Nang maka-lapit ako kay John ay halos lahat ng ka klase namin ay nandun narin pati sina Ziah Min, Jane, Shia at Cam pati narin ang iba pa naming mga kaklase. Nagkaka-gulo ang lahat namamangha ako dahil kahit na natalo sila mas marami parin ang bumabati sakanila at nagpapa-picture. Halos nga ay hindi kami maka-lapit sa iba pang manlalaro kay John lang kami naka-lapit agad.
"Congrats John!"
"Congrats!"
"Congrats John!"
Maraming bumati sakanya pati ako pero humalo lang ako nakaka-hiya kasi eh. Kaya naman napa-tigil ako ng bigla niyang banggitin ang pangalan ko.
"Cienne picture naman oh." Sabi ni John, kaya naman medyo nailang ako kasi napatingin lahat nang nasa paligid niya dahil dito.
"Ano?" Maang kong sagot nahihiya kasi ako kasi maraming naka-palibot saamin.
"Picture tayo dali." Sabi niya kaya naman agad kong in-open ang camera at nag-selfie. Medyo blurry panga yun dahil sa gulo ng mga naka-palibot samin. Tsaka sumama si Rocsan at Ziah sa pangatlong litrato. Naka-ngiti at naka-thumbs up pa ang loko.
Napa-hawak ako sa tiyan kong sumakit na naman iyon. Kanina pa kase talaga masakit ang tiyan ko, pero dahil ayokong umuwi ng hindi natatapos ang laro kaya naman ininda ko nalang pero ngayon heto na naman. Ilang sandali lang ay nawala rin iyon, at nag-paalam na kami kina John kasi gabi na at mukhang manunuod pa sila sa game ng seniors kaya mauuna na kami.
Agad akong tumakbo papunta kina Ziah ng makitang palabas na sila ng court wala pa naman akong kasabay. Kaya ng maka-abot ako sa kanila ay sobrang ingay nila dahil hindi daw nila ine-expect na magaling mag-laro si John kadi ang payat nito.
Alas diyes na ng gabi at sobrang ingay pa nilang nag-lalakad parang mga lasing na hindi mahinaan ang boses. Minsan napapa-hinto kami ng bigla silang kumukuha ng litrato o nagsi-selfie siyempre napapasama rin ako. Kahit medyo naa-out of place ako dahil mag bestfriend kasi tong apat actually lima sila wala nga lang si Shia kasi sumama na sa mga nito.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Jane
"Ewan ko." Sagot naman ni Cam
"Sa 7/11 nalang tayo." Sagot naman ni Ziah
"Tara Cienne" sabi ni Min saka kami tumawid sa intersection papuntang 7/11 ito nalang kasi talaga ang bukas ngayon maliban duon sa bus terminal at sa peryahan.
Nang maka-pasok kami ay agad kong naramdaman ang lamig ng AC, naka-Short pa naman ako pero hanggang tuhod naman kaya hindi masyadong malamig. Agad kaming dumiretso sa mga chichirya at namili duon pero dahil hindi naman malaki ang dala naming pera nag-hanap kami ng mas mura. Kumuha rin kami ng litrato sa salamin pero sinabihan kami ng crew na hindi pwede kaya no choice.
"Jane, mag-kano ba yung dala mo?" Tanong ni Ziah
"70" maikling sagot ni Jane sabay tawa. "Eh, ikaw?"
"20 pamasahi ko nalang toh kaya naman i-libre mona kami."
"Ako rin pamasahe nalang" sagot naman ni Cam at Min.
"Ikaw Cienne may dala kabang pera?" Tanong ni Ziah.
Tumango lamang ako hindi kona magawang mag-salita dahil sumasakit na naman ang tiyan ko. Mas malala ngayon lalo pa't malamig dito at parang nahihirapan akong huminga naka- limutan ko kasi yung gamot ko eh. Hindi ko magawang sumagot sa kanila sa tuwing gusto nilang mag-suggest ako ng bibilhin. Mukhang napansin yata ni Min ang pananahimik ko.
"Cienne, mag-salita ka naman oh. Ok ka lang ba?" Mukhang nag-aalala na siya.
"Ok kalang ba?" Tanong ni Cam.
YOU ARE READING
Enchanted To Meet You
Teen FictionHe was contented on admiring her from afar, she knows him as her senior who once liked her. She thought he already forgotten about her, when she rejected him for the third time. What if he was just gathering strength to court. He knows that she does...