" Kailan may hindi kita magusgustuhan! " ayan na naman siya wala din naman akong gusto sayo.
" Alam ko yon Tyler! Ano bang ikinagagalit mo jan ha? " inis na sagot ko sa kanya.
Lagi nalang siyang ganyan, nakakarindi pakinggan araw araw nalang.
" Bakit ka nagpapunta ng lalaki dito? " sigaw niya sa mukha ko.
"Magagalit si Daddy pag malaman niyang nagpapanggap lang tayo naiintindihan mo ba yon, Serenity?! " dagdag pa niya.
Hindi ako sumagot sa kanya alam ko naman kasing ako ang may kasalanan. Nakipagtitigan lang siya sakin at saka umalis sa kwarto ko nagulat pa ako ng isara niya ng malakas ang Pinto. Tskk! Tskk! Stupid Tyler!
Matagal na kaming kasal sa isa't isa. Kinasal kami ng hindi namin mahal ang isa't isa kumbaga napilitan lang kami. Kasal kami sa papel lang at wala ng iba.
Magkaibigan ang family naming dalawa kaya para di mapunta ang mana sa iba pinagkasundo kaming dalawa. Tutol ba kami pariho? Malamang oo sinong tangang magpapakasal sa taong di naman niya mahal. ANG PANGIT PA NG UGALI!! Kaso no choice nagkataon pang nagka problema ang company namin kaya kay Tito Nel kami kumapit.
Narinig kong may bumusina kaya sumilip ako sa bintana. At hindi nga ako nagkakamali dahil kaibigan niya ang andon.
"Bro tara na! "Rinig kong sabi ni Zhac.
Mga ilang segundo lang nakita ko nang papalakad si Tyler papunta sa direksyon ni Zhac. Nagulat pa ako ng bigla syang huminto sa paglalakad at tumingin sa direksyon ko. Agad naman akong napayuko.Shitt nakita kaya niya ako?? Himala yata at hindi niya dala ang kotse.
Hindi nadin ako nag abalang sumilip pa dahil rinig ko naman ang kotse at alam kong naka alis na sila. YES!!!
Lumabas agad ako at pumuntang kusina dahil kumakalam na sikmura ko. Kanina pa ako gutom tinitiis ko lang talaga dahil naiinis ako sa lalaking yon.
Kainin dito, kainin doon. Sarap ng buhay pag ganito walang monster na umaaligid. Naglinis na din ako ng bahay pagkatapos kong kumain. Hindi naman siya mahirap linisin dahil malinis na talaga siya inayos ko lang yong dapat ayusin at pagkatapos non humiga ako sa sofa.
"Sen bakit jan ka natutulog? Asan si Tyler? " napa ayos ako nang upo dahil si tito Nel ang bumungad sakin.
" Tito Nel! Ahaha ano po kasi ano may binili lang babalik din siya" natataranta kong sagot kay Tito.
" Hmmm? Bakit anjan lang kotse niya?" Nagtatakang tanong niya.
FUCK YOU TYLER 1M TIMES!
"Ano po kasi Tito eh nasira yan kaya nagpasundo siya kay
Zhac." Pinilit kong kinalma ang sarili ko pero parang hindi kumbinsado si Tito. Patay!"Oh bakit hindi niya sinabi sakin para mapatingnan agad yan." Kalmadong saad ni tito. Haysss buti naman kinabahan ako non ah.
Dinaan ko nalang sa pagkukwento si Tito. Actually close kaming dalawa ni Tito Nel para na niya akong anak kung ituring. Bumisita lang talaga siya samin ni Tyler dahil namiss nya daw kaming dalawa.
" Ano bang binibili ni Tyler at ang tagal naman niya?" Tanong ni tito.
" Tawagan ko po tito ah" sagot ko naman saka umakyat sa room ko at nilock yon.
Kinuha ko agad ang phone at tinawagan si Tyler! Isang tawag palang pinatay niya agad! Napamura ako sa ginawa niya. Busy yata ang baliw na to! Tinawagan ko ulit at yon sumagot na. Buti naman
" Tyler andito daddy mo! Asan ka Ba?" Inis na saad ko sa linya.
" Whose this please? " what the heck babae ang sumagot sa phone niya.
" Asawa niya! Sino ka Ba?! " paghahamon na sagot ko.
Fuck you Tyler!!! TANGINA MO!! BABAE PA TALAGA HA! PWEE!
" NONE OF YOUR BUSINESS MISS!" fuck you bitch!!!
" MAGSAMA KAYONG DALAWA SAYO NA SIYA! " At binabaan ko agad ng phone ayoko marinig ang boses ng babae masyadong malandi.
Naiinis ako kay Tyler . Hindi naman ako nagseselos naiinis lang. Bumaba ako para balikan si tito Nel ng makita ko si Tyler don naka upo sa tabi ng daddy niya.
Napatingin naman silang dalawa sakin.
" Sen andito na asawa mo pagkatalikod mo dumating din siya tatawagin na sana kita kaso pinigilan ako ni Tyler. " pagpapaliwanag ni Tito Nel.
Gulat na gulat pa ako, tiningnan ko mula ulo hanggang paa si Tyler. SIYA NGA HINDI AKO NAGKAMALI. Tumitig din siya sakin at nang magtama ang paningin namin sinamaan ko siya ng tingin. Napataas naman ang kilay niya.
Bakit babae yong sumagot kanina? Naiwan kaya niya yong phone?
" Halika ka dito't samahan mo kami" dagdag pa ni tito Nel.
Lumapit naman ako sa kanila at sinalubong ako ni Tyler! Pakitang tao!! Naiinis ako sa kanya. Nabigla pa ako ng hawakan ni Tyler ang tagiliran ko para mapalapit sa kanya. Saka ako umupo ng maayos.
Sarap mong hampasin!! Naiinis ako sayo." Binilhan kita ng paborito mong pagkain" nakangiti pa nyang sabi. Alam kong nagpapanggap lang ang isang to!
"salamat! " pilit na ngiting iginawad ko.
Pansin kong naka tingin si Tito samin kaya hinawi ko ang buhok niya. Napahawak naman siya sa kamay ko.
" Tumatakip sa mata mo" siraulo ba to andito daddy mo Hoy.
" Ah" alinlangan niyang sabi.
" Ang sweet niyo naman, Hindi ako nagkamaling ipakasal kayong dalawa hahaha" masayang sabi ni tito, kung alam mo lang tito ahhaha aso't pusa kami.
Napayos naman kaming dalawa ng upo.
" Kailan nyo ba kami bibigyan ng apo? " oh my gosh tito!!

YOU ARE READING
I Deserve You and You Deserve Me, We Are Perfectly Meant To Be
Подростковая литератураBASAHIN MO , KUNG GUSTO MONG MALAMAN.