Pinilit kung ngumiti sa harap niya kahit alam ko sa sarili kong nasasaktan na ako.
" Masaya akong makita kang muli" pilit na ngiting iginawad ko sa kanya.
Ngumiti din siya ng walang alinlangan.
" Masaya din akong makita kang muli, kumusta ka ?" saad niya naman sakin habang nakatingin sa mga mata ko.
Pinagmasdan kung mabuti ang mukha niya inaamin kung madaming nagbago sa kanya, yong hitsura niya,yong pananalita niya, yong buong siya. Nag mature siyang tingnan. Napaka gwapo parin walang kupas.
" Ayos lang ako,ikaw ba ?" tanong ko din pabalik.
Nakita kung gumuhit ang ngiti sa kanyang labi na agad din namang nawala ng magtama ang paningin naming dalawa. Agad din akong napa iwas at ibinaling sa ibang direksyon ang aking paningin.
" Kailan pa ako hindi naging maayos?" patanong na sagot niya naikinabibigla ko.
" Ha?hahaha oo nga" nalilitong sagot ko.
Ngumiti na naman siya na tela ba nagusgustuhan niya ang naging reaksyon ko.
" Namiss kita!" agad akong napatingin sa mata niya pagkarinig ko sa katangang binitawan niya. Nakikita kong ngumiti ang mga mata niya.
Hindi ako sumagot dahil alam ko sa sarili ko pag sumagot ako tutulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. NAMISS DIN KITA! katagang gusto kong isigaw sa mukha niya mismo.
" Sabi ko namiss kita!" pag uulit niya. Nakangiti niya paring sabi.
" b-ba-kit?" nauutal kong sagot.
" Anong bakit?" natatawa niyang tanong naikinaiinis ko.
" Alam mo kung pinagtitripan mo na naman ako pwede ba wala akong panahon para sa ganyang bagay!" inis na saad ko sa kanya.
" Hahaha wala ka paring pinagbago." natatawa niyang sagot sa akin.
" Sino ba unang nagbago?!" seryosong sabi ko na ikinawala ng tawa niya. Naging seryoso ang mukha niya.
" Sorry" tanging sambat niya.
Hindi ko na natiis at tumulo ang luha ko sa harap niya mismo. Ramdam na ramdam ko ang sakit na tela ba bumalik ang lahat.
" Ayan ka na naman ,ayoko kong marinig ang sorry mo dahil alam ko naman talagang hindi yon sincere." naiiyak na sabi ko.
Kita ko sa mga mata niya ang sakit na kaniyang tinatamasa. Nasasaktan ako dahil alam kong nasasaktan ko siya ngayon.
" Hindi yon totoo!" mahinang sagot niya.
" Kita muna hanggang ngayon deni-deny mo parin. Pinagloloko mo lang sarili mo!" galit na sigaw ko sa kanya.
" Maniwala ka man o hindi sinasabi ko sayong hindi kita niloko,kailanman hindi kita kayang lokohin. Minahal kita ng sobra!" nasasaktang sagot niya habang nakatingin sa mata ko.
Mas lalo akong naiiyak sa sinabi niya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi.
" Mahal na mahal kita noon at hindi magbabago yon hanggang ngayon. Sa loob ng pitong taon tangina IKAW parin,pinilit kong hanapin sa iba ang pagmamahal na gusto ko pero hindi eh IKAW LANG TALAGA wala kang katulad!" dagdag pa niya.
Hindi ako makasagot dahil tela umurong ang dela ko. Tela nawalan ako ng lakas dahil sa mga katangang binitawan niya. Inaamin kung gusto ko parin siya pero paano kung maulit na naman ang dati ? Ayoko na ! Ayoko nang masaktan ulit. Nagawa niya akong saktan dati kaya magagawa niya paring saktan akong muli.
" Mahal kita" mahinang sabi niya.
" SINUNGALING! CHEATER! YOU BETRAYED ME!" Gusto kong isigaw pero hindi sumang ayon ang bibig ko kaya nasabi ko yon ng mahina na ikakarinig niya lang.
" I'm so sorry," sincere na saad niya.
" Ayoko sa sorry mo!"umiiyak parin ako. Sobrang sakit,napakasakit ang ginawa niya.
" Anong gusto mo?" mariin siyang tumingin sakin.
Pinahiran ko ang aking luha at kinalma ang aking sarili. Kailangan kong maging panatag lalo na sa oras na to.
" Ayokong makita ka pang ulit, sana ito na ang huling pagkikita natin!" kalmadong wika ko.
Nakita kong na bigla siya sa sinabi ko. Napakunot ang kilay niya atsaka huminga ng malalim. Lumapit siya sakin at hinalikan sa labi! BULLSHIT!!
Nanghihina ako sa ginawa niya! Natulak ko siya ng sobrang lakas!Ngumiti lang siya kahit yong luha niya'y pumapatak na.
" Kung yan ang gusto mo sige pagbibigyan kita, pero pag nagkita ulit tayong dalawa tadhana na yon." Unti- unti siyang tumalikod sakin.
" At sa oras na mangyayari yon pinapangako kong magiging akin ka ulit, my". huling katagang sinabi niya bago siya tuluyang nawala sa paningin ko. BULLSHIT!!!
"HINDI NA AKO ANG NAKILALA MO,dy!" tanging nasa ko sa aking isip.

YOU ARE READING
I Deserve You and You Deserve Me, We Are Perfectly Meant To Be
Teen FictionBASAHIN MO , KUNG GUSTO MONG MALAMAN.