Mahigit isang taon na ang lumipas.
Naging isang kilometro lang ang pagitan ng Manila at Pampanga sa kanya.
Ganon parin siya... ganon parin kaming dalawa. Kakaiba parin ang mga trip.
Lagi parin siya dumarating sa hindi inaasahang oras. Bigla nalang sumusulpot sa bahay. Nagagawa pa niyang umabsent at mag-cutting classes para lang makauwi ng Pampapanga.
Minsan nga, biglang dumating yun sa bahay ng dis-oras na ng gabi. Wala lang. Trip trip lang.
~~+~~
Malakas ang buhos ng ulan. Kanina pa ako naghihintay. Hindi ako mapakali.
"Mark anak, okey ka lang?""Katagal eh. Hindi pa nagrereply."
"Tawagan mo na kaya."
"Wag na po. Baka on the way na yun."
Pagkalipas ng isang oras...
"Anong petsa na. Akala ko ba ala una.""Sorry."
"Nako."
"Hahaha.."
"Bakit ngayon ka lang?"
"Napuyat ako kagabi... kakaisip. Kinakabahan ako sa laro mamaya."
"Sus. Oh eto, isuot mo sapatos ko."
"Wag na. Baka matalo pa."
"Sige na. Malakas tatalon yan."
"Sige. Hige. kung saan ka masaya."
~~+~~
Habang bumabyahe...
Sinipat ang oras."Jollibee muna tayo." aya ko.
"Late na tayo---"
"Hindi pa."
"Bahala ka."
Huminto kami sa isang malaking gasoline station na may Jollibee bago pumasok ng NLEX.
"Kailan tayo huling nag B3, ...Kevin?""Hindi ko na matandaan."
"Last month?"
"Oo ata. Bakit Mark?"
"Wala lang. Mamimiss ko lang 'to."
"Ha?"
Hindi na ako sumagot.
"Kevin, nakailang B3 meals na kaya tayong dalawa? ...simula nuon."
"Kung ano ano naman yang mga tinatanong mo."
"Mamimiss ko 'to."
Binatukan niya ako.
"Bakit?"
"Wag ka naman ganyan. Para ka naman nagpapaala niya eh."
Ngumiti nalang ako.
~~+~~
Pahinto na ang buhos ng ulan. Kasalukuyan naming binabagtas ang kahabaan ng NLEX.Paulit-ulit. Walang kasawaan. Love will keep us alive.
I was standing
All alone against the world outside
You were searching
For a place to hideLost and lonely
Now you've given me the will to survive
When we're hungry...love will keep us alive
![](https://img.wattpad.com/cover/40263572-288-k223832.jpg)
BINABASA MO ANG
Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)
RomanceDon't forget to VOTE 😘😊 #blseries #boyslove May mga bagay talagang hindi inaasahan kahit sa isang bagay na nakagisnan na, tulad na lang ng basketball. Hanggang saan nga ba dadalhin si Mark ng kanyang pagmamahal sa larong ito? Story Copyright (c) 2...