Chapter 7—House Rules
SHE
Naglalakad ako ngayon papunta sa Dormitory Z, ngayon kasi kami maglilipat kaya heto ako ngayon naglalakad habang dala-dala ang tatlong mabibigat kong maleta.
Si Kadenz? Heto nasa gilid ko, prenteng mabagal na minamaneho ang kanyang kotse na lulan ang kanyang mga gamit.
"Fvck you Kadenz, mamatay ka na!" sigaw ko kasabay ng paglipad ng aking middle finger sa ere.
"Sabihin mo na kasi na 'Prince Kadenz kailangan kita'" humalakhak pa siya na parang nang-aasar. Iyon kasi ang kondisyon niya para pasakayin ako sa kotse niya.
Binilisan ko nalang ang lakad ko para hindi ko siya makita ngunit binilisan din niya ang kanyang sasakyan kaya magkasabay na naman kami.
Ngunit dahil sa halos patakbo-lakad ang ginawa ko hindi ko napansin na may malaking bato pala ang nakaharang sa dadaanan ko kaya nadapa ako kasabay ng pagkalat ng aking mga maleta sa kalsada.
Nakita kong inihinto niya ang sasakyan ngunit imbes na bumaba siya at tulungan akong makatayo, narinig ko pang humalakhak siya sabay sabing, "Ilang palaka ang nahuli mo Kelly? Hahaha."
Gusto ko siyang patayin sa mismong oras na ito, pero baka lalo lang lumala ang parusa namin kung patuloy akong magpapadala sa galit ko. I need to prolong my patience kahit na wala ako no'n.
Kinuha ko ang mga maleta sa gilid at mabilis na sinubukang tumayo, doon ko napansin na may sugat pala ako sa tuhod na patuloy na nagdurugo. Nagawa kong humakbang ng kaunti kahit na pa ika-ika ako nang bigla nalang ulit akong natumba.
Ngunit bago pa ako tuluyang bumagsak sa kalsada, mayroong sumalo sa akin... si Kadenz.
Inayos niya ang pagkakabuhat sa akin na bridal style at mabilis na dinala sa shotgun seat ng kanyang kotse pagkatapos ay binalikan niya ang aking mga maleta.
"I don't know you're that stupid." nakangisi niyang sabi.
Buset! Akala ko pa naman, bumait na..Argh! Nagkaroon pa ako ng utang na loob.
Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin nalang sa gilid ng kalsada.
Ilang minuto lang ang makalipas ay nakarating na agad kami sa Dormitory Z.
Nasa West Wing ang dormitory A-D na first class dormitories, East Wing ang Dormitory E-K na second-class dormitories, North Wing ang Dormitory L-R na third-class dormitories dito ako naninirahan noon, South Wing ang Dormitory S-W ang scholar dormitories, nasa gitna naman ang Dormitory X-Y na para sa faculty and staffs, at ang tila mansyong Dormitory Z na para talaga sa President ng university ay nakahiwalay sa iba pang mga dormitories.
Sa totoo lang napakaswerte ko dahil dito na ako titira ngayon, sobrang malas ko nga lang dahil ang bastos, mahangin at feeling astig na si Prince Kadenz ang makakasama ko dito.
Naputol ang aking pag-iisip nang buksan ni Kadenz ang pinto ng kotse niya, naipasok na pala niya ang mga gamit namin sa loob. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong buhatin kagaya ng kanina.
Tututol na sana ako nang bigla siyang nagsalita, "Huwag ka ng maarte, sa second floor pa ang kwarto mo kaya di mo din kakayanin. Yung elevator naman, mamaya pa pwedeng gamitin."
Nang makarating kami sa kwarto ko, inihagis niya lang ako sa aking kama. "May first aid kit sa banyo." at umalis na rin siya kaagad.
Alas-otso na ng gabi ng makaramdam ako ng gutom, kaya bumaba ako para tumingin ng makakain gamit ang elevator hindi na rin kasi masyadong masakit ang sugat ko dahil nalinis ko na ito at nabendahan. Kumuha nalang ako ng canned goods at ininit ito.
Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa aking kwarto at naghanda na para matulog. Nakahiga na ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Kadenz na may dalang mga papel at ballpen.
"Kailangan natin pag-usapan ang house rules dahil technically kailangan kitang tiisin hanggang sa matapos ang parusang ito."
"Tss. Kabaklaan mo talaga, Pa-house rules house rules pang nalalaman." panunudyo ko sa kanya.
Nagulat nalang ako nang bigla niya akong higitin papalapit sa kanya at inilapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha. "Do you want me to prove you that I'm not a gay by fvckng you hard?"
Itinulak ko siya at umayos ng upo. "Sabi ko nga umpisahan na natin pag-usapan ang house rules. At pwede ba hindi tayo talo, pareho tayong lalaki."
"Tsss.. Lesbian. For my first rule, Ikaw ang magluluto at ako naman ang gagawa ng gawaing bahay tuwing M-W-F and vice-versa during T-Th-S."
"'Di ako marunong magluto." sabat ko naman.
"Tss. Ka-babaeng tao 'di marunong magluto."
"'Di nga ako babae sabi."
"As lang as you have p*ssy right there babae ka pa rin."
"Tch."
"Okay, ganito nalang ikaw ang pupunta sa market para mamili ng groceries at maghuhugas ng plato at ako naman ang magluluto. Sa pagwawalis naman, salitan nalang tayo."
Sumang-ayon nalang ako. "Second rule, galing 'to kay Mama wala daw tayong ibang pwedeng papapuntahin sa loob ng bahay."
Tumango nalang ulit ako. "Third rule, walang pakialamanan, kapag nasa labas tayo ng Dormitory Z hindi natin kilala ang isa't-isa at walang pakialaman sa buhay ng isa't-isa."
Puro nalang kasi siya ang nagbibigay ng rule, kaya nakaisip ako ng pang-asar lang. Akala niya siya lang ang magaling sa ganoon ha.
I cuppped his face before whispering seductively. "Last rule, there's no falling in-love between us." and bite his earlobe.
"Walang-hiyang tomboy ka, feeling mo naman pagnanasaan talaga kita. Gusto ko lang pag-eksperementuhan ang fetish ko kaya kita sinubukan. Feeling mo naman type talaga kita. Ito ang itatak mo sa utak mong tomboy ka HINDING-HINDI AKO MA-IINLOVE SA'YO!"
BINABASA MO ANG
SHE's the Bad Boy
Historia CortaHe can seduce all the girls in town except for this one girl, Because she's the bad boy.