Kabanata 3

986 92 21
                                    

Kabanata 3



"Didn't you hear me?" Gresso pressed his baseball bat on Ysiah's forehead. "I said keep your fucking hands to yourself--"

Ganoon na lamang ang naging panlalaki ng mga mata ni Gie nang bumulagta sa sahig ang nangingisay na si Gresso. The guards tased him on his back, making him shake on the ground like a dying worm. Halos hindi naman siya makakibo at ang mga labi ay umawang dala ng gulat habang si Ysiah ay bumungisngis ng tawa.

"Ah, tangina nangisay," tumatawang sabi ni Ysiah kaya kinurot niya ito sa tagiliran upang sitahin.

"Bozz Grezzo!" Tumalungko sa gilid ni Gresso ang patpating lalakeng kasama nito. "Arr you okay, Bozz Grezzo?"

Gresso groaned as he threw a sharp gaze at the guy. "Do I look okay to you, Frenchie?" He sighed and tried to get up. Hinihingal pa't halatang iniinda ang sakit ng likod ngunit nagawa pa ring titigan nang matalim ang mga gwardya. "How dare you ruin my fucking reunion with my doctor, hmm?"

Akmang babanatan ni Gresso ang mga gwardya nang muling tumama ang taser sa likod nito. Gresso fell on the ground, shaking and nearly sweating because of so much pain. 

Bumungisngis muli ng tawa si Ysiah. Mayamaya ay nagpunas ito ng gilid ng  mga mata saka siya sinipat sa kanyang braso. "Ah, five minutes at the supermax and you already got the attention of one of the craziest inmates." He sighed, grinning. "Looks like you gotta brace yourself, Gie."

Bumuntonghininga siya bago niya muling tiningnan si Gresso, ngunit napansin niyang matalim lamang itong nakatitig kay Ysiah kaya bago pa man nito nagawang bumangong muli ay halos ipinagtulakan na niya si Ysiah paalis.

Nang makarating sila sa clinic ay halos mahilot ni Gie ang kanyang noo. Ano ba namang klaseng welcome party iyon? Binungaran na nga siya ng riot, ganoon pa ang nangyari kay Gresso. Diyos ko, pakiramdam niya ay didiretso siya ng mental pagkalabas niya sa lugar na 'to!

Gie sighed. Nakangisi naman siyang inabutan ni Ysiah ng baso ng tubig, at nang makita nito ang pagsimangot niya ay muling bumungisngis ng tawa. 

"Come on, Gie. That was fucking hilarious!" ani Ysiah kahit wala pa siyang sinasabi.

"Why? What happened?" Zinc asked while holding a bag of potato chips. 

Bumaling kay Zinc si Ysiah. "You know Lindstrom, right?"

"The one who nearly choked me to death when he saw me here because he was expecting Gie?" Ngumuya ito ng chips. "Of course, I know that psychopath."

Nahilot ni Gie ang kanyang sintido. "Okay, first of all, how did he even know I was coming?"

"The warden told him," sagot ni Ysiah. "Apparently, he's been trying to get your number from the warden a year ago but of course, the warden can only get in touch with the people who organized your visit before."

Natigilan siya. A year ago? Right after she finished med school? Why? Dahil ba naniwala ang mokong na iyon na pagkatapos niyang mag-aral ng pagdodoktor ay babalik talaga siya rito? 

Kung ganoon ay siraulo pala talaga ang lalakeng iyon para mag-abang uto ng apat na taon at asahang darating siya pagkatapos niyang makuha ang lisensya niya. Kung hindi nga lang kailangang mahanap ang ate Bella niya, hindi naman siya tatapak ulit sa lugar na ito.

"Well, if Gresso is waiting for you then that should be a good thing, right? Mapapadali ang misyon mo, Gie," ani Zinc bago in-offer ang paubos na nitong bag ng potato chips. "Want some?" 

She sighed before she shook her head. "No, thank you. I don't think magagawa kong kumain ngayon at sa mga susunod na araw."

Ysiah grabbed a file from the drawer. "Binilin ni Agent Lankova 'to no'ng tumawag kanina pagkaalis mo ng airport. Ni-re-request mo raw ang complete file ni Gresso Lindstrom. Just make sure that you will read it when no one is around."

Tumango siya at sandaling nag-inat. "Saan ang magiging silid ko?"

"Come with me," he said.

Kinuha niya ang file at niyakap saka siya sumunod kay Ysiah. Hila-hila pa rin nito ang maleta niya hanggang sa nakarating sila sa left wing kung saan may dalawang silid na magagamit. 

"Zinc and I are staying in this room. Ikaw na diyan sa isa. Always make sure that you lock your door properly before you hit the bed."

"I will." Sinilip niya ang kanyang wrist watch. "Maliligo muna ako. Rerelyebo ako kay Zinc after thirty minutes."

"I'll wait for you at the clinic then. Kailangan din kami ni Zinc sa hospital mamaya."

Kumunot ang kanyang noo. "Hospital? Bakit?"

"May itinakbong preso noong isang araw. Bali ang buto sa tadyang. 'Yong na-confine naman last month, binawian na raw ng buhay kanina kaya kailangan naming asikasuhin ni Zinc ang papeles."

"Dahil ba sa riot?"

Nagkibit-balikat si Ysiah. Nalunok naman ni Gie ang sarili niyang laway. Mukhang marami siyang mae-encounter sa lugar na ito na hindi niya basta masasaksihan kung saan. Sana lang ay buhay pa siyang makalalabas ng supermax kung hindi ay kawawa naman ang Tatay niya.

Nagpaalam na siya kay Ysiah. She took a quick bath to freshen up a bit before she went back to the clinic. They did a turn over before Zinc and Ysiah left. Nang siya na lamang mag-isa ang naiwan sa clinic ay kinuha niya ang pagkakataon para i-review ang files ni Gresso na nakarehistro sa computer database ng clinic.

NAME: ALYZANDER "GRESSO" LINDSTROM
DATE OF BIRTH: NOVEMBER 29, 1990
BLOOD TYPE: B+
PARENTS: DECEASED

Nasa basic info pa lamang siya ng file ni Gresso nang bumukas ang pinto ng clinic. She immediately exited the file before she stood up. Dalawang jail guard ang may buhat sa isang lalakeng duguan ang ulo at walang malay, at nang maihiga ang lalake sa clinic bed ay nagsalubong kaagad ang kanyang noo nang makilala niya kung sino preso.

"What happened to him?" tanong niya sa jail guards.

"We don't know exactly. I think he hit his head or something after all the inmates were brought back to their respective cells," sagot ng isa sa mga gwardya.

She jerked her head. Sinabihan na lamang niya ang mga ito na siya na ang bahala kay Gresso kaya lumabas na ang dalawa ng clinic, ngunit pagkasara ng pinto ay ganoon na lamang ang gulat ni Gie nang iminulat ng nagtutulog-tulugang si Gresso ang mga mata nito saka nito ibinangon ang itaas na katawan. 

Muntik na siyang sumigaw ngunit mabilis na tinakpan ni Gresso ang kanyang bibig saka ito sumenyas na huwag siyang maingay. 

"It's not like I'm gonna hurt you." He smirked. "I could never harm my doctor, can I?"

Inalis niya ang kamay nitong nakatakip sa bibig niya. "What do you want?"

"Relax. I hit my head so I can give you my graduation gift."

Natigilan siya sa narinig. "Your. . . graduation gift?" Gie swallowed the pool of saliva in her mouth without breaking their gaze. "What is it?"

Th curve on his lips became devilish as he grabbed her hand and made her hold the large thing inside his pants, right between his thighs. "This. . . "

Uminit nang husto ang kanyang pisngi at ang mga mata niya ay naningkit dala ng matinding galit matapos mapagtanto kung ano ang ipinahawak nito sa kanya. 

"Gago!"

VIGILANTE HEARTS SERIES 2: Sweet Suicide (Exclusive In The VIP Group)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon