Chapter 1: Friendship

17 1 0
                                    

Aibee's POV

"Aibee, gising na at tanghali na!"

Ma, maaga pa po! Saka wala naman akong pasok ngayon. Pailing kong sagot kay mama. Kinuha ko ang unan sa aking paanan at ginamit ko itong pantakip sa mala tilaok na manok nyang sigaw.

"Sabi mo gigising ka ngayon para magexercise?" Hay, ito na naman si mama paulit-ulit na parang sirang plaka. Actually aminado naman ako sa sarili ko na ganto ang sukat ko, wala namang problema sa akin yun eh. Hindi naman lahat ng tao maayos ang katawan ah, swerte ka na lang kung may korte o abs nyang katawan mo, kaya bakit pa ko mamomoblema?

Bukas na lang po, tinatamad pa ako ngayon.

"Nako ikaw talagang bata ka hindi na natapos yang bukas mo! Bumangon ka na at kumain dito" kaya nga may kasabihang tomorrow is another day! Haha sa totoo lang nang maulinigan ko ang sinabi ni mama, hindi na ko nagkuling idilat ang aking mga mata. Aba sino ba naman ang mabubuhay ng walang pagkain?! Kaya nagdali-dali akong naghilamos at bumaba.

What's your specialty for today, ma? Palambing kong pagkakasabi habang papaupo sa hapag-kainan.

"Syempre ang favorite mong tapsilooog" Mapapasabak na naman ako gera nito.

Nagsosolo akong anak kaya bukod kay papa sa akin lang nakatutok ang atensyon ni mama kaya nga rin ako lumaki ng ganito eh. Sabagay, ang sarap kaya magluto ng nanay ko. Sino ang hindi gaganahan kumain sa kalagayan ko. It's not my fault, It's my mother's fault. Haha Habang sumasalang ako sa gera, biglang tumawag ang kaibigan kong si nikki.

"Aibee, maaga kang pumasok ngayon ha! Pakopya tuloy ng assignment" as expected. Magugulat pa ba ako sa kaibigan kong masipag.

Alam mo ikaw, hindi ka na nagbago! Ang galing mo talagang umasa sa akin. Muntik na tuloy akong mabulunan sa kinakain ko.

"Sige na, magkita na lang tayong tatlo mamaya nila Elice sa tamabayan" sabay baba ng tawag.

Nako, jusko kumukulo talaga dugo ko. Sakit nya na yan, pagkatapos sabihin yung kailangan saka biglang ibababa. Kung hindi ba naman bastos eh. Kung hindi ko lang sila mga kaibigan baka matagal ko na silang pinabayaan. Bukod sa kanya si Elice lang din ang naging kaibigan ko sa campus kaya ganun na lang kami kaclose. Si Nikki, ang manang, down to earth at walang pakielam pagdating sa love kaya siguro nbsb din sya katulad ko. Haha ang pinagkaiba lang namin, masyado lang akong sexy kaya mga nahihiyang manligaw sa akin ang mga kalalakihan. Habang si Elice naman ang mahinhin, maganda at mukang anghel sa aming tatlo. Magkakaiba man kami ng ugali at pananaw sa buhay hindi ito naging hadlang para magkasundo kami sa mga bagay-bagay kaya okay lang sa akin na sila lang ang mga kaibigan ko eh, atleast alam kong totoo sila.

Ma, tapos na kong kumain! Salamat sa pagkain!

"Osige anak, maligo ka na at gumayak baka malate ka pa."

Pagka-alis ko sa hapag-kainan, Naligo na agad ako at nagbihis para pumasok. Nasa subdivision kami kaya medyo malayo pa ang lalakarin ko. Gusto ko mang sumakay sa tricycle kaya lang karamihan sa kanila nilalagpasan lang ang isang dyosang katulad ko. Ewan ko ba sa kanila. Haha

Maaga akong nakarating sa campus kaya dumaan muna ako sa canteen para bumili ng pagkain. Nang papunta na ko sa tamabayan nakita ko na silang nakaupo doon kaya nagdali-dali na akong naglakad. Habang inilalapag ko ang mga nagawa kong assignment sa lamesa may grupo ng kalalakihan ang dumaan sa aming harapan.

"Hi Miss, ang ganda mo naman."

Alam ko, kaya lumayas na kayo sa harapan ko. Hay nako, kailangan pa bang sabihin yun. Maski ako alam ko sa sarili kong maganda ako no.

"Oy balyena! wag kang epal. Yung babaeng katabi mo yung sinasabihan namin." Natingin ako kay Elice nun, sakto nakatingin din sya sa akin na para bang ipinahihiwatig na wag ko na lang patulan.

Oy din! Ang kakapal nyong sabihin ako ng balyena, tignan nyo nga mga itsura nyo mga muka kayong bisugo! Ngayon pa lang lumayas na kayo bago kayo makatikim ng kamao ko! Pinakita ko sa kanila ang mala batista kong braso kaya wala pang isang minuto nakalayo na agad sila sa amin.

Ang dami talagang pagala-galang cast ng spongebob square pants dito ano? Buti na lang hindi ako masyadong nagpapaapekto sa mga ganyan. Kaya kayong dalawa think positive para naman hindi kayo nabubugnot sa buhay nyo.

Elice's POV

Madalas na akong makaexperience ng mga ganyan tuwing nasa campus kami, kaya nasanay akong wag na lang pansinin. Ewan ko nga dito kay Aibee ba't napakapatola. Kung yung iba ampalaya, siya naman patola. Actually nahiya na nga yung patola sa dami ng pinatulan nya kapag may umaaway samin o may tumutukso sa kanya pero kahit kailan di ko pa sya nakikitang umiyak. Siguro dahil na rin sa positive outlook niya sa buhay. Kahit na marami lumalapit at nagpapakilala sa aking lalaki, wala parin talaga akong natitipuhan sa kanila siguro dahil narin sa hindi ko maamin na mahal ko pa yung ex ko kahit matagal na kaming wala at ako pa ang may kasalanan.

Nagbell na sa campus kaya inaya ko na silang pumasok sa room sakto at tapos nadin gumawa ng assignment si nikki.

Tuwing dumadaan kami sa corridor, hindi namin maiwasan na hindi makarinig ng mga komento sa mga taong dumadaan. Kesyo ano daw ba ang pinakain sa akin nila nikki at kinaibigan ko sila. Oo, aminado akong nakakaangat ako sa kanila pero hindi ko pinaramdam sa kanila yun. Hindi naman sa looks nakikita ang pagkakaroon ng tunay na kaibigan diba?

Natapos ang buong araw namin ng walang pagkakaiba sa mga nakaraang araw. Uwian na kaya nagpaalam na ko sa kanila.

Guys, mauna na ako sa inyo ha. Ingat kayo!

" Sige Elice. Usap na lang mamaya." sagot ni nikki. Kinuha ko ang gamit ko then sabay sakay sa kotse.

Napabuntong hininga ako habang naiisip na pauwi na naman ako sa bahay. Seriously hanggat maari ayokong umuwi ng bahay dahil maabutan ko lang sila mom and dad na nagaaway. Halos hindi na nga natatahimik ang mundo ko sa bahay pag nandoon silang dalawa mas mabuti pa ngang hindi sila nagsasama eh.

Nang dumating ako sa bahay, as expected nagaaway na naman sila about sa business. Sa labas pa lang rinig ko na si mom na sumisigaw.

"Palibasa wala kang kwenta! Kaya pati mga clients natin umaatras ng dahil sayo! I don't know kung anong gagawin ko sayo!"

Pagopen ko ng door, pumasok na agad ako sa kwarto and tulad ng inaasahan ko, hindi na naman nila akong napansing umuwi ng bahay. Lagi na lang si Yaya Maria ang nagaasikaso sa akin pag dumadating ako. Madalas natatanong ko sa sarili ko na ba't pa kaya ako nagkaroon ng magulang kung parang wala din naman.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Umpisa pa lang to, so dont expect too much. Hihi
Magpapasalamat na ko sa mga magiging unang readers ko! ^^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Everything for a reasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon