Chapter 3: Move on!

36 1 0
                                    

One week na lang magpapasukan na.

Di ko alam kung excited ba ko or what. Pero napagisip-isip ko na kakalimutan ko na si Marco, for the better. Yung tipong crush na nga lang ang meron ako, nabo-broken hearted pa ko. Ang saklap naman netong buhay ko. Pero okay na rin yun na kalimutan ko sya, kasi alam ko na sasaktan lang din ako nun katulad ng iba.

Naisipan namin nila Katy na ngayon na lang kami bumili ng school supplies at kung anong gamit pa sa school. Kaya agad akong naligo at umalis papuntang mall. Sana naman hindi na nila ako paghintayin.

1pm kami magkikita-kita at sabi ko sa tapat ng Mcdo nalang kami magkita. Pero ang tagal talaga nila! Yung totoo, pagiintayin nanaman ba nila ako?

Pumasok nalang ako sa Mcdo at nag-order. Nagutom na rin ako eh.

Tumitingin-tingin ako sa labas para makita ko kaagad sila Katy. Habang kumakain ako, may pamilyar na mukha na paparating sa pwesto ko.

"Waiting for someone?" nakangiting sabi ni Marco. Bigla syang umupo sa harapan ko. Hay nako naman, bakit ganto! Kung kailan ako nagmo-move on saka sya dadating. Waaaah! Bakit!

"Uhmm.. Hinihintay ko s-sila Katy" graah! Natataranta tuloy ako! Di tuloy ako makatitig sa kanya ng maayos. Kasi naman eh! Di na ko makakamove on nito!

"Ah ganun ba, pwede bang dito muna ako habang hinihintay mo sila? Wala kasi akong kasama eh" totoo ba yung narinig ko?! Nako Katy tagalan nyo pa please! Kung pwede lang wag na kayo dumating! Ay jk! Nako nako Pat! Diba magmo-move on ka na sa kanya? Pero ano raw? Wala syang kasama? Eh yung girlfriend nya hindi ba pwede? Na-curious tuloy ako.

"Eh y-yung girlfriend mo? Bat d-di mo kasama?" baka naman break na sila hihi. Yes!

"Huh? Wala akong girlfriend ah" yes! Bigla lumiwanag yung paligid ko. So it means, may pag-asa na ba ako kung ganun? Yehes!

"Joke, ayun nagbabakasyon pa sya" singit nyang sabi. It hurts. Parang naluluha ako na ewan. Pero stop Pat! Tigilan mo yan. Kasi magmo-move on ka naman talaga eh. Diba diba?!

"Uy natahamik ka dyan, gusto mo libre kita?" ay hindi na pala ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa paligid. Hay pag nasasaktan talaga ako, nananahimik nalang ako. Pero tatanggapin ko ba yung libre nya?

"Wag na, nakakahiya" sabi ko sa kanya. Paglingon ko sa kanya, parang nag-frown sya. Hala nagawa pa nito magpacute habang nasasaktan ako.

"Okay lang naman eh, sige na mago-order na ko" nakangiti nyang sabi at tumayo na sya para magorder. Ang pogi talaga ng mga ngiti nya.

Pagkabalik nya, inabot nya sakin yung burger at coke float na in-order nya para sakin. Hay how sweet! Para akong baliw na kinikilig, siguro namumula na ko dito. Nako mahuhulog nanaman ako neto eh!

Napansin kong paparating na sa pwesto namin yung kanina ko pa iniintay!

"Nagde-date na sila, halika ka na nga Hazel" aba baliw talaga 'tong si Katy!

"Oo nga eh at mukhang ang sweet sweet pa nila" kinikilig na asar ni Hazel. Yung totoo? Pinaghintay na nga nila ako lahat lahat tas aasarin pa nila ako?

"Baliw talaga kayo! Kanina pa ko nag-iintay sa inyo! Tas ngayon lang kayo dumating!" naiinis kong sabi sa kanila. Nako pasalamat talaga sila kay Marco, dahil hindi ko sila maleksyunan sa ngayon dahil nakakahiya naman sa kanya.

"Eh mukhang ayos naman na pinagintay ka namin eh!" natatawang sabi ni Katy.

"Kayo talaga, kawawa kaya 'tong kaibigan nyo kanina pa nag-aantay sa inyo" komento ni Marco. Buti alam nyang kawawa ako! Kawawa ako dahil sa kanya! Hindi nya alam, unti-unti akong nasasaktan at nahihirapan na kalimutan sya!

Miss SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon