Chapter 6-Punishment
SHE
Nandito ako ngayon sa isa sa mga silid ng abandonadong building ng Sutterfield Academy, fully-depreciated na kasi ito kaya nagpasya ang administrasyon na magpagawa nalang ng panibagong building para paglipatan ng mga mahahalagang opisina.
Madalang lang magkaroon ng tao dito marahil ay sobrang rupok na ng pundasyon ng building na ito, pero siyempre mas gusto ko dito para astig.
Mag-isa na naman ako, malayo sa mga maliligalig na mga mag-aaral. Balik sa katotohanang mag-isa lang ako.
Hindi ko na naman maiwasan ang aking mga luha sa pagpatak.
Oo nga't maaring kilala nila ako bilang isang matigas at astig, 'She's the Bad Boy' ika nga nila.
Pero sa likod ng matapang na personalidad na aking pinapakita, may isang malambot na babaeng madaling masaktan.
Hindi naman ako si Wonderwoman na hindi nasasaktan sa mga matatalim na mga salitang ibinabato nila sa akin, sa mga sampal at suntok na akin natatamo.
Pero hindi ako pwedeng umiyak sa harap nila. Hindi nila ako pwedeng makita nang mahina.
Dahil baka maulit lang ang nakaraan.. isang malagim na nakaraang pilit kong linilimot ngunit patuloy pa rin akong binabagabag.
Bigla akong narinig ng mga yapak kasunod ng mga kaluskos.
Agad kong inayos ang aking postura at mabilis na pinunasan ang mga sariwang mga luha sa gilid ng aking mga mata.
"Sino 'yan?!" sigaw ko ngunit nanatiling tahimik ang paligid.
"Sino 'yan?!" pag-uulit ko ngunit kagaya ng kanina nanatili lamang tahimik ang paligid.
"Put*ng Ina! SINO YAN!?" buong lakas kong sigaw.
Unti-unti namang lumabas ang anino ng isang tao sa gilid ng pintuan ng silid.
"Argh! Bessy nemen, kaka-hide and seek ko pa nga lang eh. What 'yo doin pala here?" si Mario lang pala.
"Paano mo nalamang nandito ako?"
"Haller, BFF mo kaya akech kaya nose ko."
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ah..eh..ih..oh"
"UH! Ano nga?" pagpuputol ko sa kanya.
"Pinapatawag kasi tayo sa President's Office eh." nakayukong turan nito. Dumiretso na rin ang kanyang salita kaya mahihinuha mong kinakabahan ito.
Tumayo na ako at hinila na siya palabas ng abandonadong building.
*President's Office"
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan agad na bumungad sa amin ang presidente ng University na ito na si Mrs. Keisha Sutterfield na prenteng nakaupo sa kanyang upuan.
Sa kaliwang bahagi nakaupo si Stephen na biglang nagliwanag ang mukha ng makita niya kami.
Nakahilera naman sa harapan ni Stephen sina Blade Summers at David Razon.
Biglang nagpintig ang aking mga mata nang dumako ang aking paningin sa pwesto ni Kadenz. Argh! How I hate this bastard.
Namuo ang tensyon sa kabuuan ng kwarto ng nagpalitan kami ng matatalim na titig ni Kadenz.
Naputol lamang ito ng hinila na ako ni Mario paupo sa tabi ni Stephen.
Tsk. How am I used with this scenario. President's office. Non-stop homily. and a pretty litle punishment.
Pero kahit gaano ako kasanay sa ganitong senaryo hindi ko maiwasang kabahan. This is different dahil nadamay na pati mga kaibigan ko.
Tsk. I am the one to be blame. No! Kadenz' to be blame. Yes. That bastard should be the one to be blame.
Tuhikhim si President Keisha bago magsalita.
"Alam niyo naman siguro kung bakit ko kayo pinatawag dito.. Yeah, it is regarding the fight incident yesterday."
"Mom. Please make it short, I have a date."
"Bullsh*t Kadenz! I am tired with all your sh*ts." pasigaw na sabi ng Presidente na bakas ang galit sa kanyang mukha.
Napahinto naman si Kadenz sa pagrereklamo at tila natakot din sa kanyang ina. Bleh! Buti nga.
"We've already conduct an investigation, I'll just clarify things out. Mr. Stephen Aversu is it true na ikaw ang unang sumugod sa Dorm A at sumuntok kay Mr. Sutterfield?"
"Yes Madam. Pero pinagtanggol ko lang po ang bestfriend ko, binastos po kasi ng anak niyo si Kelly nang mahuli niya itong nakikipag-make out sa SC Room. He even forced Kelly to be his substitute f*cking buddy since she interrupted his wordly deeds."
"Is it true Kadenz?"
"Of course not."
Pinaningkitan naman ni Mrs. President ang kanyang mga anak at sunod na binalingan ang kanyang pamangkin na si David at ang kaibigan ng kanyang anak na si Blade.
"Boys, alam kong nakwento sa inyo ni Kadenz ang mga kalohokan niya. So totoo ba ang mga sinasabi ni Mr. Aversu?"
Magsasalita na sana ang dalawa nang magsalita ito ulit. "Malaman-laman ko lang na magsinungaling kayo, 1-month suspension ang kahahantungan ninyo."
"Opo. Stephen's telling the truth." magkasabay na tugon ng dalawa.
"Sorry bro." bulong naman ni Blade.
"My God Kadenz, hindi ko na alam ang gagawin ko sayo. You even punch a girl."
Mahaba-haba pang paliwanagan ang nangyari bago kami humantong sa pag-aanunsyo ng aming mga parusa.
"Mr. Razon, Mr. Summers and Mr. Fleech since bystander lang kayo sa case na ito, maari na kayong bumalik sa mga klase ninyo."
Naiwan nalang kaming tatlo sa office kasama si Ma'am President.
"Mr. Aversu, you're the SC President. You're the last person na inaasahan kong gagawa nito since ikaw ang nagpapatupad ng katahimikan sa school."
Nakayuko lang si Stephen habang nakikinig.
"I know you're just carried away by your emotions. But please next time know how to handle your emotions. But a violation is still a violation, as for your punsihment you will be suspended with your SC position for 2 weeks and must complete 12-hours community service."
Gusto kong magprotesta pero hindi ko magawa, dahil halatang galit padin si President. Na-guilty tuloy ako na naparusahan si Stephen ng dahil sa akin.
Ngumiti lang si Stephen sa akin assuring me na wala akong dapat ipag-alala sa kanya.
"Ikaw naman Ms. Sandersons, sukin-suki ka na sa office ko ah. Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo, alam kong hindi ikaw ang nagsimula ng gulong ito pero the fact that you're still engage in a physical fight is still a big NO."
"The same with you son. For Pete's sake, kelan ka ba titino?! Kung 'di kita mahuhuling nakikipag-make out sa kung saan-saang lugar, nakikipag-away ka naman."
Bumuntong-hininga muna siya bago muling magsalita.
"As for your punishment, a 1-week suspension, 48-hour community service."
Wooh. Nakahinga na rin ako ng maluwag.
"AND THE BOTH OF YOU WILL STAY IN DORM Z."
"WHAAAAAAAAAAAAT?!" Sabay-sabay naming tutol.
———-
Sana nagustuhan niyo, Hindi ko na pinroof read. Sorry kung laging matagal ayaw ko na kasing maglagay ng mga sabaw na updates kagaya ng ginawa ko sa MNS at may summer term kame.
BINABASA MO ANG
SHE's the Bad Boy
ContoHe can seduce all the girls in town except for this one girl, Because she's the bad boy.