Chapter 8: Your Friend

8 1 0
                                    

Nang ibinigay ko kay Marco yung number ko, wala pang minuto ay tinext nya na kaagad ako.

+639161014240:

Hi Pat! Si Marco to :)

Labis na uminit ang pisngi ko. Wala pa kaming conversation pero grabe maghuramentado ang puso ko.

Agad kong sinave yung number nya.

Pero bakit nya kaya hiningi ang number ko? Hmm.

Me:

Hello Marco! :) Bakit mo nga pala hiningi number ko?

Pero, message sending failed. Hay! Nako nga naman! Wala nga pala akong load! Bakit naman kung kailan unang nagtext si Marco!

Lumabas ako para magpaload kahit medyo gabi na. Sa unang tindahan na pinuntahan ko walang paload-an. Hay buhay!

Naghanap pa ko ng tindahan. Pero ayun, wala daw silang pang-load sa network ko. Malas naman!

Nakatanggap ulit ako ng text kay Marco.

Marco My Love:

Hey, bakit di ka nagrereply? :(

Ano ba naman yan! Naghahanap pa ko ng palo-loadan eh.

Nang nakahanap na ko ng paloadan ay tinext ko na sya kaagad.

Me:

Hello Marco! Pasensya ka na, wala kasi akong load. Kapa-paload ko lang :)

Agad syang nagreply.

Marco My Love:

Ay ganun ba? Sana sinabi mo sa akin ng napaloadan kita kaagad :)

Uminit yung pisngi ko. Hindi lang ang pisngi ko kundi pati ang buong katawan ko.

Pero paano ko masasabi sa kanya na wala akong load? Eh wala nga akong pantext eh. Pero kinikilig parin ako sa tinext nya. Yung tipong lo-loadan nya pa sana ako.

Me:

Pano ko masasabi sayo kung wala nga akong load diba? Haha!

Gusto ko matagal ang usapan namin.

Marco My Love:

Eh pwede naman sa facebook diba? :) anyway, tawag ako pwede?

Biglang tumibok yung puso ko ng mabilis. Nako Marco! Lagi mo nalang ako pinapakilig!

Pero, teka tatawagan nya ako now? Grabe! Ano pag-uusapan namin?

Me:

Sure :)

Tungkol saan kaya ito pag-uusapan namin? Kinikilig ako!

Marco My Love
Calling...

"Pat! Bumaba ka na dyan at kakain na tayo!" Sigaw ni mommy. Ano ba yun! Wrong timing!

Eto na eh!

"Wait lang! Susunod na lang ako" sigaw ko.

Sinagot ko na yung tawag ni Marco.

"Uhm.. Hello?"

"Nakaistorbo ba ako Pat?"

"Hindi naman"

"Pat dalian mo na't kakain na tayo!" Sigaw ulit ni mommy.

"Talaga? Eh tinatawag ka na dyan sa inyo oh" he chuckled.

"Oo nga eh.. Uhm sige, mamaya na lang"

"Okay. Kain ka na. I'll call you later!" Binaba nya na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon