Chapter 6

16 0 0
                                    

Nagsimula ang araw ko ng normal. Pumasok ako sa school, umattend ng flag ceremony, nakipagdaldalan, nagtawanan, nagharutan, pero hindi nawawala sa isip ko kung sino yung katext ko kagabi. Kaya sinimulan ko nading ikwento kay Bea..

"Bea, alam mo ba may nagtext sakin kagabi. Kaso number lang."

"O, sino daw siya?"

"Ewan ko eh. Ayaw magpakilala."

"Hayaan mo na yun, nanggu-goodtime lang yun."

"Pero hindi eh. Nasa kanya yung panyo kong nawawala kahapon."

"Huh? Paano?"

"Sabi niya kasi ang ganda daw ng personalized kong oanyo. Eh diba yung collection kong panyo may letter 'A' na nakalagay."

"Aba, lakas maka stalker ah!!" Gulat naman ako sa pagsingit ni Yna.

"Stalker agad? Ang creepy naman!"

"Ano ba number? Baka kilala ko?"

Close kasi si Yna sa lahat. Pero minsan talaga sumasagap lang siya ng mga chismis. Binigay ko naman yung number. Tinignan niya sa cellphne niya. Nakakapagdala pa kasi kami ng phone dahil hindi pa regular class.

"Wala sa akin eh."

"Baka may gumamit ng ibang number?" Sabi naman ni Bea.

Itatanong ko sana sa iba kaso dumating si Ma'am Bartolome. AP teacher namin.

"Hello class, goodmorning!"

"Goodmorning ma'am" sabay sabay naming sabi.

Lahat na ng atensyon, napunta sa kanya. Favorite kasi siya ng lahat pano jolly at friendly sa students. Minsan lang strict.

Nakikipaginteract siya sa buong klase. Pinupuna yung mga pagbabago sa itsura namin. Hanggang sa napansin niya mga transferee.

"Oh, we have new faces pala oh. Introduce niyo sarili niyo. Ikaw muna iha." Sabay turo niya sa bagong babae.

"Goodmorning po. I'm Lovely Madrid. I'm from Royal High Academy."

"Okay, so kamusta ang first day?"

"Okay naman po Ma'am. Medyo nagaadjust parin po, pero nakakaya naman po."

"That's good. Nice to see you here, Ms. Madrid. Eh ikaw naman iho, introduce yourself."

"Goodmorning po ako po si Lenard Gomez. "

"Yun na ba yun iho wala na bang mas hahaba? Okay so how's your first day?"

"Okay lang po."

Ang weird netong taong to. Kaya nabubully eh.

"May friends na?"

"Wala pa po ma'am"

Bigla naman bumulong sakin si Telle
"Paano magkakafriends eh ang weird."

"Ang sama mo talaga" natatawa kong sabi kay Telle.

"Make friends iho. Eh ikaw, last one. Stand up please" sabi ni ma'am

"Goodmorning. I'm Lexter Vega. I'm from Manila."

Yung iba namang girls naging oa na sa pagtitig. Napansin ko din pati si Telle nakatitig habang nagsasalita si Lexter.

"Seriously?!" Sabi ko saknya.

"Why? What's wrong?!" Nagpapatay malisya niyang sagot.

Inisnob ko nalang siya at tumingin ulit kay Ma'am.

"Okay, looking good. So meron nang friends?" Tanong ni Ma'am kay Lexter.

"Ah, yes ma'am. Eto pong mga boys." Sabay turo niya sa mga katabi niyang sila Jay. Nagcheer naman sila Jay na parang proud sa sarili nila.

It's Impossible: I still love my exTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon