Chapter 18

6K 168 16
                                        

Inaantok pa talaga ako pero pilit ko yun nilalabanan para naman may makausap si Kevin. Baka kasi antukin sya habang nagmamaneho, mahirap na. Kung ano-ano nalang ang mapagkwentuhan namin. Pati si Doraemon, son Goku, Sakuragi at Naruto ay nasali sa usapan. Masarap naman kausap si Kevin, hindi ka maiinip sa kanya.

Nasa 70-80 kph lang ang takbo namin. Maganda ang byahe dahil wala pa gaanong sasakyan sa lansangan.

"Mark... ilang beses kana napunta ng Baguio?"

"Three times palang."

"Kelan yung huli?"

"Halos tatlong taon na."

"Sino naman kasama mo?"

"Si Mariel... nung nagrereview sya for her board exam."

"Swerte ni Mariel sayo noh."

"Swerte din naman ako sa kanya."

Hindi na sya kumibo kaya minabuti ko ng baguhin nalang ang usapan.

"Ikaw ba ilang beses ka na napunta ng Baguio?" tanong ko sa kanya.

"Once."

"Once?! Nagbibiro ka ba? Alam mo naman daan papunta dun?"

"Madali lang yun."

"Kelan ka ba huling napunta ng Baguio?"

"Nung bata ako, mga 10 years old."

"Ano? Baka naman sa Batanes tayo mapunta nyan."

Nakuha pa nyang matawa sa lagay nayun.

"May map naman tayo. Binili ko sa National bookstore. Three days ko yung pinag-aralan."

Ano kaya palagay ng Kevin nato? Parang nung unang panahon lang... parang sila Magellan at Columbus, compass at mapa lang ay makakapaglayag kana.

"Sige ikaw na bahala. Kahit saan tayo mapunta okey lang. Kahit sa South China Sea pa."

"Ikaw naman wala ka kasing kabiliv-biliv sakin eh. Basta ako bahala sayo."

Pag tungtong namin ng Pangasinan, almost six o'clock na nun, pasikat na ang araw, dun na kami nagsimulang magtanong-tanong sa bawat mahintuan namin. Kung kanina medyo mabilis ang byahe ngayon mabagal na kasi panay ang tingin namin sa mga signage sa daan. Ilang beses din kami huminto para buksan ang mahiwagang mapa ni Kevin. Hindi naman kahirapan yung daan paakyat ng Baguio kasi tuloy-tuloy lang yun. Puro national high-way lang ang babagtasin mo. After almost two hours sa wakas nakalabas narin kami ng Pangasinan. Sa Marcos high-way na kami dumaan dahil mas safe daw dun, mas maluluwang ang mga daan.

Exactly nine o'oclock nasa Baguio na kami. Naghanap muna kami ng makakainan. Syempre sa Jolibee ulit. Ang dami namin inorder at yung iba take-out nalang. After that we decided to go to church. Cathedral yung pangalan ng simabahan kung hindi ako nagkakamali. Yung famous church ng summer capital, malapit sa SM Baguio. Basta dun yun. Nag-research daw kasi sya ng mga lugar na pwedeng puntahan sa Baguio. Ilang beses ulit kaming nagpahinto-hinto para magtanong. Buti nalang hindi pa kami naliligaw.

Pumasok kami sa loob ng simbahan. Sa gilid kami dumaan. Kakaunti lang ang tao sa loob kaya sa bandang dulo kami pumwesto. Magkatbi kami, tahimik lang at nagmamasid-masid. Saglit lang kami duon at agad narin kaming umalis. Dumaan kami sa SM Baguio para bumili ng pagkain namin sa bahay. Isa pa magluluto daw sya ng adobo mamaya para sa dinner namin. Mga one hour lang ang tinagal namin duon at umalis na agad kami.

Naghanap-hanap kami ng bahay sa paligid ng Burnham Park. Mas gusto daw kasi nya ng isang buong bahay na ma-rerentahan kaysa sa hotel.

Inabutan na kami ng ulan sa paghahanap ng bahay. Sobrang lakas ng buhos ng ulan. Wala pa naman kaming dalang payong. Wala din daw nadalang jacket or kahit anong panglamig si Huget para sa amin dahil summer na summer pa naman sa Pampanga nung umalis kami. Halos walang makita sa daan kaya nagpasya kami na pumarada muna sa isang gilid malapit sa park. Hintayin muna namin na tumila ang ulan.

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon