CH 1.1

1.2K 35 14
                                    

Catching Hearts Chapter 1.1

Ey's POV:

"Welcome to rp university sistah ey!omg!" Sabi ni Louie sakin habang nakangiti.

"Ghad I miss you sistah" Niyakap ko si louie at sabay kaming pumasok sa university.

Malaki itong university na to. Mas malaki sa dati kong school na pinapasukan. Madaming buildings kaya kung first time mo dito maliligaw ka talaga. Maganda at makulay.

Ey ang pangalan ko. Scholar. Simple lang. Hilig ko magaral at kumanta. Baguhan palang ako sa university na to. Yung babae naman kanina ay si Louie. Nakilala ko siya sa facebook group dahil mahilig rin siya sa kpop. Dito na siya pumapasok dati pa.

"Sistah classmates ata tayo dito sa subject na ito omg!" Tinuro niya yung math at english sa schedule ko.

"Dalawa lang? Hays kita tayo sa breaktime at lunch okay?" Kuminang ang mata niya habang sinasabi ko yun. Nagtaka naman ako kasi hindi siya sakin nakatingin kundi sa likod ko.

"Miss excuse me." Sabi sakin ng isang lalaking di ko kilala.

"Ah sige daan na" Kumunot naman ang nuo niya sa sinabi ko. Siniko ako ni Louie habang ngumunguso sa ID ng lalaki.

"Arrian Joseph Rikawa" Bulong ko sa sarili ko. Parang narinig ko na yung pangalan na yun!

**Flashback**

"Yes! nakapasa ka! omg omg omg!"sabi ni Louie sakin habang tumatalon sa kama niya habang nag skaskype kami. Napangiti na lang ako habang umiinom ng kape.

"Itotour ka for sure nung Grade 11 representative! omg!!" Sabi niya na may halong kilig. Kumunot naman ang nuo ko.

"Sino naman yun?"

"Si Mr. Arrian Joseph Rikawa! hihihi pogi yun!"

"Ahh crush mo?"

"Hindi hahaha! Pero madaming may gusto dun!"

**end of flashback**

"I'm Arrian Joseph Rikawa, grade 11 representative. I'm tasked to tour grade 11 transferee pupils." Tumingin siya kay Louie.

"May I excuse your friend miss louie?"

"Oh sure sure! Pupunta na rin ako sa class ko. Later na lang ey! Ciao!" Sabi niya at umalis. Tumingin naman sakin si Mr. Rikawa.

"Uhh.. So shall we start?"

"Okay." sabi ko at sinundan siya sa kung saan siya pumunta. Kada hakbang niya ay may tumitingin sakanya. Yung iba kinikilig. Psh.

Ilang sandali ay tumigil siya sa gate ng school kung saan ako sinalubong ni louie kanina. Humarap siya at ngumiti. Ngayon lang ata siya ngumiti kasi kanina pa siya naka poker face. Bigla rin naman akong napangiti ng konti. May sarili atang isip ang labi ko.

"Welcome to rp university.. blah blah blah" Inintroduce niya sakin ang mga facilities at buildings tapos yung mga areas na katulad ng soccer field. Basketball court. ect. Kung saan saan kami pumunta. Sobrang laki pla talaga nitong school na ito. Nag sabi rin siya ng events katulad ng upcomming event na intramurals at kung gusto ko daw sumali icheck ko daw sa announcement board kung anong oras ang try out at kung saan ang venue.

Ilang oras pa ay nagpaalam na siya sakin dahil lunch na at tapos na rin naman ang tour. Nagkita kami ni louie sa isang table sa cafeteria.

"So, ano whatchatenk of ajay?" Sabi niya sakin habang tinutusok tusok ang tagiliran ko.

"Huh? Ajay sino yun?"

"Si Mr. rikawa hanubah!" sabi niya habang umiiling iling.

"Ayus naman. ?" Sabi ko ng may pagaalinlangan at pagtataka. Ayus lang naman. Wala naman kasing special dun sa tour. pfft.

"Oh weh! Bakit ganyan ang tono mo sistah! Di ka sure sa iyong answer?"

"Wala namang kasing kakaiba sa tour." Sabi ko sabay subo ng carbonara ko. Gutom na gutom na ako.

"Dahan dahan sistah! Diet tayo remember! Kailangan nating maachieve ang ating target weight! Huhuhu. Pag ako sumexy!--"

"Nako nako bukas na at gutom na gutom na ako!" Sabay subo ulit ng carbonara ko.

Tumingin si Louie sa likuran ko at ngumisi sakin sabay nguso sa likuran ko. Tumingin naman ako sa likuran ko bigla namang umiwas ng tingin yung lalaki.

"Ayieee si Ajay nakatingin sayo" sabay tusok uli ni louie sa tagiliran ko.

"Pshh. Hindi yun."

---

Pumunta na kami sa class namin. Kada klase pinapakilala ako ng prof. namin. May ilan na nakikipagkaibigan. May ilan ring walang pakeilam. Laking gulat ko na laging nandun sa Ajay sa klase at  lagi ko siyang nakikitang nakatingin saakin hindi sa pagiging assuming. Alam kong wala namang tao sa likod ko kasi malapit ako sa bintana at pintuan umuupo.

Nang nagpaalam na ang huling prof. namin sa araw dali dali niya akong hinila sa labas na ipinagtaka ko naman.

"Sinusundan mo ba ako?" Sabi niya sakin habang nakakunot ang nuo. Kumunot rin naman ang nuo ko sa sinabi niya. Wow lang ha!

"Hindi kita sinusundan." Sabi ko sakanya na may halong inis.

"Eh bakit lagi kitang nakikita sa klase?" Sabi niya habang nakatingin parin sakin at nakakunot parin ang nuo.

Binuksan ko ang bag ko at pinakita ko sakanya ang schedule ko.

"Oh yan! yan ang schedule ko kaya hindi kita sinusundan Mr. Rikawa!" Naiinis na talaga ako ha!

"Tss." Yan ang sabi niya sabay nag walkout.

Hindi ko nga siya ganun kakilala  tapos susundan ko pa daw? Kapal niya ha! Wala na ba talagang lalaking humble ngayon? Palibhasa sikat eh.

Serves him right!

--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon