Chapter 3: Transferee

17 0 0
                                    

"Alexaaaaaaaaaa!!!!"

Grabe naman tumawag si mama! Kala mo 6:30 na!! Nasaan na ba cellphone ko?

Tinignan ko sa ilalim ng unan, wala. Sa gilid gilid ko, wala. Nandun lang pala sa kumot.

"Ohmygoodnessssss!! Shet"

6:31 na. Anyare? Di naman ako ganito magising? Napasarap ata tulog ko. Diretso ako sa cr naligo nako. Ang bilis lang leche naman. Sumubo ako ng 3 beses tapos uminom na ng gatas. Nagtoothbrush at ayun pumasok akong basa ang buhok. Sa tricycle nako nagsuklay.

Hindi na kami nagkasabay ni Nica. Nauna na siguro. Hayyyy nakakastress naman to!! Hndi man lang ako nakapag ayos ng itsura ko!!!

Pagdating ko, dumiretso nako sa tambayan namin. Papunta na sila sa campus para sa flag ceremony.

"Te san ka nagclub kagabi?" Pangaasar ni oliver

"Ewan ko sayo!! "

Tawa naman silang lahat. Nagayos ako konti ng buhok. Tapos dumiretso nadin ako sa line.

"Bakit ang aga mo?" Sabi ni Nica.

"Hm, wow ha. Ewan ko ba bakit. Eh ang aga ko naman natulog kagabi."

"Mamaya na nga kayo magusap. Uso magparticipate." Sabi ni Ella. One of the kontrabida hahaha

So ayun nagparticipate naman kami.

Tumingin nako sa harap.

May isang lalaki akong hindi makilala. Unti unti kong tinitignan. Naghihirapan ako kasi nasa unahan siya sa line.

Yun ata yung transferee. Tumingin ako sa paligid, tinitignan siya nung ibang babae. Gwapo naman kaya? Eh teka, ano bang pakialam ko? Hayy.

Pero nakakacurious. Triny kong tignan pero diko talaga makita. Pero bakit nga ba ako nagpapakahirap? Eh pwede namang mamaya sa classroom? Di ko namalayang tapos na yung Panatang Makabayan sa kakaisip ko dun, nakataas padin right hand ko. Nakakahiya!!!!!!

Nalate na nga, lutang pa!! Badtrip!!!

After flag ceremony, nagpunta na mga students sa kanya kanyang room. Pati kami. Pero nagstop ako sa cr. nagayos lang ako ng itsura ko. Nakakahiya naman kasi diba. Medyo napatagal pa ata ako.

Tumakbo ako room namin. Nakakhiya. Nandun na si Ma'am. Tapos parang may nagawa akong krimen kung makatingin mga kaklase ko.

Nandun yung transferee. Nakatayo.

Gwapo...

Mukhang tao naman..

"Uhm, goodmorning Ma'am. Sorry for interrupting" sabi ko sabay lakad sa dulo para umupo--

"Uhm, Ms. Valdez"

bigla akong napigilan maglakad dahil sa tawag ni ma'am nung nasa part nako na malapit yung transferee.

"Po?"

"Dahil nalate ka, at nainterrupt mo ang ginagawa namin, ikaw ang magtour kay Mr. Vega dito sa school. "

Ohhhh myyy gooodnesss. Is this for real?!

Ano pa bang choice ko?

"No problem po, Ma'am" i fake a smile.

"Uhm, hi, nice to meet you" sabi ko at inabot ko kamay ko kay Ve-d-da? Ve-b-ba? Ha? Ano ba?!

Nakipag hand shake din naman siya at ngumiti.

Dumiretso na ako sa upuan ko. At nagstart nadin magsabi si ma'am ng rules sa room para aware si ve.... Basta yung si veve

"Uuuyyy may sparkssss" bulong sakin ni Yna

"Kuryente ang peg" sabi naman ni Bea at tumawa sila.

"Happy? Ha? Happy kayo?" Sabay snob sakanila. Nakakabadtrip talaga tong araw na to. Simula palang!!!! Hayyy!!!!! Bakit ba ang malas ko ngayon.

Bigla nalang pumalakpak sa harap ng mukha ko si Telle.

"Bakit?!" Sabi kong iritang irita

"Kanina kapa tinatawag ni ma'am oh!!"

Tumingin ako kay Ma'am di ko namalayang tinatawag niya ako.

"Yes ma'am?"

"Okay ka lang Lex?" Tanong ni Ma'am

"Ah, opo. Sorry po."

"Start kayo nag tour, after recess. Wala namang gagawin. So yun ang time nyo sa pagtour. Para wala naring masyadong tao sa campus."

"Okay po ma'am"

"Okay class, I'll leave you for a minute. Do whatever u want. Just make sure you won't go outside. And don't make too much loud noises."

At ayun nagkanya kanya na silang buhay. Nakita ko yung mga boys na tropang gaming ba yun, if that's what they call their group, kausap na nila si Ve.. Ve? Whatever. Buti naman. At nang di siya magmukhang tanga.

Yung ibang girls naman, oa tumitig. Kala mong Zac Efron yung kaharap nila.

Etong si Tricia naman, oa din. Sarap ikaladkad. NapakaOa. Kung nakatawa kala mong wala nang bukas, may standing ovation pa at palo sa desk. Hindi naman siya papansin, medyo lang eh no namamawis lang naman kili kili niya sa kakagalaw ng oa.

Hayy bakit ba ganito araw ngayon? Nakakainit ng dugo!!

"Hoy, ano nanaman ba iniisip mo? Dito ka nga! Makisama ka samin." Sabi ni Nica.

Lumapit naman ako at ayun. Nagkwentuhan. Naglaro kami ng ibang games. Hanggang sa magring na yung bell. Meaning recess na.

Ewan ko. Parang naiinis akong recess na. Kinakabahan akong matapos na yung recess. Hayyy nako!!!!!!!!!

KILL ME NOW.

It's Impossible: I still love my exTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon