Xavier ng umiiling na nakangisi, at inilahad sakin ang paper ko. Feeling ko pinalitan nya lang yun or whatever, kasi sya yung nag check. Hays.

Ayokong magsalita, kaya inirapan ko na lang sya.

Naiirita na ko sa pagkamayabang nya. Kaya sinasanay ko na lang ang sarili ko sa mayabang na ito kasi buong school year ko sya makikita at makakasama.

Bakit ganito ang life? Huhu! Naiinis ako lalo na ng pinaglapit kami ng pwesto. Sya sa harap at ako sa likod. Bakit ganito ang sitting arrangement! Nilagay pa sa harap ko ang mokong na 'to, tuloy nahihirapan akong magsulat dahil sa laki ng ulo nya! Literally!

Tapos madalas pa syang pagtinginan dito. Halos lahat hangang hanga sa katalinuhan nya at kagwapuhan nya. Did I just say na gwapo sya? Ugh! Okay. Aaminin kong gwapo sya at cute tignan ng dimples nya, matagal ko na yun napansin. Pero yung in fact na, ang yabang nya? Why?! Bakit?!?

Nagtatanong si Ms.Fuentes about sa diniscuss nya about P.E. Todo yung taas ko ng kamay. Pero yung tipong nakangiti lang si Xavier sa kanya, kahit hindi nagtaas ng kamay, sya yung tinawag! Ugh! Favoritism! How dare is she! Ang unfair!

"Daya talaga neto kahit kailan" bulong ko ng nagsusulat si Ms.Fuentes sa board.

"Ma'am it looks like may gustong sabihin sa inyo si Pat" pahabol nya na kinagulat ko.

Ano yun? Lalaglagin nya ko?! I really hate him!

"Yes Ms.Torrez?" lumapit sya papunta sa pwesto ko.

"U-uhmm... w-wala po iyon" medyo kinakabahan ako dun ah!

"Are you sure?" tanong nya ng nakangiti.

Kilala ko itong si Ms.Fuentes. Mukhang maamo tignan pero grabe ito magalit kahit simple lang na bagay.

"C'mon Pat. Spill it" singit ni Xavier ng naka smirk. Ugh! Bakit ba sya ganun? Gusto nya bang maging Top 1 sa klase kaya nya ko nilalaglag?

Nakangiti lang si Ms.Fuentes na para bang may hinihintay akong sasabihin.

"Uhmm ma'am..."

"Yes dear, just tell me"

"A-after our discussion. Pwede po bang mag P.E?" mabilis kong sabi, walang hinga-hinga.

I just closed my eyes. Hihintayin kung ano sasabihin ni Ms.Fuentes sa pagsisinungaling ko.

"Yun lang pala. Well, don't worry. In just 5 minutes matatapos na tayo dito sa discussion. So you can have P.E" sabi nya ng nakangiti.

Buti na lang at nakalusot ako dun!

"Yes" sabi ng mga kaklase ko.

Nakangiti lang sakin si Xavier. Inirapan ko lang sya. Ugh! Ang kapal ng mukha nya!

Agad nasiyahan ang mga kaklase ko sa pagpapaalam ko. Gusto na talaga nila maglaro at magsaya. Pero ako rin eh, gusto ko na mag P.E. May dala kasing bola ng volleyball si Hazel kaya game kami.

"Buti na lang sinabi mo yun Pat!"

"Hay salamat, makakapag basketball kami"

"Whooo! Salamat Pat!"

Nagbunyi na agad ang mga kaklase ko kahit hindi pa naman nagp-P.E.

"Oh mamaya na kayo mag-ingay. Di pa tapos ang discussion" sabi ni Ms.Fuentes.

Miss SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon