25

14.7K 652 195
                                    

 

“Samahan mo muna si Ida sa kompanyang pinagtatrabahuan niya, Ina. Baka maglayas na naman yan mamaya.”

 

Napairap ako sa hangin dahil sa sinabi ni dad. Ang aga-aga pa para magparinig sa akin. Kumakain kami ngayon ng agahan at nagpaalam ako sa kanila na pupunta muna ako sa kompanya dahil may kukunin akong mga gamit doon. Hindi na ako nagulat kung bakit may trabaho pa rin ako hanggang ngayon. Thanks to Reyver. Siya lang ang alam kong kaya kontrolin ang desisyon ng direktor.

 

“Sege po.”

 

“Ah,” Sabay kaming tumingin sa kaniya nang binitawan niya ang kutsara. “Reyver, diba ngayon pupunta ang mga magulang mo kasama ang bunso mong kapatid?”

 

Hindi ko na malunok ang nginunguya ko dahil sa sinabi niya. Ang aga-aga yon agad ang gustong pag-usapan.

 

Tumikhim si Reyver, sinulyapan niya muna ako bago sumagot kay dad. “Yes, dad.”

 

“Dad,” baka pwede pang humindi. Sa pagkakataong to baka pwede pa tumanggi. Nandiyan naman si Reyver eh! He can help us. “Si Timothy ang gusto kong pakasalan.”

 

Sinalubong niya ang titig ko. The corner of his lips rose up. “Saan siya ngayon? Ni hindi ka nga niya hinabol. Sabi niyo nagmamahalan kayo?” Yumuko ako at tinuon ang tingin sa hotdog. Mahal naman niya ako eh. “Lies, lies, lies…” I bit my lower lip. “Huwag mo nang banggitin ang pangalan ng lalaking yon. Niloloko ka lang niya, nagpaloko ka naman. Akala ko ba matalino ka? You graduated as Magna Cum Laude, what happened?”

 

“Busog na ako.” Tumayo ako agad at lumabas.

 

I can’t take this anymore. Nag-o-overthink na ako. Ang dami nang pumapasok sa isip ko na pilit kong tinatanggi noon dahil pinaparamdam niya naman sa akin lahat. He loves me. Nararamdaman ko yon! Hindi ako dapat nakikinig sa mga walang katotohanan na sinasabi ni daddy dahil hindi naman siya ang nakasama ni Timothy sa loob ng isang buwan!

 

Wala siyang alam sa nangyayari. Gusto niya lang paniwalaan ang nakikita niya ngayon. Hindi porque wala rito si Timothy ay hindi niya na ako mahal. He'll come for me. Ipaglalaban niya ako.

 

He knows I love him, but I love him more than he knows.

 

“May gusto ka pa bang puntahan after?”

 

Nasa sasakyan na kami ni Ina at papunta na sa kompanya. Umalis na rin ang asawa niya at pumasok sa trabaho. Ako ang nagmamaneho ng sasakyan dahil baka maaksidente na naman kami at maubos na naman ang pera namin. Kapag nangyari yon baka si mommy naman ang ibenta ni daddy. Mumultuhin talaga siya namin. Laki sa yaman si dad kaya hindi yan mabubuhay kapag walang pera. Nakasanayan niya nang nakukuha niya lahat.

 

“Mall. Bibili ako ng gamit sa pagpipinta.”

 

Hindi ko natapos kagabi ang pagguhit sa mukha niya kaya ipipinta ko nalang. Mas malaki pa. Para kahit hindi ko siya makita ng harapan ay masisilayan ko pa rin ang maganda niyang ngiti.

Loving Your LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon