Chapter 9

28 5 0
                                    

Sam is crying so hard as she stares at the Church's entrance. Praying that Ian would walk inside and pick her up, again. Their guests and visitors left when Zi told them to leave. Ano pa ba ang hihintayin nila? Ang bumuka ang lupa at lamunin si Sam sa harap nila? Hintaying bumalik si Ian para matuloy ang kasal nila? Malabo dahil halos isang oras nang naka-alis si Ian.

"Sam? Umuwi na tayo anak." Lisa told her. Napalunok si Sam at tinitigan sila. Like her, they are silently crying. This day should be a happy day for all of them. Masaya dapat sila para kay Sam, ngunit hindi. Pinahid ni Lisa ang mga luhang patuloy na lumalandas sa mga pisngi ni Sam, ngunit kahit anong pagpahid ng ina ay patuloy pa rin 'yong kumukuwala. Napaluhod rin si Zi at hinawakan ang mga kamay ni Sam.
"Let's go home, Sam." Bulong nito sa pamangkin ngunit paghikbi lamang ang tanging tugon ni Sam.

Hindi nila pwedeng sabihin kay Sam na tumigil na sa kakaiyak. Hindi nila magagawang pigilan ang mga luhang kusang lumalandas. At ang tangi lang nilang magagawa ay ang manatili sa tabi ni Sam, upang malaman ni Sam na kahit na anong mangyari ay nandyan lang sila, na hindi sya nag-iisa. Na sa labang 'to, meron syang mga kasama. That's the less thing they can do for her.

Humihikbing tumayo si Sam na inalalayan nila.
"Sam." Tawag ni Lisa sa anak nang magsimula itong maglakad papalabas ng simbahan. Sabay nilang tinatawag si Sam ngunit hindi sila nilingon nito kaya't maging sila ay sumunod na rin.

"Akina 'yung susi." Umiiyak na wika ni Sam sa driver. Agad namang binigay 'non ang susi. Sam hopped in inside the car, she starts the engine as soon as she shut the door.
"Sam!" Lisa called but Sam drove off. Mabilis na pinaharurot ni Sam ang kotse at linisan ang simbahan.

Nakarating si Sam sa Tagaytay na hindi nya namalayan. Suot pa rin ang wedding gown na dapat ay para lamang sa masayang pangyayari ngunit wala syang pakialam. It feels like the day when Je left her is back, ang pinagka-iba lang ay si Ian naman ngayon ang umalis.

Si Ian na akala nya ay hindi sya iiwan at bibitawan.
Si Ian na walang pagda-dalawang isip na tanggapin sya at hayaang maka-pasok sa puso nya, sa mundo nya.
Si Ian na pinagkatiwalaan nya sa lahat-lahat.
Si Ian na pinasok ang nanahimik nyang buhay.
Si Ian na minahal nya ng higit pa sa una.

"Bakit ba lagi ka nalang nilang iniiwan? Bakit ba lagi ka nalang nilang sinasaktan?" She asked herself, she even looked at the rear view mirror of the car.
"Wala ka bang karapatang sumaya, Samarha. Wala ka bang karapatang mahalin." She then told herself and let her tears bream down again.
"You're not worth it, Samarha. Iiwan at iiwan ka nila dahil hindi ka sapat at hindi magiging sapat sa kahit na kanino man." She said and rested her head to the stirring wheel.

Now that she's alone, wala na syang ibang inisip kundi mag-isa nalang sya, na lahat sila ay iiwan rin sya. Na kahit anong gawin nya ay maiiwan at iiwan pa rin sya.

Gaya ng dati ay muling nagkulong si Sam sa sariling kwarto. Ayaw nyang makipag-usap kahit na kanino, kahit na kay Lisa. Hindi rin sya umaasang pupuntahan sya ni Ian, ngunit aaminin nyang umaasa syang babalikan sya nito. At ang dating pagmamahal na nararamdaman para kay Ian ay napalitan ng galit.

A Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon