Chapter 2

0 0 0
                                    

Para akong nabingi sa  narinig ko kay tito. Tiningnan ko si Tyler ,ramdam kung na bigla din siya sa sinabi ng daddy niya.

" Dad naman!" gulat na sabi nya.

" Hahaha biro Lang!  Alam ko namang mga bata pa kayo kaya di ko kayo pagmamadaliin." Tawang-tawa sabi ni tito Nel samantalang hindi naman kami makasabay sa jokes  niya.

" Ay oo nga pala kailangan ko ng umuwi , may gagawin pa ako" saad nya at saka tumayo. Agad din naman kaming napatayo dalawa.

" Mag iingat kayong dalawa, Tyler alagaan mo ang asawa mo ha" sabi pa nito habang nasa gate na kami.

" Yes, Dad!" sagot naman ni Tyler.

Umalis na si tito Nel kaya naman pumasok na din kaming dalawa sa loob. Inis ko siyang tiningnan dahil na alala ko yung kanina.

" What?!" sabi niya habang naka tingin sakin.

" Yong kanina? Sino ba yon!" deretsang tanong ko.

" Ha? anong pinag sasabi mo ? " naguguluhan nyang sagot.

Naiinis ako sa kanya! Yong babae !

" Yong babae kanina ?" sabi ko habang naka tingin sa mata nya.

" Anong babae ? " naguguluhang saad niya. Naka tingin na rin siya sa mata ko.

" Yong cellphone mo! Tinawagan kita kanina pero babae ang sumagot!" naiinis na talaga ako sa kanya. Hindi ko mapigilang mainis.

"   Ah yon ba ? " sagot niya agad sakin na lalong ikinainis ko.

" OO!!" wait lang ah hindi ako nag seselos pero naiinis ako.

Nagulat sya sa biglaang pag sigaw ko. Maskin ako nagulat din.

" Owwss?' Kita kong nag iba ang hitsura niya. Maloko siyang ngumiti.

" Nagseselos ka ba ?"  ehhh?

" H-Hindi! " tanging sagot ko at tumalikod na lang bigla. Iniwan ko siya don. Naiinis ako oo pero sa nag seselos ,Hindi! Hindi maaari!

Pumasok ako sa kwarto namin at humiga sa kama. Kinuha ko ang phone ko at nag Facebook nalang dahil wala naman akong magawa, pampa relax na rin at pampa alis ng inis.

Si Tyler ? abay ewan ko sa lalaking yon! Naiinis ako sa pagmumukha niya.

Ilang minuto din ang lumipas habang abala ako kaka facebook biglang bumukas ang pinto ay iniluwa don ang lalaking pinakasalan ko.

" Bakit? " takang tanong ko.

" Nasa sala si Zhac" pagkasabi nya non umalis din agad. Nagtataka naman ako sa inasta niya.

Tumayo nalang din ako at lumabas papuntang sala.Nakita kong naka upo si Zhac don sa sofa samantalang nasa harapan naman niya si Tyler. Tela nag uusap ang dalawa.

" Zhac bakit na pa rito ka ? " Nag tatakang tanong ko. Ngumiti naman sya agad ng makita ako.

" Hai Sen, gusto ko lang isauli tong phone ni Tyler hiniram ko kasi kanina nakalimutan kong isauli." paliwanag niya. Agad namang tumingin si Tyler sakin. Pinandilatan ko lang siya ng mata.  Ha! naiinis parin ako sayong lalaki ka.

" Actually, yong naka sagot sa tawag mo kanina ay kakilala ko lang at hindi ko alam na tumawag ka pala, Sorry Sen pero hindi babae ni Tyler yon." Boom! haysstt pero naiinis parin ako !

" Ahem! " inis na inis akong tumingin kay Tyler.

" Ah , hehehe okay lang Zhac naiintindihan ko"  tanging sagot ko.

Pinagmasdan ko si Tyler , naka upo lang siya habang nakikinig sa kaibigang si Zhac.

" Ang sabi kasi ni Tyler nagseselos ang asawa niya," Ha! ano daw? nabingi ako sa narinig ko! Nagseselos daw ako???? Ha!!

Nakakainis ! Mas lalo akong nainis sa kanya . Wala man siyang ginawa pero naiinis parin ako.

" Hindi naman ako nagseselos ah!" sabi ko pero sa tuno ng pananalita koy tela naging kulot.

Pansin kong tela napangiti silang dalawa sa inasta ko. Sa tinginan nilang dalawa masasabing may sarili silang mundo at tela sila lang ang nagkakaintindihan.

" Ano ba ! Hindi nga ako nagseselos!" Inis na sabi ko

Nagtawanan naman silang dalawa.

" Sabi nga namin hindi," sagot naman ni Tyler tela nag pipigil ngumiti.

" Dahil hindi naman talaga ! " sagot ko naman.

" Edi hindi," Haytsss

Pero naiinis parin ako dahil sa alam kong nang iinis silang dalawa. Kaasar.

"  Talagang hindi!" isa pa masasapak na kita.

" Di ako naniniwala" dalawa!

" Edi wag ka maniwala ,problema ba yon?!" nagpipigil lang akong lalaki ka , Sige lang.

" Eh pano ba yan, Iba ang nakikita ko," tatlo! isa nalang talaga.

Nakatayo na kaming dalawa pariho, si Zhac naman nalilibang sa nakikita niya.

" MAY SAKIT ANG MATA MO PANIGURADO!" ngumiti siya ng kay tamis. Halatang nang aasar ang loko. Edi ikaw na! Winner

" See? inis kana kasi nagseselos ka talaga , Bakit ba ayaw mong aminin? " aminin mo mukha mo , ni hindi naman talaga ako nagseselos naiinis lang oo.

" Dahil hindi naman talaga!" matalim din akong nakipag titigan sa kanya.

" NAGSESELOS NGA TALAGA ANG ASAWA KO BRO, KAYA SA SUSUNOD WAG KANANG MANGHIRAP NG PHONE SAKIN. MAHIRAP NA ! MASYADONG SELOSA! " saka
siya ngumiti .BOOM! SPELL B-O-O-M.


I Deserve You and You Deserve Me, We Are Perfectly Meant To BeWhere stories live. Discover now