Kabanata 1
"Wala pa ring balita sa ate Bella mo, anak," malungkot na balita ng Tatay ni Gie sa kanya nang umuwi ito galing ng OWWA.
Bumagsak ang mga balikat Gie. Limang taon na magmula nang mag-abroad ang ate Bella niya. Nakipagsapalaran ito bilang physical therapist sa New Zealand, pero anim na buwan pa lang ito roon ay nawalan na sila ng komunikasyon.
Ang sabi ng tiyahin niya ay baka iniwan na sila ni Bella sa ere dahil pagod na raw itong magpadala ng sustento, pero kilala ni Gie ang ate Bella niya. Hinding-hindi nito iyon gagawin sa kanila. Alam din naman nitong kahit hindi ito magpadala, basta ligtas ito ay ayos na sa kanila. Ni minsan ay hindi sila nag-demand na maging bread winner ito dahil alam nilang may sarili rin itong mga pangarap.
Isa pa, hindi sila mabigyan ng tamang eksplinasyon ng agency at ng embassy. Dapat matagal nang nag-renew ng contract ang ate niya kung totoo mang okay lang ito sa New Zealand, pero bakit walang maibigay na matinong sagot ang agency tuwing iyon ang tinatanong nila? Naging doktor na siya't lahat, ni anino ng ate niya ay wala siyang nakita.
If only she bombarded the embassy with questions in the first two months that her sister wasn't responding to them, kaso hindi. Nanalig siya masyado na bumigay lang ang cellphone nito dahil luma na at wala silang ibang means para ma-contact ito.
Dapat nagtaka na siya noong dumating ang pera sa kanila dala ng hindi nagpakilalang lalake. Pero ano ang ginawa niya? She packed her bag ang went to Sweden to do the interview. Hinintay niya pang lumipas ang isa pang buwan bago siya gumawa ng paraan. Baka kung siya ang nasa posisyon ng ate niya, isang araw pa lang siyang hindi natatawagan ay kinakalampag na nito ang embassy.
She feels like a terrible sister.
Naupo ang Tatay niya sa sofa at ihinilamos ang palad sa mukha. "Natatakot ako, anak. Baka nga napagod talaga ang ate mo sa pagpasan sa responsibilidad ko. Kung sana hindi ako na-stroke bago ka nagtapos ng nursing, hindi sana ganito. Hindi sana pinili ng ate Bella mo na makipagsapalaran sa banyagang bansa."
Gie sighed. "Tatay naman, hindi ba ilang beses ko nang sinabi na hindi gano'n si ate? Mahal niya tayo. Hindi siya nawalan ng contact dahil lang napagod siya."
Malamlam ang mga mata itong bumaling sa kanya. "Pero sana, anak, ganoon na lang dahil parang hindi ko kakayaning tanggapin ang sinabi ng ninang Joyce mo na baka napatay ang ate mo roon nang walang nakakaalam."
Gie looked away as she swallowed the lump in her throat. Iyon din naman ang ikinakatakot niya nang husto kaya lang ay hindi niya talaga tinatanggap. Her sister is her bestest friend. To think of her dying in a foreign place without anyone holding her hands in her darkest moments, scared the hell out of Gie.
She pursed her lips tightly as she shoo away the painful thought. No. Buhay ang ate Bella ko. . .
Humugot siya ng malalim na hininga bago pa tuluyang tumulo ang kanyang mga luha. "Magpahinga ka na muna, 'Tay. Ang laki na masyado ng ibinagsak ng katawan mo. Maghahanda na rin ho ako para makapasok sa trabaho."
Tanging tango na lamang ang isinagot ng Tatay niya bago ito pumasok sa sarili nitong kwarto. Nang sumara ang pinto ay maingat siyang lumapit, at gaya ng inaasahan, narinig na naman niya ang pagtangis nito dahil sa ate Bella niya.
She sniffed and wiped her tears. Diyos ko. Kung may paraan man para mahanap ko ang ate ko, kahit gaano pa kapeligro ay gagawin ko.
"DOKTORA Florencia?" tawag ni Doc. Alaric kay Gie habang nagra-rounds siya sa surgery ward.
She removed her stethoscope. "Yes, Doc?"
"May I have a word?" seryoso nitong tanong.
She swallowed the pool of saliva in her mouth before she nodded. Ibinigay niya ang records sa nurse na kasama niya saka siya sumama kay Doc. Alaric patungo sa opisina nito. His son, Silver was there, playing with some toy medical stuff. The four-year-old boy looked at Gie and waved his hand before he continued nursing his cat.
"Take a seat," Doc Alaric said. "Mag-usap muna tayo bago dumating ang nais kumausap sa'yo."
Kumunot ang noo ni Gie. "Tungkol ho saan? May kapalpakan ho ba akong nagawa?"
He sighed. "Wala, Gie. You are one of the best in your batch. May nakarating lang sa akin na mahalagang balita at. . . nakaaalarma."
Umayos siya ng upo. "About what po, Doc?"
Tumingin si Doc Alaric sa yaya ng anak nito. "Martha, pakilabas mo muna si Silver. May pag-uusapan lang kaming importanteng bagay."
Tumango ang yaya bago na inakay ang paslit palabas. Nang sumara ang pinto ay tumikhim sandali si Doc. Alaric.
"Totoo ba na limang taon na mula nang mawalan kayo ng komunikasyon sa kapatid mo?"
Her brows furrowed. "Paano po ninyo nalaman ang tungkol sa ate ko?"
He removed his glasses then sighed. "Someone came to visit me yesterday, asking if you're working at my hospital. Kailangan daw ang tulong mo. Ang sabi ay tungkol daw iyon sa kaso ng ate mo." He leaned on his swivel chair with a worried look on his face. "He was a friend of mine back in the days. I know he's reliable."
Napatuwid ng likod si Gie. "Ng ate ko, Doc? May balita na ba ang embassy? Ang OWWA? Kumusta raw po siya?"
"Hindi ko alam ang buong detalye, Gie, pero hindi taga-Embassy o OWWA ang taong lumapit sa akin." She saw his adam's apple bobbed up and down. "Lionel Shault is a special agent from a secret intelligence. They are the ones handling major threats and huge cases involving mafias, terrorists and deadly syndicates."
Parang tumigil yata ang tibok ng kanyang puso. Mafias? Terrorists? Deadly syndicates? Where the hell is this conversation heading?
"A-Ano ho ang. . . kinalaman ng kaso ng kapatid ko sa mga nabanggit ninyo?" nagawa niyang itanong matapos maiproseso ang mga narinig.
Lumamlam ang mga mata ni Doc Alaric. "According to agent Shault, your sister is under the care of a former mafia member named Trojan Lindstrom. They need you to find out whether his older brother can be trusted and is capable of helping them track down Trojan Lindstrom. I guess you need to convince him as well, in case he'd refuse to cooperate since he was captured because of his brother's betrayal."
'Lindstrom? Saan ko nga ulit narinig ang apelyidong iyon?' tanong niya sa kanyang isip.
As if Doc Alaric sensed her confusion, he pulled out a file from the drawer, opened it, and then pointed a familiar mug shot.
Muntik na yatang tumalon palabas ng kanyang dibdib ang kanyang puso nang mapagtanto niya kung sino ang lalakeng nasa larawan. Kumurap pa siya ng ilang beses, umaasang magbabago ang mukha ng taong nasa mug shot ngunit hindi. It's still that guy!
"Iyan ho ang. . . sinasabi ninyong kapatid ng taong may hawak sa ate ko?"
"He is, Gie. Alyzander Lindstrom AKA Gresso." Doc Alaric sighed. "And Trojan Lindstrom betrayed him to save your sister from him. . . "
BINABASA MO ANG
VIGILANTE HEARTS SERIES 2: Sweet Suicide (Exclusive In The VIP Group)
Ficção GeralGie knew joining the team of interns who will interview the notorious criminals in the supermax would be suicide, but in order to secure a scholarship in her dream medical school, she bravely packed her bags and went straight to Sweden with no other...