22

13.3K 385 58
                                    

 

“Ang sakit! Putangina!”

 

Patakbo akong pumasok sa banyo habang sapo ang aking puson dahil hindi ko na matiis ang sakit. Wala pa akong damit dahil may ginawa pa kami kagabi at sigurado akong may naiwan na red stain sa bedsheets gawa ng regla ko.

 

Kainis. Palagi nalang sumasakit ang puson ko kapag unang araw! Para akong pinapatay, dumagdag pa ang pamamanhid ng balakang ko!

 

“Tangina,” mura lang ako nang mura habang nakaupo sa toilet at sapo ang puson.

 

“Ida? You okay there?” Hindi ako sumagot dahil namimilipit ako sa sakit. “Papasok na ako kapag hindi ka sumagot.”

 

I sighed. “I-I’m naked, Tim.” hinang-hina kong sagot sa kaniya. “I’m fine.”

 

“Clean yourself. Kukuha lang ako ng tuwalya.”

 

Napabuntong hininga ako nang narinig ko ang papalayo niyang yabag. Naglinis nalang ako ng katawan at kinuha sa kaniya ang inabot niyang tuwalya.

 

“Thanks.” Sabi ko sa kaniya pagkalabas ko ng banyo.

 

Pinalitan niya na rin pala ang bedsheets. Malamang kasi may dugo yon!

 

“Does it hurt?” I nodded. Kung pwede lang ako mabuntis ngayon para hindi na dumating ang dalaw, magpapabuntis na talaga ako! “Rate 1-10.”

 

Pinandilatan ko siya ng mata. Masakit na nga ang puson ko't lahat-lahat, ipagre-rate pa ako!

 

“100!”

 

Hinalungkat ko ang dala kong bag at kumuha ng napkin. Pinapanood niya lang ako sa ginagawa ko. Nawala na ang hiya ko sa katawan dahil sa sakit na nararamdaman ko. Nakita niya na rin naman lahat, bahala na! Ang gusto ko lang ngayon ay humiga at matulog.

 

“Anong gusto mong kainin?” tanong niya habang inaayos ang mga nagkalat kong gamit at damit sa sahig.

 

“Pizza, burger at fries na spicy tapos pink lemonade at ice cream.”

 

Dahan-dahan akong tumayo at umupo sa paanan ng kama nang natapos ako sa pagbibihis. Nagutom ako bigla sa naisip kong pagkain. Pero saan naman siya kukuha ng mga iyon? Alangan magpapadeliver kami, e'di mahuli pa kami.

 

“Okay. Rest for a while, ihahanda ko lang ang mga pagkain mo.”

 

Napatitig ako sa kaniya. “H-ha? S-saan ka naman kukuha ng mga 'yon?”

 

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa ulo. “Secret.” He winked. “Magpahinga ka na. Gigisingin nalang kita mamaya, okay?”

 

Tumango ako kahit hindi pa rin makapaniwala sa sinabi niya. “Aalis ka? Iiwan mo ako rito?” kinabahan ako bigla.

Loving Your LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon