Alex POV.
Alam kong mahirap tong paniwalaan pero first time ko itong naramdaman.
Nainlove ako sa isang girl na hindi ko pa nakikita personally at nakilala ko lang through facebook pa.
Di naman kasi simpleng mainlove dahil sa FB pero dahil kay venneth andali lang naiparamdam niya kasi sa akin kung gaano ako ka importante sa kanya kahit na andun sya sa ibang bahagi ng pilipinas at andito ako sa kabila.
Mag tatapat na ako sa kanya ng nararamdaman ko ngayon ayoko ng pakawalan pa siya feeling ko kasi may magiging kulang pag nawala sya sakin.
Tinawagan ko si venn para ituloy ko yung panliligaw ko sa kanya, Oo nanliligaw na ako kahit sa ganitong paraan lang totoo naman.
"venn. Alam mo namang mahal na mahal kita diba? Alam kong mahirap paniwalaan to kasi sa internet lang tayo nag kakilala pero sa totoo lang mahal na mahal na talaga kita. " sabi ko
"alam mo vann, Sa totoo lang may nararamdaman narin ako para sayo. pag sinagot kita? May malaking problema tayo" - sabi nya sa kabilang linya.
"ano naman yung magiging problema natin? Ang saya-saya kaya natin kahit sa text lang tayo nag uusap at minsan sa tawag." -sabi ko
"anjan ka andito ako Ang layo natin sa isa't-isa pano mag wowork yung relasyon? Ni hindi ko alam kong may katotohanan ba yung sinasabi mo sakin eh." - venn
"yung distansya natin ang prinoproblema mo? Wag kang mag alala magtiwala ka, lang kahit minsan di ako nag sasabi ng di ko gagawin I mean di ako nangangako ginagawa ko lang" - sabi ko
"totoo ba yan?" -venn
"oo mag tiwala ka lang at yang pagiging LDR. Salita lang yan". Seryoso kong sambit
At yun humaba pa yung usapan namin ng tungkol sa love inexpress ko lang yung feeling ko sa kanya. Hanggang sa naglowbat yung cellphone ko at doon pa natapos ang pag-uusap namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/40281508-288-k511817.jpg)