Kabanata 9

545 10 0
                                    

Kabanata 9

Gie flashed a shy smile at him. "Happy birthday, Gresso."

She swears she saw his eyes turn red but he immediately looked up. Umigting ang panga nito at gumalaw ang adam's apple. Ilang segundong gano'n, at nang tignan ulit siya, tinatago na nito ang maliit na kurba sa mga labi.

"W—Why is Batman sitting on my cake? Do I look like a kid to you?"

Oo. Gusto niya sanang sabihin dahil sa asta nito minsan pero hindi naman iyon ang rason kaya lang ay tinikom na lamang niya ang kanyang bibig. She'll keep her reason to herself.

Tinaas niya pa nang kaunti ang cake. "You admitted that you're such a baby so shut up. Blow the candle after making a wish."

Sandali itong hindi kumibo, nakatitig lang sa kanya at tila may nais pang sabihin ngunit nang ibuka ang bibig, hindi lumabas ang mga salita. He sighed and rubbed his palm ang his face before he let out a soft chuckle.

"You really are something, Doc."

Bumilis ang tibok ng puso ni Gie nang hawakan nito ang mga kamay niyang may hawak sa cake. Sandali itong pumikit. Hindi tuloy niya naiwasang pagmasdan ang mukha nito.

His lashes are long and thick. Nakakainggit dahil lalake ito. Maybe that's why his eyes look enthralling when piercing her. Ang kilay, makapal at kalat sa parteng patungo ng ilong. Bumagay sa mga mata nitong dark brown ang kulay. That nose of his, pointy and narrow, and his jaw and lips just completed the package. Halos hindi na papansinin ang burn scar niya sa pisngi na umabot sa leeg.

She also noticed some small moles on his face. May isa sa kaliwang pisngi, sa baba ng mata. May isa rin sa noo at isa sa sulok ng mata. Masyadong maliit na parang mantsa na lamang sa maputi nitong kutis.

She wonders what he's wishing for? Para pa rin kaya sa kapatid nito o sa pagkakataong ito, para naman sa sarili?

Gresso opened his eyes and blew the candle. Nang tignan siya, bahagyang namula ang pisngi na tila nahiya kaya nang agawin ang cake sa kanya ay hindi na siya nagprotesta.

Kinuha na lamang niya ang hinanda niyang saucer at tinidor pati ang bread knife. Siya na ang naghiwa ng cake para rito.

"You're still not saying it." Bigla nitong sabi.

Sandali niya itong nilingon sak siya bumuntong hininga. "Fine. I'm sorry. Are we good now?"

Nagpigil ito ng ngiti kahit ang mga mata ay tumingkad. "Nah. Maybe I'll think about it first. You broke my heart and you should feel guilty for causing me pain when you're supposed to heal people." Gresso pointed himself. "When I said people I mean me. You became a doctor because of me anyway so I am people."

Napairap sa kawalan si Gie. Pabebeng feelingero talaga ito.

Sasagot sana siya rito nang bumukas ang pinto at pumasok si Dr. Ysiah. Umayos siya ng tayo at binati ito agad.

Ngumiti sa kanya si Ysiah ngunit nang balingan si Gresso ay naglaho ang kurba sa mga labi ng kanyang kasamahan. Tumikhim ito sandali at muli na lamang siyang tiningnan.

Nilingon niya sandali si Gresso ngunit nang makita niyang naniningkit na naman ang mga mata nito kay Ysiah ay mahina niyang kinurot ang braso nito upang sitahin pero hindi nagpatinag.

Umiling na lamang siya at nag-slice ng cake para kay Ysiah saka binigay dito. "Have some."

"Wow. Perfect timing. I'm starving." Nakangiting sabi ni Ysiah at akmang magsusubo na ng piraso nang magsalita si Gresso.

"Yeah. Help yourself, motherfucker. Have a piece of this cake she bought for me, hmm? For me, skunk."

"Gresso!" Pinandilatan ito ni Gie ng mga mata ngunit inirapan lamang siya. Mayamaya'y binuhat nito ang cake sa isang kamay kasama ang tinidor at walang anu-anong hinablot ang kamay niya upang kaladkarin siya palabas.

VIGILANTE HEARTS SERIES 2: Sweet Suicide (Exclusive In The VIP Group)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon